Kabanata 38

215 7 0
                                    

Kabanata 38





"B-bakit g-ganon kayo sakin? W-wala naman akong ginawa sa inyo ah? Pero bakit niyo ako s-sinasaktan? " tanong ng umiiyak na si Mharissa.

Nasa harapan namin siya habang nakaluhod sa daanan ng hacienda.

Habang nasa harapan niya si Papa Lo at Mama La, nasa tabi naman niya si Dante na malayo sa kaniya ng kaonti.

Alam na niya... At alam na din nila...

Galit na galit si Papa Lo, pero nung makita niyang umiiyak si Mharissa ay tila nawala ang galit na iyon.

Naluluha nadin si Tita Maureen. Pero hindi niya pinapahalata, at dahil sa pagtatago niya non ay ito ang nagiging rason para lumayo ang loob sa kaniya ni Mharissa.

"M-mharissa, t-tumayo ka... " si Papa Lo.

Umiling si Mharissa habang nakayuko. At bigla nalamang itong nag angat ng mukha at bumagsak ang tingin kay Faith na nasa tabi ko at muling nagsitulo ang mga luha. Na tila may naalala, bagay na siyang nagbibigay ng sakit sa kaniya.

"I-ikaw? Ano ang g-ginawa ko sayo at inagaw mo siya sakin? Alam mo naman na siya nalang ang natitira sakin diba? P-pero anong g-ginawa m-mo? Inagaw mo siya sakin! " may hinanakit sa boses nitong sinabi kay Faith.

Natigilan ako at napatingin kay Faith na bigla nalang namasa ang mga mata.

Napatingin din sa kaniya sina Papa Lo pero si Tita Maureen ay hindi, at alam ko na kung bakit. Dahil may alam din siya dito.

Umawang ang mga labi ko at dahan dahang inalis ang kamay ni Faith sa pagkakahawak sa akin, kaya nilingon niya ako. At dahil sa ginawa ko ay tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan na huwag mahulog.

Kaya ba? Pero bakit hindi ko alam?

"H-hindi k-ko sinasadiya... S-sorry... N-nagmamahal l-lang n-naman a-ako... "

Maslalong umiyak si Mharissa sa sinabi ni Faith at natawa bandang huli na tila isang kabaliwan ang sinabi ni Faith. "Pagmamahal? S-sinabi mo kay Mommy! Kaya pinipigilan ako ni Mommy na makipagrelasiyon kay Abraham! K-kasi bawal. P-pero ikaw? Wala lang? H-hindi k-kana nakuntento a-at i-inagaw m-mo p-pa siya sa a-akin.... " hindi na makapag salita ng maayos si Mharissa dahil sa pag iyak.

Tinignan ako ni Faith at nakita ko ang kalungkutan doon. "K-kinamumunghian m-mo na d-din ba a-ako? "

Sunod sunod na nagsitulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.

Napatakip ako sa aking bibig at doon na tuluyang kumawala sa aking bibig ang isang hagulgol ng marinig ang pag iyak ni Tita Casmin habang nasasaktang nakatingin sa anak.

Dahan dahan akong umiling. "H-hindi, F-faith... P-pinsan k-kita... K-kaya bakit naman ako magagalit? "

"Bakit ako, Miriam? Hindi m-mo ba ako pinsan? " tanong ni Mharissa kaya napalingon ako sa kaniya.

Umatras ako habang walang tigil sa pag tulo ang mga luha.

"Manahimik nga kayo! Parang lalaki lang iyan tapos pinag aawayan niyo pa! " sabat ni Leandro na siya namang tinapatan ni Cedrix.

"Lalaki lang? Huwag mong sabihin iyan sa kanila na parang wala lang sa kanila ang sakit. Isipin mo nga ang sakit na naranasan ng mga babae mo dahil sa panloloko mo sa kanila at kung mag palit ka ay parang wala silang halaga! " nagsisilabasan nadin ang ugat ni Cedrix sa leeg at kuyom na kuyom ang kamao nito.

Matalim siyang tinignan ni Leandro. "Wala kang pakialam! "

Umigting ang panga ni Cedrix. "Alam ko na ang dahilan kung bakit ka iniwan ni Anika! " dahil sa sinabi ni Cedrix ay maslalong nag alab sa galit si Leandro.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon