Chapter 10

4 0 0
                                    

Chapter 10



Troy

Nung nag dinner ako sa bahay nina Irina ay napansin ko ang tingin ng ate niya sa akin. She's also somewhat familiar pero hindi ko maalala ko saan ko siya nakita at nakilala.

Nung inutusan ni ate Erin si Irina na akyatin si baby Neri ay naiwan kami ni ate Erin sa hapag, nang makapasok si Irina sa kwarto ay tinigil ni ate Erin ang pagliligpit para kausapin ako.

"Naalala mo pa ba ako, Troy?" she asked. I knew it, kilala niya ako pero ako iniisip ko pa rin kung nakilala ko nga ba siya.

"I'm sorry po but you're really familiar hindi ko lang talaga maalala kung saan po kita nakita at nakilala" sagot ko. She smiled at me.

"Naalala mo ba ang kaibigan ng mommy mo?" ate Erin asked. I remember her, best friend ni mommy ang nag-aalaga sa akin dati.

"I remember tita Nerisha po, she's my mom's close friend and she also used to take care of me" sagot ko.

"Nanay namin ni Irina si Nerisha" sabi naman ni ate Erin. I get it, naalala ko na.

"Ikaw po ba yung high school girl na sinasama ni tita Nerisha dati?" tanong ko. She nodded and that confirms everything.

"Mabuti naman at natandaan mo na" sabi pa niya.

"Kamusta na po pala si tita?" tanong ko. I haven't heard of her every since she left our mansion after mom died.

"She's fine Troy still strong as ever but she's a teacher now" sagot ni ate Erin. Marami akong gustong itanong at sabihin kay Tita Nerisha pero hindi ko kasi alam kung saan siya hahanapin.

"I've been trying to look for her may gusto kasi akong itanong sa kanya" small world huh.

"Tungkol ba ito sa mama mo?" tanong ni ate.

"Hindi man lang po siya dumalo sa libing ni mommy, gusto ko lang po sanang itanong kung bakit. Ganon po ba ang pagkamuhi niya sa daddy ko?" tanong ko.

"We were there Troy. Tumutulong kami sa libing ng mama mo, nakasama din kami nang ihatid siya sa sementeryo" sagot ni ate Erin. Paanong nangyari 'yon?

"Hindi ko kayo nakita, paanong nangyari 'yon?" tanong ko.

"Pinagbawalan kami ng Papa mo na lumapit sa pamilya mo at sa'yo kaya hanggang sa malayo lang kami nagmamasid sa takot na mahuli kami ng Papa mo. Mama and I often visit your mother's grave, hindi namin nakalimutan yung mama mo Troy, lalo na ikaw" paliwanag ni Ate Erin.

"Napakasama talaga ng matandang 'yon" inis na sabi ko. Kaibigan ni mama 'yon eh, pano niya nagawang itaboy lang ng ganon.

"Pinapakisamahan lang po ba kayo ni daddy dati dahil kay mommy?" tanong ko. Ate Erin nodded. I can't believe this.

"Kaya din po kayo umalis nung namatay si mama?" tanong ko.

"Umalis kami Troy kasi natatakot si mama sa daddy mo tsaka pinapaalis na din naman kami ng daddy mo" sagot ni ate Erin.

"Pwede ko po bang malaman kung ano ang rason bakit kayo tinataboy ni dad?"

"He doesn't like us since we came from a poor family, alam mo na dapat yan ngayon Troy kasi hindi mayaman si Irina at alam kong dadating sa punto na pag iinitan niya din ang kapatid ko" Ate Erin said.

"Galit po kaya si Tita Nerisha sa akin?" tanong ko.

"Lagi mong tandaan Troy. The mistakes of the father cannot be inherited by the son. Galit si mama yes pero sa daddy mo lang, I'm sorry to say this but sinisisi talaga ni mama ang daddy mo kung bakit ganon ang sinapit ng mommy mo" she said. Totoo naman ang sinabi ni Ate Erin kahit ako sinisisi ko din si dad kung bakit ganon ang nangyari kay mom. If mom was alive siguro matagal na kaming umalis sa puder ng tatay ko dahil hindi ako bulag para hindi makita ang paghihirap ng nanay ko na pakisamahan ang halimaw kong tatay.

"Lagi ka ding inaalala ni Mama simula nung umalis kami sainyo. Natatakot siyang malagay kayo sa alanganin ng kapatid mo dahil na naman sa tatay mo at ganon din ako Troy. Natatakot din akong malagay sa alanganin ang buhay ni Irina dahil sa tatay mo" paliwanag ni ate.

Naiintindihan ko sila. Irina's life will be at stake if she's with me. I want to let her go so bad pero hindi ko kayang gawin, binigyan niya ng ilaw at direksyon ang buhay ko, unti unti akong binubuo ni Irina at alam kong sa oras na bumitaw siya sa akin ay mawawasak na naman ako ng tuluyan.

"Gusto ko siyang bitawan ate pero sana po maintindihan niyo ako. I love her so damn much"

"I truly understand you Troy, believe me. Pero hindi mo maiiwasan sa akin na mag-alala para sa kanya lalo na si Mama tsaka si Papa" aniya.

"I want you both to be happy wherever you go. Mahal na mahal ko kayong dalawa" Ate Erin said as she smiled at me sweetly habang binabanlawan ang mga hugasin.

Pagkatapos non ay pareho na kaming tahimik hanggang sa matapos ito at umakyat siya sa taas tsaka naman bumaba si Irina at pumunta sa gawi ko. That dinner was the most memorable one for me.

I was about to sleep when I received a text from Irina, pasado alas dose y media na ng madaling araw and she's still up, may nangyari kaya sa kanila? Hindi siya sumabay sa akin umuwi kasi mag-uusap daw sila ng ate niya.

Irina:
Can you come over tomorrow? Sorry hindi ulit tayo matutuloy doon sa restaurant. Gusto ka kasing makita ni Mama.

Me:
Tell her I'll come.

Irina:
Okayy. Sweet dreams

It was my chance to meet tita Nerisha again after so many many years. I still haven't thanked her for everything she's done to me, my sister and especially to my mom.

Siya na rin kasi ang nagsilbing pangalawa kong ina nung mawala si mommy at mas lalo akong nasaktan nung umalis din siya parang nawalan ako ng kakampi at pakiramdam ko wala akong karamay kundi ang bunsong kapatid ko.

I just felt like none of them would understand me like how tita Nerisha knew me better than my father but then Irina came and I felt like my life took a big turn.

Regret Duology 1: Endless LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang