Chapter 3: Comfort

203 10 0
                                    

Agad agad akong napabangon noong magising ako mula sa malalim na pagkakatulog.

Tinignan ko ang oras. Limang oras na ang nakakalipas mula noong mawalan ako ng malay at nakatulog ako. Lumibot ang mata ko sa kwartong kinaroroonan ko. Alam kong wala ako sa bahay ko.

Dahil kulay palang hindi na ito ang bahay ko at saka napakalawak ng kwartong to.

At noong makita ko ang malaking portrait picture ni Fenix nakahubad baro na nakasabit sa pader ay agad agad kong napagtanto na kwarto niya ito. Napatitig ako doon mukha siyang masarap sa litratong iyon pero wag palilinlang dahil ibang putahe ang gusto niya.

Dati dati naman idinidiretso niya ako sa condo ko kapag inaatake ako ng sakit ko ah. Pero bakit ngayon- ah oo nga pala. Naalala ko na kung bakit. Nagpalit pala ako ng passcode ko for safety reasons at hindi ko pa nasasabi sa kanya yung bago.

Pero noong naalala ko ang nangyari kanina. Grabeng lungkot na naman ang nadarama ko. I'm so upset. Bumibigat na naman ang dibdib ko. Napapunas ako ng aking pisngi noong maramdaman na namalisbis ang luha ko doon. Napasinghot ako. Napahawak ako sa tapat ng puso ko.
At mas lalo akong naiyak noong maramdaman ang paninikip nun.

I was so composed awhile ago. I tried really hard to stay calm. Pero ipinagkakanulo pa rin ako ng sakit ko. Napabuntong hininga ako at saka napakuyom ng kamao.

I don't want to sleep again. Kagigising ko lang. At saka pwede bang kahit ngayon lang namnamin ko naman ang sakit na nararamdaman ko. Baka sakaling kapag naramdaman ko ito ng todo todo ay mawawala na agad agad.

Pwede bang manatili akong gising kahit ngayon lang para minsanan na.

Hindi yaong makakatulog ako na dala dala ang sakit at saka gigising ako na iyon na naman ang mararamdaman ko.

Patuloy na namamalisbis ang luha ko pero tumayo parin ako at saka dahang dahang naglakad palabas ng kwarto ni Fenix.

Pumunta akong kusina nagbabasakaling nandoon si bakla.

At hindi nga ako nagkakamali. Nandoon nga siya kaharap niya ang isang maliit na ice cream maker machine na nakapatong sa center island ng kusina. In front of it ay yung mga high chair.

Napasinghot ako at saka mas lalong napaiyak.

"Bakla..." Tawag ko sa kanya na tila nagsusumbong. Noong nilingon niya ako ay nanlaki ang mata niya.

"Gosh Azrielle. Why are you crying? Alam mo naman kapag nasobrahan mo eh makakatulog ka ulit." Alalang sabi niya at saka niya ako dali daling nilapitan. Sinalubong ko siya at saka agad na niyakap. Mas napahagulgol ako. He stilled but in the end ginantihan niya ako ng yakap at saka nito tinapik tapik ang likod ko.

I felt safe in his embrace.

He sigh.

"Iiyak mo lang peachay. Lilipas din yan." He said. Mas napahagulgol ako ng dahil doon.

Pero sa pagkakataong ito alam kong hindi na ako makakatulog dahil nasa tabi ko na siya.

"Bakit ang sakit sakit?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Tiningala ko pa siya. Alam kong hilam na hilam na nang luha ang mukha ko. Napapasinok na din ako ng dahil doon.
"Akala ko siya na eh." Dagdag ko pa. "Umasa ako na siya na." He sigh. Kakikitaan mo ng awa ang mga mata niya. He lift his both hands at saka nito pinunasan ang namalisbis na luha sa aking magkabilaang pisngi gamit ang kanyang hinlalaki.

He sigh. "Taha na. Wag mo nang iyakan ang gagong yun. He doesn't deserve your tears." Sabi niya sa akin.

Pinigilan ko naman ang pag iyak ko. Pero putang inang mata walang palya sa pagluha. Napayuko nalang ako at saka napahagulgol na naman.

Falling Into His ArmsWhere stories live. Discover now