Kabanata 35

222 7 3
                                    

Kabanata 35






Wala akong imik habang nakaupo sa paanan ng puntod ng anak namin ni Adonis.

Nakatulala sa hangin habang ang utak ay pilit na prino-proseso ang lahat.

"Anak. Sa tingin mo ba ay tama ang ginawa ni Mama kay Papa? " mahina kong tanong at nanatili pa ding nakatingin sa kawalan.

Lagi akong pumupunta dito sa tuwing may bigat sa dibdib ko. At itinatanong sa aking anak kung ano ba ang nararapat.

Yumuko ako at maliit na ngumiti, inalis ang patay na petal ng bulaklak na nakakaharang sa pangalan niya.

"Dapat ko ba siyang patawarin, anak? "

Umihip ang malakas na hangin.

"Pero paano? Malaki ang kasalanan ng papa mo anak? Inilayo ka niya sa akin, patungo sa lugar na hindi kita pwedeng mapuntahan. "

"Bakit gano'n? Bakit parang gusto siyang patawarin ng puso ko? Naasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Inaakusahan ko ang puso ko, dahil alam kong hindi tama ito... Pero inaakusahan din ako ng puso ko. " humina ang boses ko.

Tumingala ako. "Dahil sa una pa lang, alam ko na ang tunay na isinisigaw ng puso ko... " mahinang sinabi ko.

Tumayo ako pero bago iyon ay pinunasan ko muna ang luha ko.

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng mapansing may tao pala sa likod ko. Pero masyado na yata akong naging bato, dahil tila nanigas ako sa kinatatayuan habang nakatingin sa mukha nito. Mukha ng taong nasasaktan.

Umawang ang mga labi ko. "Adonis... "

"T-totoo ba? " bahagyang nabasag ang boses niya at nagsisimula na ding mamuo ang luha sa mga mata niya.

Naisara ko ang bibig habang nananatili pa ding nakatuon sa kaniya ang aking mga mata.

"K-kasalanan ko ba kung bakit siya namatay? A-ang a-anak ko... "

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi lalo na nung unti unti ko ng nararamdaman ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko.

Tumingala ako para pigilan na huwag mapa-iyak, pero kasabay ng pag tingala ko ay siya ding pagkahulog ng isang butil ng luha sa pisngi ko. Kaya ibinaba ko na lang ang mukha dahil sa kabiguan, ni hindi ko man lang napigilan.

Pero pwede ba iyon? Paano mapipigilan na huwag tumulo ang luha gayong nasasaktan ang isang tao?

"O-oo, Adonis... A-anak n-natin siya... " mahinang sabi ko na halos ikalugmok ni Adonis sa kinatatayuan.

Ang kaniyang mga matang lumuluha ay dahan dahang tumuon sa puntod ng aming anak.

Halos gumapang na siya sa pagpunta doon. Habang ako naman ay impit na umiiyak. Pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kong babae.

Dahil hinahayaan kong mag hirap ang lalaking mahal ko.

"A-adonis naman tumayo ka! " madiin kong utos na may pagmamakaawa.

Tanging pag iyak lang ang natanggap kong sagot mula kay Adonis habang nasa tapat ng puntod ng anak namin.

Umiyak ako lalo sa naisip. Imbis kasi na nasa mga bisig ni Adonis ang anak namin ay nasa lupa na ito, nakabaon. At kahit kailan ay hinding hindi na mabubuhay pa...

"Anak... N-nandito n-na si Papa... Pasensiya k-kana kasi h-hindi mo nakasama si Papa... "

Naninikip ang dibdib ko habang nakikitang nagkakaganito si Adonis.

Umupo ako sa tabi niya habang sunod sunod at walang tigil sa pagtulo ang mga luha sa pisngi ko.

"Kaya ba gano'n na lang kalaki ang galit mo sakin nung nilihim ko sayo ang tungkol doon? " biglang tanong ni Adonis habang nananatili pa ding nakatingin sa puntod ng kaniyang anak, malungkot. Ayun ang nababasa kong emosyon sa kaniyang mga mata.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon