CHAPTER 12

106 4 0
                                    



After ng nangyari ay pumunta na ako sa kwarto ko at humiga sa higaan ko.

Hindi na din nagtagal ng makatulog na ako.

Kinabukasan ng magising ako ay bumangon na agad ako at saka nagtungo sa bathroom ko para maghilamos at gawin ang morning routine ko

Nangmatapos ako ay lumabas na ako ng kwarto ko, nakasalubong ko pa si Zeyus na papasok sa kwarto nya.

"Morning" bati ko at assual hindi manlang bumati pabalik o ngumiti.

Parang ewan talaga to si Sir. Zeyus minsan mabait, minsan masungit, ang tanga lang.

Sa kusina agad ako dumiretso para kumain ng umagahan.

Nandoon sila manang nag aalmusal, nang makita nila ako ay inaya din nila ako.

"Good morning Aliah, halina po kayo at mag almusal na." Sabi ni manang Cloelle

"Goodmorning po, cge po" sabi ko at tumabi naman sa kanila.Tumayo si manang Rytelle at kumuha ng tasa.

"Anong gusto mo ija?" Tanong nya,

"Milo nalang po" sabi ko, "at ako na po ang magtitimpla" mabait na dagdag ko.

Kinuha ko sa kanya ang tasa at nagsimulang mag timpla ng Milo, pagtapos ay nagsandok ako ng kanin at ulam namangha pa ako sa ulam kasi parang masarap tignan, it's just adobo.

Nagsandok ako ng medyo madami at nilagay sa plato ko nangmatapos ako ay bumalik na ako sa upuan ko at nagsimulang kumain.

Unang kagat tinapay agad hahaha choss

Unang subo, ohhh ang sarap, sumubo ako ulit at  ang sarap nga talaga, sino ba nagluto nito?

Tumingin ako kila manang at nagthathankyou kasi masarap yung pagkakaluto ng ulam.

"Manang, Ang sarap naman po ng luto nyong adobo" sabi ko at ngumiti

"Ohh, hindi kami ang nagluto nyan" sagot naman ni manang Cloelle.

Nagtaka ako kung sino yung nagluto and then he suddenly came out in my mind.

Ofcourse sya, kung hindi sila edi siya, kami lang naman ang tao dito sa bahay ehh.

"Si Sir. Zeyus ang nagluto nyan" sabi naman ni Manang Rytelle.

Ohhh kaya pala,... pero ang galing ahhh lasing sya kagabi pero nagluto ngayon, ano yun? Walang hangover?

Tinapos ko nalang ang pagkain ko at saka pinakain yung mga pusa, pagtapos non ay nagboluntaryo na ako sa paghuhugas ng plato.

Nangmatapos ako ay bumalik na din ako sa kwarto ko. Ginawa ko muna ang assignment ko saka nahiga sa kama at nagcellphone.

Habang nagcecellphone ako ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok, bukas yan" sabi ko

Pumasok si Sir Zeyus sa kwarto kaya napabangon ako sa higaan ko. Napansin ko agad na naka pang alis sya. San punta neto?

"Bakit?" Tanong ko.

"Aalis ako" sagot nya ng walang expression sa mukha

Pake ko?

"Ohh tapos?" Sagot ko

Bigla naman tumibok ang puso ko ng napakabilis dahil bigla syang lumapit saakin at isang pulgada nalang ang layo namin sa isat isa

"Nothing, I just want my fianćee know it" sabi nya at hinalikan ako sa noo

Halaaaaaaa

Para nang lalabas ang puso ko sa dibdib sa sobrang lakas ng tibok nitooo

My Professor is my secret fianceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz