DAY 1

11 1 0
                                    

   "Ayoko na! Bakit ba kasi ako nag-stem?!" reklamo ko habang nakatayo na sa upuan at umuunat-unat.

  Kakatapos palang ng Precalculus namin at hindi pa nakakalahati ang araw pero drained na agad ang isip ko.

  Dahil hindi ako sa Precalculus nahihirapan. Sa Oral Communication at General Mathematics.

  Ang strict ba naman ng sub teach sa Oc at GenMath, tapos ang bilis pa mag turo ni ma'am GenMath eh.

  "Dami mong reklamo, tara na nga. Nagugutom na'ko 'teh, hindi ako nagbreakfast." Aya sa'kin ni Secrecia na kaharap ko lang sa table.

"Tara, punta tayo kanila Nizi!" Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya at hinila na siya palabas ng room.

  Pero bago pa man kami makalabas ng tuluyan ay may sumigaw na ng pangalan ko. "Alleviah!"

  Ang boses palang na iyon ay alam ko na kung sino ito. "Lee! Sama ka sa'min, pupunta kami sa second floor! Hala, sa'n mo 'yan nabili?" sunod-sunod na saad ko habang nakahablot ang kaliwang kamay ko sa braso ni Secrecia dahil nagpupumiglas ito.

  "Ingay mo, Alleviah!" Si Aerie ito at kasama niya si Lee.

  "Sa baba meron nito, masarap siya ante." Ani Lee habang sumusubo ng Takoyaki.

  "Ah," ngumanga ako na nagpapahiwatig na subuan niya ako at ngumuso pa siya pero sinubo din naman.

  "Tara, sama ka sa'min pupunta kami sa second floor. Susunduin namin friend namin." Masiglang saad ko habang ngumunguya.

  Halos mabulunan na si Lee dahil sa pagyugyog ko sakanya kaya lumayo-layo siya sa'kin ng konti.

  "Sus, gusto mo lang naman makita si Pres ng Stem 1." Pang-aasar sa'kin ni Lee dahilan para hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

  "Hindi ah, tara na!" Pangungulit ko pa rin dito.

  "Ikaw nalang ante, hindi pa ako tapos assignment sa KomPan!"

  "Tara na, Alleviah." Narinig ko naman ang mahinang saad at paghila sa'kin ng kasama 'kong si Secrecia.

  "Baba muna kami!" Paalam ko kay Lee pagkatapos ay hinila ko na agad si Secrecia papunta sa CR.

  Of course dapat fresh akong bababa sa second floor, baka makita ako ng crush ko na haggard eh.

  Sa CR ay nakita ko agad ang former classmate ko noong Junior High at nagkaroon kami ng konting pag-uusap, as in konti lang.

   "Ano ba 'yan, magta-time na hindi pa rin tayo nakakabili ng pagkain." Reklamo ni Secrecia habang pababa kami sa second floor.

  "Chill ka lang, nasagap ko na hindi daw papasok si ma'am KomPan ngayon."

  "Talaga? Eh paano yung ipa-pass natin?"

  "Ewan, si Pres nalang ata magco-collect 'nun."  Pagpapaliwanag ko naman sakanya at tanging tango lang naman ang nakuha 'kong sagot sakanya.

  Napakatahimik talaga neto ni Secrecia kahit kailan. I mean may oras lang siya na madaldal pero most of the time ay tahimik lang siya.

  Mas lalo na noong Junior Highschool kami, ni hindi siya makabasag pinggan kapag kasama namin. Nakakahiya naman sa'kin na halos umabot daw ang boses ko sa ground floor eh.

  Kasalanan ko ba na pinanganak ako na may gantong kalakas na boses?

  Nang makarating kami sa second floor ay dumiretso agad kami sa room nila Nizi.

  "Nizi!" Tawag ko dito, wala akong pake kung maingayan ang mga kaklase niya sa'kin. Eh sa ganon ako eh, pansin ko nalang din naman na nasasanay na sila sa kaingayan ko dahil every break time ay lagi na akong nakatambay dito. Kaya hindi na ako magtataka kung kilala na ako ng mga kaklase nila Nizi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CIPHER (CLANDESTINE SERIES 1)Where stories live. Discover now