Chapter 56

857 16 0
                                    

"I'm okay..." pagpapakalma ko sa kanya dahil ramdam ko 'yong galit niya habang sinasabi niya 'yon. Pinalibot ko 'yong mga braso ko sa leeg niya at bumuntong-hininga ako. "You don't have to waste your energy being angry over that, please. I'm really okay."


Pinalibot din niya 'yong mga braso niya sa bewang ko at pinatong niya 'yong ulo niya sa mga hita ko. "I was protecting you, I don't even let a dirty fly touch your delicate skin and he pulled you away from me because he wanted to protect you but he also hurt you. What kind of logic is that?"


Wala na akong masabi dahil tama naman siya... Sabi ni lolo, mamamatay ako kapag dumikit ako sa mga Montagne pero sinaktan niya din ako dahil napalapit ako kay Hunter.


Pinoprotektahan daw niya ako pero sinasaktan din niya ako. Hindi ko tuloy alam kung talaga bang gusto niya akong protektahan.


"If he tries to hurt you again—"


"Hunter..." Hinimas ko 'yong ulo niya. "Please, anger wouldn't do us any good. Let it go."


Inangat niya 'yong ulo niya at tumingin sa akin na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "I can't just let it go, Zirconia."


"Please?" tanong ko. "I don't want you to carry that anger with you... Sa ganyan nag-umpisa 'yong kay lolo. Ayaw ko na kainin ka ng galit mo dahil lang may pasa ako, it will fade away—"


"And the trauma?" tanong niya habang naniningkit 'yong mga mata niya. "What about the mental trauma that you got for being locked inside your room and for being hit several times?"


Nag-iwas ako ng tingin at napakagat sa labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya dahil tama na naman siya. I was always shaking whenever lolo entered my room, I was scared to make him angrier because he'll hit me with his cane.


Hindi naman siya ganoon dati, kay Kuya Ben lang siya namamalo pero baka nasagad ko talaga 'yong pasensya niya ngayon.


Nagpakawala ng malalim na hininga si Hunter at tumayo mula sa pagkakaluhod niya sa harapan ko. "Why don't you rest for now?"


Tumango na lang ako at nagbaba ng tingin sa braso ko na may pasa. "Saan ka?" tanong ko sa kanya.


"I'll brush my teeth first and sleep on the couch in the living room." Hinimas niya 'yong braso ko at hinalikan 'yong tuktok ng ulo ko. "Rest well, okay? I'll keep you safe."


Dahan-dahan akong tumango at tumingin sa kama. Pwede namang tabi na lang kami, may tiwala naman ako sa kanya... Pero sabi ng mga lola, dapat daw hindi nagtatabi sa kama ang babae at lalaki.


Mayroon din namang couch dito... Kaso magiging komportable ba siya sa couch? Sa tangkad niyang 'yan, katawan niya lang kasya sa couch.


"Pwede bang dito ka na lang sa room... matulog?" tanong ko sa kanya at naramdaman ko na uminit 'yong mukha ko. "Pwede namang dito na lang din sa kama... okay... okay lang... naman..."

[Career Series #1]: The Unstable ElementsWhere stories live. Discover now