Kabanata 33

184 8 0
                                    

Kabanata 33






Humilig sa direksiyon ko ang ulo ni Adonis kaya ibinaling ko ang aking ulo kay Elisse na tila may pinagkakaabalahan, pero ang totoo ay tinitingnan ko lang siya.

Guato ko ng makaalis sa presintong ito. Hindi ko kaya ang aura niya, ano gano'n nalang iyon? Matapos niya akong iwan makikita ko lang siya na para bang wala siyang iniwan at pinangakuang babae sa Samar?


Halos ibalibag ko na sa mismong pagmumukha ng babae ang upuan dahil sa dami niyang kaartehan at reklamo, dahil hindi kami makaalis alis dahil sa kaniya!

"Bakit kaya hindi na lang ikaw ang gawin kong bag para naman bumago ang style mo " bulong ko sa sarili at umikot ang mata sa hangin.

Narainig ko pa ang mahinang pagtawa ni Elisse, sinilip ko si Adonis. Na labis kong pinagsisisihan, nakatingin kasi ito sa akin habang tumatapik ang ulo ng ballpen nito sa lamesa niya. Habang nakapangalumbaba at nakatuon sa akin ang mga mata nitong dinaanan ng emosiyon, emosiyon na ayaw kong pangalanan.

"Paano mo nasabi na peke ang bag na gawa nito? " baling niya sa babae na ikinaismid ko, anong nito? Parang dati hindi mo ako tinawag na asawa ko ah?!

Inirapan ko ang babae ng mapansin ang pamumula ng pisngi nito at paghawi ng buhok. Halata naman kasing type niya si Adonis! "A-ah... K-kasi... N-nasira y-yung b-bag ko kaagad. " ngumiwi pa ako dahil sa kaartehan sa boses niya.

At hindi ko naman kailangang mangamba dahil paniguradong hindi siya papatulan ni Adonis. Dahil kahit nagkalayo kami ng matagal ay kasal pa din kami!

Ipinatong ko ang siko sa lamesa at mahaderang tumingin sa babae. "Ha talaga ba? Sumagot ka ng maayos huwag kang maharot. " sinamaan niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya.

Ang landi landi kasi eh. Magsasalita na nga lang yung pang malandi pa talaga ang tono ang gagamitin at galawan.


Nagkasalubong kami ng tingin ni Adonis kaya mabilis akong nag iwas ng tingin at umayos ng upo.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. " nakataas ang kilay na aniya.

Tinaasan ko din siya ng kilay. "Baka naman kasi pati sarili mo ay inilagay mo sa loob ng bag kaya nasira. " umawang ang labi niya dahil sa sinabi ko habang namro-mroblemado namang nakatingin sa amin si Elisse.

"Ma'am, mag dahan dahan po kayo. Baka nakakalimutan niyo pong wala papo kayong business permit. " pagpapaalala ni Elisse sa akin kaya napatingin ako sa babae na matalim na ngayong nakatingin sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi ang manahimik.

"I want to file a case to you! "

Tumikhim si Adonis para maagaw ang atensiyon ng babae. "Miss, puwede nating pag usapan ito ng masinsinan. Baka naman kasi ay hindi maayos ang pagkakagawa ng bag, at hindi lang din naman iyon ang basehan para masabing peke ang isang bagay. Baka naman kasi ay sumabit ang bag sa kung saan ng hindi mo namamalayan. " natigilan ang babae at tila nakumbinsi ni Adonis, kaya nilingon ako ni Adonis habang nakangiti. Hindi ko alam kung para kanino iyon, pero bakit parang namiss ko ang ngiti niya?

Dahan dahan akong nag iwas ng tingin. I made a promise and i don't want to break it because of that smile. Isang ngiti lang iyon pero kaya ng pahupain ang galit ko.



Dahan dahang tumango ang babae at nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago ako tinignan.

Ngunit nakapostura pa din ang katarayan sa mukha nito.

"Well, susubukan ko. Pero kapag sa oras na ininis ako ng babaeng iyan wala ng second chance! " pakealam ko naman sa second chance mo?

Bumuga ako ng malalim na buntong hininga at hindi na nagsalita pa. Dahil nangangati na din akong umalis na talaga dito.


Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon