Pahina 19 ;

151 2 0
                                    

- Diamond Pov -

Two days had passed. No trace of them, nanatili kaming narito sa loob nitong kuwarto.

Sa dalawang araw na 'yun ay patuloy sa pagsigid ng sakit ang aking ulo. Hindi ko alam kung bakit, katulad ngayon. Nanatili akong nakahiga sa kama dahil masakit talaga.
Binigyan naman na ako ng gamot ni lola pero hindi pa rin nawawala.

Nag-aalala na nga rin ang matanda dahil hindi na ako nakakakaen ng maayos.

"Okay ka na ba, Hija?" tanong ni lola ng lumabas na ako sa kuwarto.

"Medyo, Lola," sagot ko saka nagtimpla ng kape.

"Gusto niyo po ba?" tanong ko.

"Hindi na, tapos na ako," sagot lang niya saka nag patuloy sa paglilinis.

Matapos mag timpla pumasok na akong muli sa kuwarto para maligo. T-shirt at boxer nila ang ginagamit kong pamalit. Si lola kasi may mga gamit na narito, nahihiya naman akong manghiram kaya ito na lang mga damit nila ang isinusuot ko. Komportable rin kasi.

Mabilis ang naging oras, hapunan na naman ngunit wala pa rin sila. Binabagabag ako ng pag-aalala kaya naman kahit hindi madasalin ay sumasabay ako kay lola mag dasal para sa kaligtasan nila.

At isa pa hindi pa ako nakakauwi sa amin. Namimiss ko na ang mga anak ko. Hinahanap kaya ako ni Tyron?

Hmf!

"Asan na kaya sila?" parihas kaming napatigil ni lola sa pagkaen.

Malalim ang naging paghinga niya bago sumagot "Sana ay nasa maayos silang kalagayan, Dayam, alam ko babalik sila. Babalikan ka nila. Ngayon pa, na nahanap ka na nila,"

Nagtataka akong tumingin sa matanda.

"Nahanap?" tanong ko.

Hindi ko sila maintindihan. Nagugulohan ako sa inaasal nila dahil hindi ko naman sila kilala.

Tumango si lola bilang sagot "Oo,"

"Pero hindi ko po sila kilala, maging kayo po ay ngayon ko lang nakilala,"

Malungkot ang mg mata niyang nakatingin sa akin "Maaalala mo rin ang lahat, Dayam, pero sana pag dumating ang araw na iyon matuto kang magpatawad,"

Gulong-gulo ako habang nakatingin kay lola "Maaalala ang ano po? Wala naman akong sakit, wala naman po akong amnesia. Masigla ako, Lola,"

Hindi na ako sinagot ni lola. Matapos naming kumaen ay nagpahinga na siya sa sofa bed na nasa sala, ako naman ay narito na naman sa kuwarto.

Marami akong gustong itanong kay lola pero malimit lang ang sagot niya sa akin.
May gusto akong malaman pero hindi ko maitanong sa kanya. Kinakabahan ako sa maaari niyang isagot at hindi ako handa para roon.

Nakatulugan ko na ang pag-iisip, ngunit nagising din ng maramdamang may mabigat na nakadantay sa akin.

Napatingin ako kabilaan at ganun na lang ang gulat ko ng mabungaran ang dalawang lalaking nakayakap sa akin.

They sleep peacefully, mababanaag mo iyon sa kanilang mga mukhang pagod na pagod.

"Did we wake you up?" his green eyes eyed me.

"Moon," saad ko. Ang anak kong panganay ang nakikita ko sa matang iyon.

Naging madilim ang mga mata nitong kanina ay parang naka kita lang ng liwanag.

"It's Thomas, Diamond," malamig na anas niya.

Hinaplos ko ang mukha niya dahilan para mapatigil siya.

TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our  DiamondNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ