3 she's back.

102 2 2
                                    

Vietrice's Pov

Alas tres na at mahigit apat na oras ko nang hindi nakikita sila Leiva tanging kasama ko lang hanggang kaninang tanghali ay si Claire at Micheala sa di pa nakakakilala sa mga kaibigan ni Leiva ako na mag papakilala tutal part of the circle na din naman ako

Una si Alley pinsan ni leiva, pangalawa si Micheala pinaka close niya, pangatlo si Claire ang sumunod sa pinaka hyper sakanila, pang-apat si Celeste o Ellis ang matinik sa mga lalake, pang lima si Sam the one who's serious and quite kapatid naman ito ni Claire

Ayan ang circle of friends ni Leiva na ngayun ay circle of friends kona din. Back to the topic asan na nga ba ang dalawang love bird kuno kanina kopa di nakikita dito nakapunta na kami sa bahay nila Ellis lahat lahat diko manlang makita dito, may sasabihin pa naman ako

Naisipan ko nalang itext nalang ito kung nasaan na dahil may sasabihin din ako sakanyang importante, dahil kanina ay biglang may nag send saakin ng message telling na.....
"i'm going back to PH and destroy your cousin and my cousin life, too make her mine"

At alam kona kung sino ang nasa likod ng message na ito, hindi naman ako kinabahan para sa dalawa dahil di naman sila nag kakabalikan pa at alam ko naman di mangayayare ang ginugusto nung babaeng yun dahil alam naman ni Thalia na pinsan ito ni Leiva kaya't di siya pedeng pumatol duon.

"Asan kana ba? Andaming ginagawa dito sa baba pumunta ka muna dito kung asan ka man. May sasabihin din ako sayo, mag usap tayo." Pag send ko ng message ko ay agad naman akong tinawag ng daddy ni Leiva

"Oh iha bat andito ka sa labas, masyadong tirik ang araw dimo ba kasama ang pinsan mo?" Agad naman akong nag mano kay tito na ngayun ko lang nakita dahil may pinuntahan ata sila ni tita

"Uhm kasama ko po si Thalia, ayos lang ho ba sainyo? Ako napo humihingi ng pasensya sa nagawang atraso ng pinsan ko sa Anak niyo" pag tatanong ko at pag hingi na din ng paumanhi kasi kahit ako nahihiya sa ginawa ni Thalia

Dahil sa mismong Pinsan pa ni Leiva nakipag talik at nakipag lokohan si Thalia, kaya nahihiya akong humarap kay Tita dahil baka kung ano pa masabi nito.

"Ano kaba ayos lang naging parte din ng pamilya namin si Thalia at naiintindihan ko kung bakit nag kaganon ang sitwasyon siguro dipa iyon ang tamang panahon para sakanila. Hayaan nalang natin ang tadhana" mahinahon na salita ni Tito saakin, pasalamat nalang din ako dahil malawak ang pang unawa nila sa mga ganong bagay.

"Asaan ba siya? at makapag usap na din kami gusto ko din malaman ang tunay na nangyare kung bat umabot sa ganon" tanong saakin ni tito kinabahan ako ng onti sa sinabi niya pero alam ko naman kakayanin ni Thalia iyon kung malinis ang intensyon talaga nito "hinahanap ko din nga ho eh kanina pa sila wala ni Leiva"

"Sge, mauna na muna ko at tutulungan kopa si misis usap ulit tayo mamaya" matawa tawang saad ni tito at tinapik ang balikat ko at lumakad na papasok ng bahay.

Andito ako sa Garden nila Leiva nakaupo sa swing dito habang inaantay ang reply ni Thalia dahil nabo-bored na ako sapagkat may kanya kanyang ginagawa ang mga kaibigan namin. Mag kakatabi lang naman ang bahay nila ngunit tinatamad akong mag lakad dahil masakit na din ang tuhod ko.

"Hi ate Vietrice" nakakagulat na sulpot ng batang si Tiffany, umupo ito sa isa pang swing hawak hawak ang teddy bear nito

"Hello Tiffany!" Balik ko sa hustong bati.

"Hanap niyo po si ate Thalia? Alam kopo kung asan siya" masayang saad nito at tumawa ng pasimple mukhang nang aasar pa ito.

"Saan? At paano mo nalaman?" Mag kasunod kong tanong sakanya nagulat naman ako ng sabihin niya iyon. Buti pa yung bata alam kung asan ang pinsan ko.

Chasing The ChancesWhere stories live. Discover now