Kabanata 30

208 6 0
                                    

Kabanata 30






Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Halikana... Umuwi na tayo... " paglalambing ko.

Pinunasan ko din ang basa niyang pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan at dahan dahang tumango.

May kakaiba kay Adonis...


Tahimik lang kami habang naglalakad. Ni isa sa amin ay walang nagbalak na basagin ang katahimikang nakapalibot sa aming dalawa.

"Sa tingin mo ba, habang buhay na magiging tayo? " pambababasag ko sa katahimikang namamagitan sa amin.

Natigilan si Adonis at mapait na ngumiti. "Sa tingin ko ay hindi... "

Parang may kumirot sa puso ko dahil sa naging sagot niya. Dahil maging siya ay hindi din sigurado. Maging ang pananalita niya ay tila may kahulugan.

Umiwas ako ng tingin. "Bakit hindi nalang natin panatilihin ang mga sarili natin sa isa't isa habang buhay? "

"May mga pangyayari na hindi natin inaasahan, Miriam. At hindi din ako sigurado kung magiging akin ka hanggang sa huli. "

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "Edi magiging iyo ako, Adonis... " muli akong umaasa, ngunit ang pag asang iyon ay unti unting naglaho.

"Miriam... " natigilan ako ng marinig ang boses ni Kuya.

Akala ko guni guni ko lang iyon, pero nagkakamali ako. Dahil nasa harap ko siya, nakatuon sa akin ang mga mata niyang tila nasasabik. Halos tumigil ang mundo ko habang nakatingin kay Kuya.

Humigit ang hawak ni Adonis sa kamay ko. "K-kuya? "

Nginitian niya ako. Wala na iyong Kuya Venezio na nakaengkwentro ko sa Calbayog na madilim ang mukha at nakakatakot na tila isang mabangis na hayop.

"Halikana, Miriam. Umuwi na tayo... " may pagsusumamo sa boses niya at nakita ko sa mukha niya ang pagiging desperada na pauwiin ako.

Umatras ako at dumikit kay Adonis, humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Dahil sa ginawa ko ay natigilan si Kuya.

Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi nito. At nakita ko sa mukha niya ang pangamba, pero para saan?

Hindi makapaniwala siyang umiling at kung makatingin siya kay Adonis ay para itong halimaw na nagkatawang tao para kainin ako at traydurin makuha lang ang gusto.

"M-miriam... Lumayo ka sa kaniya. " nag alab ang galit sa aking sarili dahil sa sinabi ni Kuya sa akin.

"Ayaw ko po Kuya. Hindi po ako sasama sayo! Dito lang po ako sa tabi ni Adonis-"

"Hindi siya ang nararapat para sayo, Miriam! " laban niya.

Napakurap kurap ako at walang emosiyong umiling. "Hindi, Kuya. Magiging nararapat siya sa akin. Gagawin ko iyon. " pursigido kong sabi.

Malalamig ang mga matang tumingin si Kuya kay Adonis. "Nauto mo ang kapatid ko! " nag aalpas sa galit nitong bigkas.

Maslalo akong nagalit dahil sa sinabi niya. Malaki talaga ang galit ni Kuya kay Adonis. At hindi ko alam kung bakit gano'n na lang kalaki ang galit niya rito.

"Hindi niya ako inuto, Kuya! Mahal ko si Adonis! At para malaman mo ay kasal na kami! " matapang kong sinabi na ikinagulat ni Kuya.

Hindi makapaniwala. Ngunit isa lang ang masasabi ko, nakita ko ang takot sa kaniyang mukha. Takot na hindi ko alam kung para saan.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon