Kabanata 37

202 7 0
                                    

Kabanata 37





"So ano ng plano mo? Uuwi kana lang dito sa Samar? " tanong sakin ni Faith sa kabilang linya.

Tumigil ako sa pag iimpake at naupo sa malambot kong kama.

Niyuko ko ang aking kamay. "Oo. Siguro uuwi nalang muna ako diyan. Pagod din kasi ako nitong nag daang araw. " marahan kong sinabi bago tinignan ang mukha mula sa salamin.

Hindi naman ako haggard, maayos din ang pagkakalagay ko ng make up sa mukha. Light lang iyon, nilagyan ko din ng lip gloss ang hugis puso kong labi para makintab itong tignan. Nakatali din ang mahaba ko ng buhok ng pa-pony tail at bahagya ko pang kinulot ang dulo nito.

Ang sout ko ay dress na itim na ang tali ay patungo sa gilid na palaso ang style.

Habang ang sandal ko naman ay walang takong ang nasa aking paa na kulay itim din.

Narinig ko ang malalim na pagpakawala ng buntong-hininga ni Faith sa kabilang linya.

"So hanggang dito na lang talaga kayo? " tanong niya, natigilan ako.

Bumuntong-hininga ako. "Ayaw kong pag usapan ang tungkol doon. I hope you understand. " malumanay kong sinabi.

"Okay. I'm sorry. Sige na. Umalis kana. Mag iingat ka ha? Aabangan kana lang namin sa daungan. " aniya bago patayin ang tawag.

"Okay, bye. " habol ko bago niya tuluyang patayin ang tawag.



Inalis ko sa pagkakalagay ng maleta ko sa kama upang makababa na, pinatay ko ang ilaw sa aking kwarto. Maging sa baba, o saan mang bahagi ng may ilaw sa apartment ko na nakabukas ay pinatay ko.



Sumakay na ako sa sasakyan ko matapos kong macheck ang lahat. At matignan ng maayos ang pagkakalock sa apartment ko.

Bago ako tuluyang umalis upang tumungo sa daungan ng mga bangka-sa pier ay dumaan muna ako sa malapit na starbucks at nagdrive thru. Dahil hindi pa ako nag aagahan.


"Good morning, Ma'am. What's your order? Can i have it? " masaya at may ngiti sa labing sabi ng crew.



Sinabi ko ang mga order ko sa kaniya at nag hintay ng kaonti bago muling ipinagpatuloy ang biyahe.

Nadadaanan ko pa ang San Juanico Bridge habang bumabiyahe. Halos magkapit bahay nalang ang leyte at Samar kung titignan mo sa mapa.

Huminto ang sasakyan ko sa daungan at bumaba, sinalubong ako ng isang lalaki. Na mukhang taga bantay ng mga sasakyan.


Malaki akong nginitian ng matanda. "Hello po, Ma'am. Magandang hapon po. " paunang pagbati sakin nito.


Nginitian ko ang matanda. "Magandang hapon din po, patago po ng sasakyan ko. May kukuha din naman po nito maya maya kaya hindi po magtatagal ang sasakyan ko sa iyo. Kaso baka po matagalan nga lang siya. "

"Ay naku, ayos lang po Ma'am! " natatawa nitong sinabi.


Tinulungan pa ako nitong maibaba ang dalawa kong maleta. Nung una ay hindi ko siya pinayagan pero ang kulit niya, kaya sumuko na lang ako. It's part of their job daw kasi, ika niya.


"Mag iingat po kayo, Ma'am! " sabi ng matanda sakin at kinawayan ako habang papalayo na ang bangkang kinaroroonan ko.

Kinawayan ko din siya at matapos non ay sinalpakan ko ng air phone ang tainga ko.



Paano kaya makakatakas sa ganitong sitwasyon? Sa sobrang pagod ng utak ko ay pakiramdam ko ako nalang ang nag iisang tao sa mundo, dahil tila walang nakakaintindi sa hirap ng pinagdadaanan ko.


Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon