PAHINA 4

549 8 0
                                    

- Diamond -

Nagpaalam muna akong magbibihis at pupuntahan ang mga bata sa kuwarto.

Pero laking gulat ko ng naka upo na ang mga ito sa mahabang sofa kaharap ang single sofa na kinauupoan ni Troy.

Seryuso silang nakatingin sa binata habang sila Sky at Rain ay may cool fever pa sa mga nuo si Moon naman naka dekwatro at naka lagay ang mga kamay sa dibdib.

Pari-parihas sila ng tinging ipinupukol sa kasama ko habang si mama naman ay katulad ko ring nakatulala sa mga bata.

Nang makahuma, lumakad na ako papalapit sa mga anak saka sinalat ang mga nuo at leeg nila.

"Okay na ba ang pakiramdam niyo?" tanong ko sa mga anak kaya bumaling sa akin ang atensyon nila.

Umiling si Rain saka ngumuso sa lalaking kasama ko. Naintindihan ko naman siya kaagad kaya bumaling ako kay Troy.

"Siya si Troy. Kaybigan ko. Inihatid niya ako rito dahil sabi ko emergency," sagot ko habang nakatingin sa tatlong bata, mukhang kumbinsido naman si Rain pero sila Sky at Moon ay kunot pa rin ang nuo.

"Magpakilala kayo. Don't be rude, babies," saad ko sa tatlo.

Nakangiting bumaling si Rain kay Troy kaya parang napawi ang tensyon.

"Ako po si Rain," pakilala nito sa binata.

"I'm Sky," ismid na saad ni Sky.

Hinihintay ko si Moon na magsalita pero nakatingin lang ito kay Troy na animo kinakabisa ang lalaki.

"Are you our father?" iyon ang lumabas sa kanyang bibig.

"Moon," saway ko sa anak.

"Why?" tanong niya. Hindi siya tumingin sa akin bagkus kay Troy lang.

"Anak, hindi ka dapat nakikipag-usap ng ganyan," komento ko.

"I'm just asking, Ma," walang buhay nitong wika.

"If you are--" tumayo si Moon "We don't care. As you can see we are good and fine kahit si Mama at Mamila lang ang kasama namin. We don't need your presence. We are big boys now," tiniklop na ni Moon ang libro saka inaya ang dalawang kapatid para pumasok sa kanilang kuwarto.

Walang nakapag salita sa aming tatlo nila mama at Troy.
Kahit ako ay namangha sa inasta ni Moon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ang sakit sa kanyang boses.

Akala niya ba si Troy ang ama nila porket parihas sila ng kulay ng mata green.

Yes! Moon has green eyes na katulad ng kay Troy pero alam ko naman na hindi si Troy ang ama ng mga anak ko.

Isang tikhim ang bumasag sa katahimikang namutawi.

"Kape muna kayo," saad ni mama sabay latag ng dalawang tasa ng kape sa maliit naming lamesa rito sa sala.

"Sa kusina muna ako at magluluto," paalam ni mama.

Tumango lang ako habang si Troy naman seryusong nakatingin sa akin.

"P-pasensya na," hinging paumanhin ko kay Troy.

Tumikhim muna siya bago inayos ang suit na soot.

"Mga anak ko sila triplets," wika ko alam ko namang nagtataka rin siya.

"I'm sorry because of Moon's attitude,"

"It's okay," komento lang niya.

"Ano 'yun?" naiba ang usapan ng makaamoy kami ng mabango.

"Latik iyon," sagot ko.

Nagbi-biko na naman kasi si mama para ilako bukas.
Tumayo si Troy saka pumasok sa aming kusina. FC feels at home ah.

"What is that Mama?" tanong niya sa ina ko.

"Hoy. Bakit nakiki-mama ka?" anas kong turan kay Troy. He just smile at me.

"Latik iyan. Ito naman malagkit na kanin," maya-maya pa ay inilagay na ni mama ang latik sa isang tupperware ito namang si Troy parang bata na kinamay iyon kahit mainit pa.

Hindi man lang siya napaso at talagang diretso sa bunganga niya.

"Ang sarap po," nagniningning ang mga matang wika nito.

"Can I have this?" saka kinuha na niya ang latik at parang batang niyakap iyon.

Umiling si mama dahilan ng pagbagsak niya ng balikat.

"Inilalagay iyan sa ibabaw ng malagkit na kanin hindi pa kasi tapos ang paghahalo ni Mama. 'Tsaka pang binta iyan, Troy," saad ko pa.

Ngumiti naman siya saka binitawan ang latik kinuha niya ang pitaka at nag labas roon ng limang libo "Is this enough?" tanong pa niya sa akin.

Kinuha agad iyon ni mama sa kamay ni Troy at ngumiti sa akin "Oo okay na ito," sagot naman ni mama kaya natuwa ang binata.

Hayst! Ang mama ko talaga bumuntong-hininga na lang ako sa inasal ng ina. Ikaw ba naman lakihan ng mata eh.

Dalawang bilao ang nagawa ni mama kaya ang kumag na Troy ay tuwang-tuwa dahil ibibigay daw niya ang isa sa kanyang mommy na si Ms. Shantal.

Marami silang napag kuwentohan ni mama. Nasabi rin niya na si Ms.Shantal ang kayang ina at broken-hearted siya.

Pinayuhan naman siya ni mama ng kung ano-ano. Ewan ko wala akong naintindihan sa kanila.

I took a sight when I remeber his face. Hayst! bakit gano'n ang nararamdaman ko? May sakit na ba ako sa puso? Muling bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ang kanyang mukha, ang kanyang itsura na nagpabudol sa aking puso.

Matapos ilagay sa kotse ang mga biko nagpaalam na rin siya sa amin.
Babalik daw siya pero hindi naman sinabi kung kaylan.

Matapos maihatid si Troy sa labas ng bahay, at as-usual nakatingin na naman ang mga marites, jusko alas onse na dilat pa rin ang mga mata para makichismis. Mga CCTV nga naman oh.

Dumiretso na ako sa kuwarto ng mga anak ko saka isa-isang inayos ang kanilang mga kumot.
Sinalat ko na rin kung mataas pa ang lagnat nila Rain at Sky pero hindi na gano'n.

Nilagyan ko rin ng termometer ang kilikili ng dalawa upang makasiguro.
Hinimas ko ang ulo nila Sky at Rain saka pinatakan ng halik ang mga ito sa pisnge. Huli ay tumabi ako kay Moon at doon sumiksik sa tabi niya.

Buti na lang at nagkasya kami kahit na hindi kahabaan ang kama nakakukot ako saka yumakap sa anak.

Alam kong nagtatampo o naiinis ang anak kong ito.
Si Troy pa lang din naman kasi ang dinadala kong lalaki dito sa bahay simula noon.

Kakaiba ang naging ugali ni Moon kay Troy dahil sa inakala niyang ama nila ito pero... Huminga ako ng malalim saka kinuha ang kamay ng anak at iniyakap iyon sa akin.

Naramdaman niya siguro kaya sumiksik din siya sa akin at yumakap ng mahigpit.
Namiss ko silang katabi. Namiss ko silang makabonding pero dahil sa dami ng raket ay nagiging madalang iyon.

Ina ako at tatlo sila na kaylangan kong suportahan ang pangangailangan kaya tudo kayod.
Mabuti na nga lang at nariyan si mama upang gabayan at tulungan ako.

Humalik ako sa nuo ni Moon saka pumikit na. Ramdam ko kasi ang pagod ng katawan ko.
Magpapaalam na rin muna ako kay Mamita Reese na hindi ako makakapasok dahil sa may lagnat ang dalawa sa triplets.

Kila Sapphire at Emerald muna ang raket dahil ang trabaho ay nariyan lang 'yan. Kaylangan ako ng mga anak ko ngayon. Mas importante pa rin sila sa akin.

Ramdam ko na ang pagbigat ng talukap ng mata ko kaya ipinikit ko na ito at unti-unti na akong kinain ng antok.



















A/N : Vote and Comment  are appreciated, Babis 💙💦

TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our  DiamondWhere stories live. Discover now