Chapter 3: The God of This World.

94 11 0
                                    

Chapter 3: The God of This World.
Written by: CDLiNKPh

SAMANTALA, pinaalis naman ni Cara ang mga katulong sa kwarto niya at inilock iyon. Hindi niya alam kung bakit nag-iinit ng husto ang katawan niya na tila ba sinusunog iyon. Bigla na lang niyang naramdaman na parang hindi na normal ang nangyayari sa kanya hanggang sa mawalan siya ng malay at nahiga sa kama. 
Sa panaginip niya ay may isang ibon ang nagpakita sa kanya. Isang ibon na nagliliyab na phoenix kung tawagin sa mundo nila. Ang ibong iyon ay malayang lumilipad sa ere kasama niya sa mundo na iyon kung saan para silang nasa isang paraiso. Isang lugar kung saan napapaligiran ng matataas na puno at naggagandahang mga bulaklak. 
"Sino ka? Nasaan ako?!" nagtatakang tanong niya. 
Ang ibon ay biglang lumapit sa kanya. Sa isang iglap, ang ibon ay biglang nag-anyong tao. Isang gwapo, matangkad at may six pack abs na lalaki. Paano niyang nalaman? Iyon ay dahil ang suot nito sa pang itaas ay walang butones kaya kita ang dibdib. Ang kasuotan nito ay tila parte din mismo ng katawan nito dahil balahibo iyon ng phoenix. 
"Ako si Ymir. Ang Diyos ng mundong ito. Kinagagalak kitang makilala, Katherine."
"Katherine? Kilala mo ang totoong ako? At kung ikaw ang Diyos ng mundong ito, ang ibig bang sabihin ay ikaw ang writer ng nobelang ito?" hindi makapaniwalang tanong niya. 
Ang writer ng binabasa niya na webnovel kung saan bida si Claire ay sikat na sikat sa Pilipinas ngunit napakamisteryoso. Kahit kailan ay walang nakakilala sa writer na iyon dahil bukod sa never itong nag attend ng book signing kahit naging published book ang libro nito ay bihira din itong magreply sa mga comment ng stories nito sa Wattpad. 
"Ano'ng hiwaga ang mayroon sa kwento mo at nagawa mo akong ipasok dito? Ibalik mo ako sa mundo ko!" galit na sabi niya. 
"Ang mundo mo? Na gusto mo nang lisanin kaya nagtangka ka na magpakamatay?" 
Natigilan siya. Saka bumalik sa ala-ala ang mga nangyari bago siya mapunta sa mundong ito. Depress siya noon. Nakainom at tila nawawalan na ng pag-asa pang mabuhay. Iyon ay dahil nalaman niya na ang lalaking pinakamamahal niya ay niloloko lang pala siya.

Magkasama sila sa trabaho at mabait ito sa kanya. Iyon pala ay dahil inuuto lang siya nito para magkaroon ito ng mauutangan. Sa sobrang pagmamahal niya rito, ni hindi na niya naiisip ang mga babala ng ibang katrabaho niya noon na babaero ito at ginagamit lang siya para magkaroon ng pera. She came from a broken family and she doesn't even have siblings. Her parents left her with her aunt before na sinasaktan at inaalisputa lang naman siya. Tumakas siya roon, nagtrabaho ng maaga at binuhay ang sarili kahit noong elementary pa lang siya. Eversince, naghahanap siya ng pagmamahal mula sa ibang tao na inaakala niya na kay Josh niya noon makikita. But he only used her and even hear it directly from his mouth when he's speaking with her real girlfriend at lingid sa mga ito ay sinusundan niya.
Iyon ang dahilan kung bakit nahilig siyang magbasa ng novel noon. Kadalasan ng mga binabasa niya ay mga isekai stories kung saan makulay ang buhay ng mga bida at maraming nagmamahal sa kanila. Katulad ng story ni Claire na kahit wala pa man itong gawin ay automatikong minamahal na ito ng mga tao sa paligid nito. Prince Philip, Benjamin and Duke Valentine are all cold and ruthless man pero pagdating kay Claire, naging doting family at lover ang mga ito.
But instead of Claire, she took an interest with the villainess instead. Dahil nakikita niya ang sarili niya rito. Begging for love that she can never have. Nang mamatay ang character nito ay tila pinanghinaan din siya ng loob. Na baka katulad nito ay hindi rin siya magawang mahalin ng kahit na sino sa bandang huli. 
"I'm not an ordinary writer, Katherine. Isa akong totoong Diyos sa totoong mundo. Kaya naman lahat ng sinusulat kong akda ay nagkakaroon ng totoong buhay at alternate world. But I made a mistake in my story. Because of my own depression, just because of a whim, naisip ko na gunawin ang mundo sa kwentong sinusulat ko. A lot of readers got mad at me, including you. Pero sa lahat ng nagcomment sa kwentong naisulat ko ay iyong comments mo ang pinakatumatak sa isipan ko. Ang sabi mo roon, ang female lead na binigyan ko ng maraming admirers ay hindi naman talaga naging masaya sa naging prince charming niya. And a lot of people suffered just because of male lead's obsession to her which is really unfair. Maybe if I'm just an ordinary writer, it will be fine since it's just a story but I am a God. I killed all people at the end of my story but they're just not characters, they have their own life in this alternate world."
"And what does have something to do with me? You dragged me here just because you made such a trashy story?!"
"It's because of what you have wished for, Katherine. In your comment, you said that aside from the heroine, naging unfair din ako sa villainess ng story. Ang sabi mo roon, ang hangad lang naman ng villainess ay mahalin siya ng totoo ng kahit isang tao lang pero hindi ko siya binigyan ng isang character na gagawin iyon para sa kanya. Na siguro kung ginawa ko iyon sa kwento, hindi naging miserable ang buhay niya. Because that comment has touched me, nagkaroon ako ng malaking kagustuhan na baguhin ang kwento niya. Ang kwento rin ng lahat ng characters na ginawa ko sa mundong ito. And you will be the key to do that."
"Ako? At bakit ako? Ikaw ang writer, hindi ba? E 'di isulat mo na lang!" inis na sabi niya. 
"I can't change something that's already written, Katherine. Not unless, someone from the outside world can intervine. That's why I choose you. In your comment, you said there that since you just want to die anyway, you don't want to die in vain. Ang sabi mo, kung mamamatay ka rin lang naman, mas gugustuhin mo na mamamatay ka para sa nakararami. If you are willing to just throw away your life like that, why not die a hero."
Napanganga siya sa narinig. 
"So you're telling me that you drag me here just to die and sacrifice myself for everyone?! Are you nuts?!"
"If you are willing to die, why not. You know the story and you are aware what will happen to the end. I know you also want to help. I know since we're together and I'm just hiding in your soul eversince you arrive here. I can read your mind while I'm inside your body. But why do you have to die if you can live and be a hero or goddess of this world?" nakangiting sabi ng phoenix. 
"Baliw! Ano naman ang kakayahan ko? Iyong hero mo nga, nabaliw sa pag-ibig kaya imbes na iligtas ang mga tao, inuna pa ang pakikipagkumpetensya, huwag lang maagaw ng ibang lalaki si Claire! Ako pa kaya? Ayoko! Just return me to my world!"
"And then you will kill yourself there?"
"Gano'n na nga! Atleast hindi ako napagod!" pang-iinis niya. 
"If you do what I say, I will let you return to your world. I will even let you have what power you will gain from here and even fortunes. Who knows, maybe you can find love here?"
"I can never have that!" gigil na sabi niya. 
"And why not?" Sa gulat niya, biglang lumapit sa kanya si Ymir. Napalunok siya nang mapagmasdan nang malapitan ang gwapong mukha nito. 
Diyos nga talaga ito. Diyos ng kagwapuhan! In every aspect ay talagang superior ang mukha at tindig ng katawan nito. Sa isang tingin, hindi mo masasabing normal lang na tao ang isang ito. Mas gwapo pa ito kaysa sa mga artista at kpop idols na nakikita niya sa TV. Purong pula ang paspike na buhok nito, maging ang mga mata nito ay pula rin. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoon. Matangos din ang ilong nito, maputi at mayroon manipis na labi na may puti at pantay-pantay na ngipin. 
"If no one loves you, I can do that for you. I will promise you that I will only be yours and no one can have my heart except for you. We will be married soon anyway."
"Married? Ano na namang sinasabi mo?!" naguguluhang tanong niya.
"You are in my world and you can't return to your world without doing the rules that I've set in order to do so. You will die if you stay here more than 3 days without marrying me. If you marry me, we will share our lifespan and I have infinite lifespan because I'm a God. You will also get some of my powers, not a bad deal, huh?"
"Not a bad deal mo mukha mo! I won't marry you! I don't even love you! Bakit ko naman gagawin iyon?!"
"Because you will die if we don't do that. Besides, ang pagmamahal ay napag-aaralan. I don't know anything about it though because I never experience it myself but I guess I can learn it fast because I'm great," sabi pa nito. 
"If you're that great, why don't you just change your own story you made for yourself! Bakit kailangan mo pa akong idamay!"
"I told you already, even if I'm a God, there's still a boundary, I can't change the story that I've already written if no one from the outside world will intervine. Your soul is not from this world so you are the only one who can do that."
"Kahit na! Ayoko pa ring magpakasal sa hindi ko mahal!"
"If you are so concerned about that then why don't you learn to love me then? Based on what I see in your face, I don't think it will be hard for you. I've learned in my world that if humans are showing a reaction like that , they like what they see, you are blushing just by looking at my handsome face."
"Shut up!"
"If you still don't like the idea of having me as your only husband, I will let you marry other guys if you want and I won't mind. As long as I'm the main husband, that's fine."
"What?! Gusto mo akong magkaroon ng iba pang asawa? Baliw ka ba?!"
"Why not? Ang pagkakaalam ko, ang mga naging hari sa mundong pinanggalingan mo ay nagkakaroon din ng maraming asawa. If you follow my instructions, you will be a Goddess of this world, I will let you have as many husbands as you want, if you want wives, that's also fine," nakangising sabi nito.
Napaface palm na siya dahil sa kakulitan ng lalaking nasa harapan niya. Parang wala lang talaga para rito ang salitang pag-ibig. Hindi nito maiintindihan kahit kailan na ang isang tao, kapag nagmahal, iisang tao lang din ang nanaisin niyang pakasalan habang buhay. 
Pero kung totoo man ang sinabi nito na mamamatay siya kung hindi sila magpapakasal, sa tingin niya ay wala siyang choice. Baka nga naman totoo rin ang sinabi nito, ito na ang pagkakataon niya para magkaroon ng panibagong buhay. 
"Sige, pumapayag na ako na magpakasal sa 'yo! Pero papayag lang ako sa kasal para lang hindi pa mamatay, hindi ibig sabihin no'n na kailan kong makipag-ano sa 'yo!" namumulang sabi niya. 
Tumawa lang ito dahil sa sinabi niya.
"I won't force you to do anything that you don't want to do. I will let you do whatever you want and I will just support you..."
Iyon lamang at ginawa na nila ang serimonya ng kasal sa paraan na alam nito bilang Diyos. Hindi na nila kailangan ng simbahan at pari para magawa iyon. Dahil ang kasal na sinasabi nito ay kailangan lang ng isang halik para maisakatuparan ang pag-iisa ng mga kaluluwa at lifespan nila. 
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan niya na mahagkan ng isang lalaki...

- TO BE CONTINUED...

No One Loves Me That's Why I Became A Goddess in Another World (Tagalog)Where stories live. Discover now