TWENTY

510 10 3
                                    

Kumatok si Ashley sa pinto ng kuwarto ni Oliver kahit na nakabukas iyon, para lamang tawagin ang atensiyon ng binata. Pumasok siya sa kuwarto nito.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa mahinang boses, sapat lamang upang marinig nito.

"Yeah," maiksing sagot ng binata. Katulad kanina, hindi siya nito tinapunan ng tingin.

Kumunot ang noo niya nang makitang nag-eempake ito. Nakapatong ang malaki nitong maleta sa ibabaw ng kama at panay ang paglalagay nito roon ng damit mula sa cabinet. Kauuwi lamang nito pero heto at mukhang aalis na naman.

"Saan ka pupunta?" Hindi niya maiwasang tanong. Hayun na naman ang pag-o-overthink niya, nagsisimula na naman.

"I'll in Cavite for a week."

"Cavite?" Oo nga pala, parang may natatandaan siyang nabanggit nito sa kaniya tungkol sa isang seminar nito. "Uh, e 'di kami isang linggo pala ang bonding time namin nito ni Via." She tried to joke to lessen the weight of the atmosphere.

"No."

"Huh?" Napamaang siya.

"Via will also not be here for a week or two. She'll be with Veron. Via already agreed to it." Kung gayon, iyon pala ang pinag-usapan ng mag-ama kanina.

Parang natulos siya sa kinatatayuan dahil sa narinig. Napatitig na lamang siya sa binata, hinihintay ang eksplanasyon nito.

Bakit ito pumayag na kay Veron muna si Via? At sa loob pa ng isa o dalawang linggo? Nakalimutan na ba ng binata ang ginawang pang-iiwan ng babae sa sarili nitong anak? Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala siyang eksplanasyon na narinig.

Gusto niyang magtanong. Ngunit may karapatan ba siya? Clearly, ipinararating sa kaniya ng mga kilos ni Oliver na wala. Wala siyang karapatan. Hindi naman siya parte ng pamilyang iyon. Kahit ilang ulit siyang tumutol, hindi niyon mababago ang katotohanan na wala siyang karapatan kay Via.

Itinago niya ang mapait na ngiti. "Kung gayon, solo ko pala ang bahay sa loob ng isang linggo."

Iyon na lamang ang nasabi niya. Himala pa nga na hindi nadurog ang boses niya. Pakiramdam niya, may bikig sa lalamunan niya. Mabigat ang kaniyang loob, at isa pang salita na lalabas mula sa bibig niya, talagang tutulo na ang kaniyang mga luha.

Hindi sumagot ang binata. Nagpatuloy lamang ito sa ginagawa.

Bumuka ang bibig niya. Tila may gustong lumubas na mga salita doon, ngunit sa huli, nanatili iyong tikom. Nanatili siyang nakatayo roon. Hindi niya gustong umalis nang hindi sila nakakapag-usap nang maayos.

"Oliver—"

"Do you still need something? Kailangan ko pang tapusin ito."

"Uh," umiling-iling siya. "Wala na."

Tinalikuran na niya ito at tinungo ang pinto. Pero hindi pa siya nakalalabas doon ay napatigil siya sa paghakbang. Kung hindi niya sasabihin ngayon sa binata ang saloobin niya, kailan pa niya iyon masasabi?

She can't sulk forever.

Pinatapang niya ang ekspresyon at muling humarap dito.

"Bakit mo hinayaan na kay Veron tumuloy si Via sa loob ng isang linggo?"

"She's her real mother."

Ipinagdiinin nito ang salitang 'real' sa kaniya, at oo nga naman, ano nga naman ang laban niya roon?

"Alam ko," sagot niya. "Pero inisip mo man lang ba ang nararamdaman ni Via? Alam mo ba kung ano ang sabi niya sa akin? 'Mommy, I'm scared.' Malamang hindi niya ito gagawin kung hindi mo siya pinilit. Oliver, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo." Mahinahon pa rin ang kaniyang boses. Ayaw niyang marinig ni Via kung ano man ang pinag-uusapan nila ng ama nito.

VILLEGAS TRILOGY 1: Brittle Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now