Kabanata 32

174 9 0
                                    

Kabanata 32










Sumapit ang bagong umaga at lumipas ang panahon ay lagi ko nalang natatagpuan ang aking sarili na nasa daungan. At inaabangan ang bawat bangka na dumadaong at ang mga pasaherong bumababa, umaasa na makikita siya at babalikan ako gaya ng pinangako niya.

Pero mahirap ang umasa. Dahil ang pag asang iyon ay para lamang sa mga taong pinangakuan ngunit hindi pinanghawakan. Kagaya ko, nilihiman na nga, pinangakuan pa tapos hindi pa tinupad.

Inaamin ko, hinintay ko si Adonis. At pinanghawakan ang mga pangako niya, pero walang Adonis na dumating. Hanggang sa napagod na ako sa kakahintay sa kaniya, gusto ko siyang kalimutan. Pero paano? Gayong ang ala-ala namin ay mananatili pading nakaukit na tila isang marka sa aking buhay?

Bumaba ang tingin ko sa singsing na nasa aking daliri. Matagal tagal ko na din itong sout, at pagkatapos akong iwan ni Adonis ay nangako ako sa sarili ko na sa oras na hindi na ito bumalik ng mahigit sa apat na taon ay hindi ko na sosoutin pang muli ang singsing na ito.

At kakalimutan ko ang mga pangakong binitawan ko kay Adonis.

Natagpuan ko na lamang ang sarili na inilalagay ang singsing maging ang wedding ring sa isang maliit na kahon at ibinilin sa isang kasambahay na sunugin ang kahon na iyon.

Maaari niyo na akong tawaging walang puso dahil sa ginawa ko. Pero kasalanan ko ba na ang pag ibig ang siyang nagpabago sa akin?

Marami akong nagawang kasalanan dahil kay Adonis. Mga kasalanan na hindi ko pa napagbabayaran. Na hanggang ngayon ay dala dala ko pa din.

At ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak pang muli. Pero lagi kong nahahanap ang sarili na umiiyak pa din sa huli sa tuwing sumasagi sa isip ko ang lahat.

Simula sa una, gitna at huli. Bakit ba kailangan pa nilang mag balik? E' gusto ko na silang kalimutan? Mabuti pa ang alaala nagbabalik. Bakit siya hindi?

Bakit pa ibabalik ang nakaraan gayong matagal ka nang binitawan?

"Nandito pa ako, Miriam. Puwede namang ako. " desperadong sabi ni Dante sa akin minsan.

Walang emosiyon ang makikita sa aking mukha habang hinihigop ang mainit na tsa-a na gawa ni Mama La.

"Bakit ako, Dante? " malamig kong tanong.

Natigilan si Dante kaya nilingon ko siya. Nakatitig siya sa tasa ko at tila malalim ang iniisip. "Anong ibig mong sabihin? " mahinang tanong niya.

Nginitian ko siya. "Bakit hindi si Mharissa? " dahil sa naging tanong ko ay nakita ko ang isang emosiyon na dumaan sa kaniyang mga mata, emosiyon para sa taong tunay na nagmamahal pero nababalutan ng mga taong inuutusan para lang masunod ang kagustuhan. Bawal na pag ibig.

Magpapasalamat na ba ako dahil hindi natuloy ang kasal namin ni Dante? Gayong nabuntis naman niya si Mharissa?

"Walanghiya kang babaita ka! Nakakahiya ka! " galit na galit si Tita Maureen at hindi na niya alam kung saan pa puwedeng ilagay ang iba pa niyang galit.

Umiiyak na nagmakaawa si Mharissa, na siyang mali at hindi dapat gawin. Lumaban siya, hindi naman masamang ipaglaban ang sarili kahit minsan.

Dinaluhan din siya ni Dante na walang emosiyon ang mukha. At isa lang ang masasabi ko sa gano'ng reaksiyon, hindi gusto ni Dante ang nangyayayari.

"B-bakit kapag ako 'yung nagkaroon ng kasalanan ang t-tagal niyo akong patawarin? Pero bakit si Miriam nung nagkasalanan pinatawad niyo kaagad? Gano'n ba talaga k-kapag... P-paboritong apo at p-pamangkin? " hindi nakaimik si Tita Maureen dahil sa isiniwalat ng anak.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon