MMP-19

12K 370 49
                                    

SERENITY's POV



Humahangos ako papasok ng Gunn University dahil limang minuto nalang ay magsisimula na ang klase ko. Medyo tinanghali kase ako ng gising kaya late na din akong nakaalis sa bahay namin.

"Hay salamat!" Isang malalim at mahabang hininga ang pinakawalan ko nang tuluyan kong marating ang classroom namin at makaupo sa upoan ko.

"Mukha kang hinabol ng sampong kabayo. Wala ka na bang sakit?" Pinunasan ko muna ang mga pawis sa noo ko bago nilingon si Shagie.

"Wala na. Maayos na ang pakiramdam ko."

"Nagawa mo ba yung sinend kong assignment sa'yo?"

Kinuha ko ang notebook ko sa bag dahil sa sinabi ni Shagie. Hindi ko natapos ang assignment kagabi dahil dinalaw agad ako ng antok. Ngayon ko nalang tataposin dahil sa susunod na subject pa naman yon.

"Hindi ko natapos kagabi. Ngayon ko nalang tataposin."

Hinayaan ako ni Shagie na gawin ang assignment ko at hindi na muna inistorbo. Dumaan naman ang isa sa mga student council sa room namin para ipaalam na hindi na umano papasok ang professor namin ngayong umaga. Tuwang tuwa naman ang mga kaklase ko habang ako ay hindi sigurado sa dapat na maramdaman. Halos takbohin ko kanina ang daan papasok tapos hindi pala papasok ang professor namin.

"Excited na ako para bukas. May susuotin ka na bang damit, Arya? Kung wala pa pwede kitang pahiramin ng mga damit. May ibang dress akong hindi ko pa nasusuot," biglang sabi ni Shagie sa tabi ko.

Bukas na nga pala iyong acquaintance party namin. Gabi iyon gaganapin pero wala na kaming pasok sa umaga. Ibinigay na nilang oras sa'min yon para maghanda.

"Salamat, Sha, pero may susuotin na ako para bukas," sagot ko sa kan'ya habang nagsusulat sa notebook ko.

"Akala ko ba wala ka pang nahahanap na susuotin? Bumili ka ng bagong dress?"

Hindi agad ako sumagot sa kan'ya at inisip muna kung dapat ko bang sabihin na si Prof. Salvatore ang bumili ng dress ko. Paniguradong magtatanong at magtatanong s'ya sa'kin.

"A-ah.. O-oo, bumili a-ako nung nakaraan," pagsisinungaling ko dito. I feel bad for lying pero ayoko kaseng magtanong pa s'ya ng marami dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kan'ya. Paniguradong magtatanong s'ya kung bakit ako binilhan ng dress ni Prof. Kahit nga ako hindi alam kung bakit n'ya ako binilhan.

"Ahh okay. Anyway, magpapamake up ka pa ba o ikaw nalang ang mag aayos sa sarili mo? May pinapapunta kase akong mag aayos sa'kin bukas sa house, so baka gusto mong sumabay? Don't worry, my treat," nakangiting alok nito sa'kin.

Ngumiti ako sa kan'ya pagkatapos ay umiling. Nakakahiya naman kase kay Shagie. Kahit magkaibigan kami ay nahihiya talaga akong tumanggap ng kung ano ano sa kanila kahit alam kong bukal naman iyon sa loob nila.

"Thank you, Shagie, pero hindi na. Kaya ko namang ayosan ang sarili ko. Isa pa, may make up kit iyong si Elle at sabi n'ya ipapahiram n'ya daw yon sa'kin."

"Ganun ba? Sige, pero pag nagbago ang isip mo just call me, okay?" Anito kaya naman ay tumango ako at ngumiti.



Walang masyadong ginawa sa school namin ngayon at maaga rin kaming pinauwi. Palabas na ako ng university nang makatanggap ako ng text message galing sa number ni mama pero mukang si Saffary ang nagtext non. Sinabi nito na kailangan n'ya ng acrylic paint para sa school project n'ya kaya bibili muna ako non bago umuwi.

Marry Me, Professor (Complete)Where stories live. Discover now