Chapter 18
Irina
I woke up early kasi 9:00 am ang schedule ng exam ko at ayaw kong ma late dahil kailangan ko pang e refresh yung mga ni-review ko kagabi. Pagkarating ko naman sa classroom namin ay nandito na sina Sanji, Hash, Miru tsaka Ryu na seryosong nag-aaral.
"Morning Rina" bati nila sa akin nang makaupo ako sa pwesto ko.
"Nag breakfast na kayo?" tanong ko.
"Maya na lang, busy pa kami" sagot naman ni Miru.
Hindi ko na sila ginambala pa at nag review na ulit hanggang sa makarating na yung proctor sa classroom namin. Agad naman naming tinago ang mga notes namin dahil magsisimula na ang exam.
Ang masasabi ko lang talaga ay sobrang easy, worth it talaga ang lahat ng inaral ko. Hindi pa natapos ang oras ay tapos na ako at agad na akong nagpass matapos kong e review yung mga sagot ko.
Lumabas na din agad ako sa classroom para hintayin ang apat na unggoy at hindi rin naman nagtagal ay natapos din sila kaya nauna na kaming umalis doon para magtungo sa canteen dahil alam ko hindi lang ako ang nagugutom ngayon.
"Isang subject na lang talaga at makakahinga na ako ng maluwag" sabi ni Hash.
Salamat nga at 1:30 pm ang start ng exam namin mamayang hapon. May time pa kami today mag review sa natirang subject at may time din kaming makapag mcdo pagkatapos ng exam.
"After nang last exam natin, diretso tayo mcdo a, deserve natin to" sabi ni Sanji.
Pagkatapos naming kumain ay may natitira pang oras kaya ginugol na lang namin sa pagre-review imbis na mag bangayan at mag-asaran kaming lima dito. Tahimik lang at seryoso kaming nagre-review at inubos talaga namin ang buong oras sa pagbabasa ng notes namin.
Nang tumunog ang bell agad naming kaming lima na kumilos para pumasok na sa assigned classroom namin. Umupo lang kami at inantay yung proctor namin. Kumain muna ako ng snickers habang hinintay ang proctor at hindi rin naman nagtagal ay pumasok na ito.
"Good afternoon everyone, this will be your final subject for this day at pwede na kayo agad umuwi pagkatapos nito. Let's begin!" the proctor said as he handed out the testpapers.
When I received mine, I immediately answered habang fresh pa sa memorya ko ang mga pinag-aralan ko kaninang lunch para sa subject na'to. Pinag-igihan ko talaga para sa mcdo.
Kalahating oras pa lamang ay sabay kaming tumayo ni Hash at nagpasa sa harapan bago lumabas ng classroom para hintayin sina Sanji, Miru tsaka Ryu. Natapos rin naman agad sila 30 minutes after naming makalabas ni Hash kaya agad kaming lumabas ng school at dumiretso sa mcdo.
Ryu took a picture and posted it on his instagram. Tapos yung caption pa niya "Final exams done! Deserve natin to!" Hash and Miru ordered at the counter. Nag-antay nalang kami ni Sanji at Ryu kasi ganon naman talaga ang role namin sa friendship nato. Maya maya pa ay dumating na sina Hash bitbit ang mga order nila, grabe sobrang dami nang inorder ni Hash.
"Isang baranggay ba papakainin mo pre?" tanong ni Sanji kay Hash.
"Apat lang naman pero pang isang baranggay kung kumain" sagot naman ni Hash.
"Kahit anong parinig mo hindi ako ma-o-offend" sabi ko at nilantakan na ang pagkain ko.
"ako din" sagot ni Sanji.
"Talaga, makapal mukha mo e" sabat naman ni Miru kay Sanji at natawa naman kami kasi ayan na naman sila.
Kanina sobrang tahimik kasi busy sa pagreview, tignan mo ngayon at nagbabangayan na. Super masaya ako kasi tapos na ang exams at nakapag bonding na kami ng mga kaibigan ko. Sunod ko namang aatupagin si Troy dahil may date pa kaming hindi matuloy tuloy at marami rami din ang sasabihin ko sa kanya.
Pagkatapos naming kumain at magtawanan ay agad din nila akong hinatid para makapagpahinga na kami kasi alam kong super draining ngayong week dahil sa sunod sunod na exams na thankfully ay natapos na din. Ito na talaga ang totoong pahinga.
"How's your exams?" Ate asked.
"Tapos na, magpapahinga muna ako" sabi ko kay ate. Hindi ko alam bat ako napagod e kumain lang naman kami. Gusto ko na namang humilata sa kama.
Hindi naman ako inistorbo pa ni ate kaya napag-isip-isip kong umidlip muna since maaga akong nagising kanina tsaka kanina pa din naman ako inaantok kaya deserve ko ding matulog.
Troy:
Exams are done now, can we meet? I really miss you :(Napadilat ako dahil sa tunog ng notification sa phone ko, hindi na ako nagulat nang mag text si Troy. We both focused on excelling on our exams kasi gusto naming patunayan na hindi magiging hadlang ang relationship namin sa pag-aaral namin at sana makita 'yon nang papa ni Troy.
Me:
Let's meet tomorrow, doon tayo sa restaurant na gusto mong puntahan.Troy:
Okay pero hindi ba kita pwedeng makita ngayon?Me:
Sorry Troy, I really need to rest my body and my mind.Troy:
Okay, see u tomorrow then, love u
Pasensya na Troy, I need to rest my body and my mind for today since sobrang daming nangyari ngayong week. Ayaw kong pagurin katawan ko kasi baka maka-apekto sa baby, kawawa naman siya.It was supposed to be a quick nap but when I woke up it was already 9pm. Bumangon ako para kumain since nakaramdam na ako ng gutom.
"Oh gising ka na pala, kumain ka na" sabi ni Ate habang karga ang natutulog na si Neri.
"Sina Papa?" tanong ko.
"Nagpapahinga na" sagot ni ate.
Tahimik naman akong pumunta sa hapag at pinagsilbihan ang sarili ko, napadami ang kain ko nagugutom siguro si baby. After eating, hinugasan ko na din ang pinagkainan ko bago patayin ang mga ilaw.
Ate Neri already went to bed kaya ako na nagkusang pumatay sa mga ilaw dito at pumasok na din agad sa kwarto ko para makapagpahinga ulit.
Nag half bath muna ako at nagpalit ng pantulog bago humilata ulit sa kama. Namimiss ko na din si Troy kaya deserve naming dalawa na mag date bukas and since hindi pa naman ako inaantok ay hinalungkat ko na lang yung cabinet ko at naghanap ng masusuot para sa date namin bukas.
I'm going to wear a white dress tomorrow with a white two inches sandals. I hanged it and went to bed, excited na akong makita siya bukas.

KAMU SEDANG MEMBACA
Regret Duology 1: Endless Love
Fiksi UmumHappy ending is not meant for everybody and people might say it's not also for us but I would trade everything I have to rewrite our own happy ending. Let us find each other again in our next life. -Troy Delgado and Irina Salvacion Started: Septembe...