Kabanata 36

218 7 1
                                    

Kabanata 36




"Sumuko sa pulis si Adonis... " balita ni Faith sakin.

Kausap ko siya sa phone nong mga oras na iyon. Ang balita niyang iyon ang nagpawalang kibo sa aking kalooban.

"Sino ang nagpakulong sa kaniya? " mahinang tanong ko pagkakuwan.

Hindi nakaimik si Faith dahil sa naging tanong ko.

"Faith." May pagbabanta sa boses ko.

Narinig ko ang pagbuntong- hininga nito mula sa kabilang linya.

"Kasi... Miriam... B-bawal daw sabihin... " kabado niyang sinabi.

Nagtagis ang aking bagang, pinakulong niya ng hindi hinihingi ang pahintulot ko?

"Kapag hindi mo sinabi sa akin magagalit ako sa taong iyon. " pananakot ko.

Matapos kong sabihin iyon ay narinig ko ang pag alboroto ni Faith sa kabilang linya.

"Sa pagbilang ko ng tatlo kapag hindi mo pa din sinasabi kung sino iyon ay magagalit talaga ako sa kaniya at sayo-"

"Miriam-"

"Isa."

"Bawal nga daw-"

"Dalawa-"

Hindi siya umimik.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko ng mag salita siya.

"Oo na! Ito na! Ito na! " pagsuko niya kaya tumaas ang kilay ko.

Pinagkrus ko ang aking mga braso at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Hmm, ano na? "

"Si Kuya Venezio ang may kagagawan. " pag amin niya.

Para akong nabuhusan ng malamig dahil sa sinabi niya.

At parang nabingi ako dahil sa narinig. Bakit niya ipapakulong si Adonis? Dahil ba iyon sa ginawa sa akin ni Adonis?

Kaya ba... Namilog ang mga mata ko ng makuha ang kahulugan ng mga salitang binitawan ni Adonis sa'kin kahapon.

Alam niyang may kaso siya, at dahil sa mga narinig niya na lumabas sa bibig ko ay doon siya nakapagdesisyon na sumuko nalang.

"Miriam, are you still there? " narinig ko ang boses ni Faith kaya nagising ako sa reyalidad.

"Y-yes, papatayin ko na muna itong tawag. May pupuntahan pa kasi ako. " nagmamadali kong sinabi at hindi na hinintay pang makasagot si Faith at pinatayan na ito ng tawag.

Nagmamadali kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at hindi na niligpit ang mga ginamit ko sa pag gawa ng sandwich para sana sa agahan ko.

Pero kumuha ako ng dalawa ang isa ay kagat kagat ko habang ang isa naman ay dala ko, halos hindi ako magkandahumayaw sa pagdala ng mga gamit ko.

Nasa sasakyan na ako ng biglang tumunog ang phone ko at lumabas sa screen ang name ni Mharissa.

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit ito napatawag. Inislide ko patungo sa answer sign ang tawag niya.

"Oh? Morning, napatawag ka yata? " nagtataka kong tanong habang binubuhay ang makina ng sasakyan.

"Anong pinagsasasabi mo diyan? Sinabihan mo kaya akong tawagan ka kapag nandito na ako sa airport! " nabahiran ng iritasiyon ang kalmado nitong boses.

Napatingin ako sa phone ko ng wala sa oras. What the hell?! Bakit ko ba nakalimutan iyon?

Susunduin ko kasi si Mharissa sa airport kapag nakarating na siya, ngayon kasi ang uwi niya. At hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko at uunahin. Kapag si Adonis ang pinili ko ay magtatampo sakin si Mharissa, at kapag naman si Mharissa ang pipiliin ko ay hindi ko maririnig ang side ni Adonis.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon