Kabanata 31

177 8 0
                                    

Kabanata 31





Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Kahit paman punasan ko iyon ay napapalitan pa rin iyon.

Hindi ko pala kaya... Akala ko kakayanin ko, kakayanin kong malaman ang katotohanan.

Kaya ba gano'n nalang kung mag salita si Adonis sa akin? Dahil nakagawa siya ng kasalanan. Kasalanan na alam niyang labis kong kinamumunghian.

At napunta din sa wala ang paghihintay ko para malaman kung sino ang lalaking iyon. Dahil ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Adonis...

Nanlalabo ang paningin akong nagbaba ng tingin sa lapida ng anak ko-anak namin...

Lumuhod ako sa harap mismo ng lapida ng anak ko at doon humagulgol.

Napatakip ako sa aking bibig. "A-anak, p-pasensiya k-kana kasi ngayon l-lang ako nakadalaw u-ulit sayo... " umiiyak kong sinabi, halos hindi ko kayanin ang sakit. Mahirap paniwalaan, mahirap paniwalaan na may buhay kang napabayaan.

Hindi ko matanggap na nawala na ang batang ito... Ni hindi man lang ako naging mabuting ina sa kaniya.

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang lapida ng aking anak habang paulit ulit na binibigkas ang salitang patawad.

"A-anak a-ang papa m-mo... D-dapat k-koba siyang patawarin? " alam kong malabong sumagot ang taong namayapa na, pero umaasa ako na bibigyan niya ako ng sign na siyang sagot sa katanungan ko.

Parang may kung anong humaplos sa puso ko. At ang tibok ng puso ko ay kakaiba, na para bang kinukumbinsi niya akong patawarin si Adonis.

Pero ang pagpapatawad ay hindi madaling gawin. Lalo na kapag malaki ang atraso sayo ng taong iyon.

Suminghot ako at malungkot na tumingala sa kalangitan.

"Hindi madaling mag patawad, anak... Pero gagawin ko, dahil mahal ko ang papa mo... " gagawin ko kahit masakit.

Bakit ba hindi ako natututo? Nasaktan na ako pero bakit babalik padin ako? Siguro dahil mahal ko siya? But shit that love! Bakit ganito siya?! Pagmamahal ba talaga ang tawag dito?!

"Hindi mahirap mahalin si Dante, Miriam. Bakit hindi mo subukan? " biglang tanong ni Mharissa sa akin.

Nung una ay nagulat pa ako dahil ito ang unang beses na nakipag usap ito sa akin.

Sa aming magpipinsan ay si Mharissa ang ilap at bihira lang kung mag salita at makipag usap sa amin. Ang pagkatao niya ay tila nababalutan ng maraming misteryo.

"Hindi ko kaya, Mharissa... " mahinang sabi ko.

Bumaling sa akin ang mga mata niyang tila may ipinapahiwatig.

Maliit siyang ngumiti. "Bakit hindi mo subukan? " ulit nitong muli.

Nagbaba ako ng tingin at bahagyang umiling. "Masyado pang masakit, Mharissa. Huwag nating ipilit at kahit kailan ay hindi ko mamahalin si Dante. " sabi ko habang nakatitig sa mga mata niyang dinaanan ng isang emosiyon. Emosiyon na para lamang sa taong nag mamahal.

"Dahil may nagmamay ari na sa puso mo, yun ba iyon? "

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap si Mharissa na matamaang nakatingin sa akin.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon