Chapter 43

976 20 2
                                    

"So may love nest kayo?" tanong sa akin ni Daph habang nanlalaki 'yong mga mata.


Nagtakip ng tenga kaagad si Ella at nandidiring tumingin kay Daph. "Wala bang mas magandang term, Daph?"


Kinwento ko sa kanila 'yong tungkol sa bahay na pinupuntahan namin ni Hunter dahil nagtataka si Blair na lagi akong wala sa condo namin at naaalarma 'yong iba.


"Technically, it's a love nest." Umirap si Daph. "Hiding spot daw, hindi niyo ako maloloko."


Lumingon sa akin si Ella. "Bakit ba kasi may bahay agad?"


"Kapag gusto namin lumabas pero kailangan private space pa rin."


"It's a love nest," singit ni Daph.


"Daph naman," saway ni Crystal sa kanya.


"Tama naman kasi si Daph, kung susundin natin ang definition ng 'love nest' kakaiba lang talaga pakinggan..." Lumingon sa akin si Jas. "Lalo na at si Hunter ang kasama."


"Pinagluluto niya lang naman ako..." Lumingon ako kay Blair at hinihintay ko siyang magsalita pero nakatingin lang siya sa akin.


"Does tito know about this?" seryosong tanong ni Blair.


Tumango ako at magsasalita pa dapat ako pero naunahan ako nina Daph.


"Pumayag si tito?" tanong nina Jas, Crystal, at Daph nang sabay-sabay at hindi makapaniwala 'yong mga mukha nila.


Tumango ako. "Basta daw mag-send kami ng picture every five minutes."


Naningkit 'yong mata ni Ella. "Kapag gusto may paraan."


Kumunot 'yong noo ko dahil parang wala namang connection 'yon.


"Wala pa, Ella, hindi pa corrupted ang utak," sabi ni Jas at tumawa nang marahan bago ako tinapik sa pisngi.


Pinatunog ni Ella 'yong dila niya habang umiiling.


"Ano pa ang ginagawa niyo ni Hunter, Zia?" tanong naman sa akin ni Crystal.


"Usual lang, aral tapos magluluto siya ng dinner." Lumingon ulit ako kay Blair dahil ang tahimik niya.


"And what?" tanong ni Blair at ngumiti sa akin pero matiim din 'yong pagkakatingin niya sa akin.


"'Yon lang naman."


"He's not doing anything inappropriate?" dahan-dahang tanong ni Blair. "Things that you're not comfortable with."


Sumimangot ako. "Hindi ganoon si Hunter..."


[Career Series #1]: The Unstable ElementsWhere stories live. Discover now