Kabanata 34

189 9 1
                                    

Kabanata 34







Hindi na ako babalik, kaya huwag mo na akong hintayin pa. Mas pipiliin ko pa ang pangarap ko kaysa sayo, mas gugustuhin ko pang malayo kaysa sa makasama ka.

-Adonis.

Iyon ang huling sulat na naiwan sa akin matapos akong iwan ni Adonis nung mga oras na iyon. Dinalhan niya ako ng sulat mga tatlong araw ang lumipas ng umalis siya. Kaya nagdadalawang isip ako kong dapat ko bang paniwalaaan ang sinabi niya na miss na niya ako.

Pero lagi kong nahuhuli ang sarili na nag aabang sa daungan at patuloy na umaasang babalik pa siya dati.

Pero ang lahat ng pag asang natitira sa akin ay nawala na, matagal ko siyang hinintay. Pero bakit parang ako lang yung nahihirapan? Bakit patuloy pa din akong nakatayo nung mga oras na iyon kahit wasak na wasak na ako?

Siguro dahil malakas ang kapit ko kay Adonis? Malakas ang kapit ng puso ko. Dahil naniniwala ang puso ko na hindi magagawa iyon ni Adonis at babalik siya para sa akin. Pero ang larawan na iyon ang siyang nagpabago sa lahat.

Para saan ba ang pakikipaghalikan? Hindi ba para iyon sa magkasintahan at mag asawa? Bakit nung naging kami hindi niya ako hinalikan? Pero sa ibang babae oo?

Minsan napapaisip ako na may naramdaman kaya sa akin si Adonis kahot kaonti? Pero diba kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo siya sasaktan? Ibig bang sabihin non ay hindi ako mahal ni Adonis dahil sinasaktan niya ang damdamin ko?

"Hindi pa din ba uuwi ng pinas si Mharissa? " sinulyapan ko si Dante na siyang nag tanong non.

Umiwas siya ng tingin at lumunok. Tinaasan ko siya ng kilay. "Pinakawalan mo tapos hahanap hanapin mo? " tumikhim siya dahil sa naging sagot ko.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tinignan ang picture ni Mharissa na hawak hawak niya na stolen shoot.

"I didn't let her go, napagod na kasi siya kaya siya bumitaw..." tumigil siya sa pagsasalita, "i hurt her, i badly hurt her. " yumuko si Dante.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa swivel chair. At bahagyang inikot ito. "Eh bakit mo naman kasi pinaramdam na siya na ang pinakawalang kuwentang babae sa mundong ito? " nakabusangot kong litanya ngunit may bahid ng kaseryosohan.

"Did i do that? " mahinang tanong ni Dante sa akin na tila hinihingi ang opinyon ko, hindi ako sumagot dahil tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

Saglit na hindi nakaimik si Dante. "Gusto ko lang naman kasing alamin niya muna ang tunay niyang nararamdaman bago ko sabihin sa kaniya na mahal ko siya. Natatakot ako na baka mamaya ay ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa. " aniya, umikot sa kawalan ang mga mata ko.

Ngunit natigilan ako. Para din siyang si Adonis...

"Mahal ka niya, Dante. Dati pa. Ramdam ko iyon, malay mo mawala ang galit niya kapag sinabi mo ang totoo na mahal mo siya. " sabi ko at nagkibit balikat.

Umiling siya na tila may napagtanto. "I already hurt her, Miriam. At hindi sapat ang salitang mahal kita para patawarin ako ni Mharissa at balikan, sa tingin mo ba ay patatawarin niya ako sa kabila ng lahat ng mga ginawa ko? " tumigil siya sa pagsasalita ngunit dama ko ang kawalan ng pag asa sa tinig niya.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. "Ako na ama ng batang dinadala niya ang dahilan kung bakit namatay ang anak namin... " ramdam ko ang kamunghian sa tono nito.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon