Kabanata 28

149 6 0
                                    

Kabanata 28





"Ano?! Kasal agad?! Aba'y hindi biro ang pagpapakasal mga anak! " hindi magkandahumayaw sa gulat na sabi ni Tiya Emelda dahil sa pag anunsyo ni Adonis sa kasal namin.

"Tama ang tiyahin mo Adonis. Hindi biro ang pagpapakasal, at may iba pa namang paraan para matakasan ninyo sina Kuya Venezio. " singit ni Lily habang may pag aalala sa mukha nito.

Nag aalala kaba o baka naman ayaw mo lang kami talagang ikasal?

"Hindi na Lily. Papakasalan ko pa din siya. Alam kong hindi biro ang kasal. At alam kong pang-habang buhay iyon, kaya nga gusto ko siyang pakasalan dahil gusto ko siyang makasama habang buhay. " desididong desido ang boses ni Adonis at hinawakan ang kamay ko.

Nagkatinginan sila at hindi nakakibo dahil sa mga katagang binitawan ni Adonis. Bumaba din ang tingin nila sa mga kamay namin ni Adonis na nakasiklop.

Napatingin ako kay Tiyo Samuel nang maglakad ito patungo sa direksiyon namin. Tinapik nito ang braso ng pamangkin. "Paano ang magulang ni Miriam, Adonis? Paano mo sasabihin sa kanila na ikakasal na siya sayo gayong galit sila sayo? Lalo na ang Kuya niya? "

"Hindi ko sasabihin. Tiyo, dahil kapag sinabi ko ay pipigilan nila kami. At kapag nahanap nila si Miriam ng hindi kami maikakasal at papatayin nila ako at ayaw kong mawala sa mundo at maiwan dito si Miriam. " seryosong sabi nito bagamat nagsusumamo.

Kumabog ang dibdib ko at tumingin sa tiyuhin nito na nag aalala para sa kaniya.

Luminok ako ng laway.
"Tiyo Samuel, alam ko pong magkaiba ang mundo namin ni Adonis. Pero gagawin ko ang lahat para maging parehas at pantay ang aming mundong ginagalawan. Papakasalan ko po siya at handa akong makasama siya habang buhay, makasama siya sa pag lutas ng mga problema, aalagaan ko po siya, at hindi sasaktan... At mamahalin ko po siya na tila walang katapusan at tatanggapin kung sino man siya. " humigpit ang hawak ni Adonis sa kamay ko.

Napatingin sa akin si Tiyo Samuel. "Iyan naba ang desisyon niyo? Handa naba ang mga sarili niyo sa mga problemang darating sa buhay niyo? Handa ba ninyong tiisin ang sakit ng pag ibig? " tanong nito na tila binibigyan pa ako ng pagkakataon para makapag isip. Pero desidido na ako.

Nagkatinginan kami ni Adonis at maya maya lang ay ngumiti. "Opo, " sabay naming sinabi.

Pagod na bumuntong hininga si Tiya Emelda ngunit ngumiti ito para sa amin. "Hala siya, sige. Kayo ang bahala. Bente anyos na kayo anlalaki niyo na kaya bahala kayo diyan, pero isa lang ang masasabi ko. Ang buhay ng mag asawa ay hindi madali, lalo na ang nakaraan. " hindi ko masyadong pinansin ang sinabi ni Tiya Emelda sa huli dahil sa tuwa.

"Adonis... " napawi ang ngiti sa labi ko ng marinig ang boses ni Lily na tila hindi sangayon.

Tinignan siya ni Adonis at maliit na nginitian. "Lily, hindi ako ang lalaking para sayo... Huwag mo siyang hanapin, Lily. Dahil kusa siyang darating sayo, hangad ko ang kaligayahan mo, at sana huwag kang mapagod na mabuhay at patuloy na mangarap sa mundong ito. At hindi ako ang kasiyahan mo, Lily..." nakita ng mga mata ko ang namumuong luha sa mga mata ni Lily habang nasasaktan sa mga sinabi ni Adonis.

Pero ngumiti siya at tumango. Nagbaba siya ng tingin at suminghot bago mag salita. "Ako din Adonis. Masaya ako para sayo, dahil nahanap mo na ang kasiyahan mo. Hindi man ikaw ang lalaking nararapat para sa akin pero para sa akin ay ikaw iyon. Naging nararapat ka para sa akin, na ako lang ang nakakaramdam at nakakaalam. " may halong sakit at pait sa boses nito.

Natigilan ako at parang kinukurot ang puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. May nag mahal pero may hindi minahal.

"Sa tingin mo ba tama ang ginawa ko kanina? " biglang tanong sa akin ni Adonis habang nakatanaw sa karagatan.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon