NGA YAWNE LU OER

22 0 0
                                    


Ang librong ito ay naglalaman ng iba't ibang mga tulang nagmula sa puso ng manunulat. Naipapahayag nito ang damdamin ng manunulat sa pamamagitan ng tula. Gumamit ng malayang pagsusulat o free verse na estilo ang manunulat upang malaya nitong maipahayag ang kanyang damdamin. Naglalayong busogin ang mga puso ng mambabasa, at maiparamdam nito ang umibig ng taos puso at may pagtitiwala.

Sa panahon at pagkakataon nagsisimula ang lahat, hayaang ang oras ang magbigay ng hudyat kung kailan mapupunan at mabibigyan ng kulay ang kagustuhang umibig at ibigin. Magsilbi nawa itong mga tula bilang inyong inspirasyon sa lahat ng oras. Simple lamang ang mga gawa ngunit mabibigat ang emosyon at may diwa.

Mananatiling narito ang mga tulang ito at habang buhay akong susulat dito hanggang sa marating ko ang panahon na ako ay tuloyan nang masaya. Magsisilbing talaarawan ng aking buhay sa pag-ibig at paano ito nagkakaroon ng kulay.

 Magsisilbing talaarawan ng aking buhay sa pag-ibig at paano ito nagkakaroon ng kulay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nga Yawne Lu OerWhere stories live. Discover now