Chapter 11: Mischievous child

96 15 2
                                    

" BINIBINING DAISY!!"

" BINIBINING DAISY!!"

" NASAAN KA NA?!"

Hihihihihi~

" HOYYYY!!!" sigaw ko habang nakatingin sa kanila.

" MUNTING BINIBINI!" Gulat na sighap nila at nahimatay pa ang Head maid.

" Binibining Daisy, Bakit ka andyan?"

" Hindi ko rin alam" kinakabahan at natatawamg sagot ko rito.

" BILISAN NYO TAWAGAN NYO ANG MGA TAUHAN AT IPABABA ANG MUNTING BINIBINI!" sigaw ng isa sa mga katulong.

Naiiling na natatawa na lamang ako sa nangyayari. Tatlong taon na si Daisy sa mundong ito ilang taon nalang at magkikita na sila ng bida at ang pamilyang umabandona sa kanya.

Sa tuwing naalala ko talaga na iniwan nila yung sanggol na kamag-anak nila na walang kasama na kahit sinong kadugo na magbabantay. Umiinit ang dugo ko!

Hindi ko talaga masisisi si Daisy kung bakit sya nag revenge sa kanila eh. Deserve naman kasi talaga.

Pero speaking of age. Tatlong taon na rin pala akong nasa katawan ni Daisy. Umaasa na makakaalis sa mundong ito at matatapos ang book review ko sa EAPP. Actually, ang dami kong naiisip na baguhin sa book review ko. Papalalimin ko lang ng slight para pak na pak!

Hayssstt.... Pero ilang taon pa bago matapos ang librong ito. Gusto ko na talagang umuwi. Namimiss ko na ang wifi, fastfood, ice cream, manood ng movies with friends at nakaisip na ako ng rebat kay Rowena.

" HUMAWAK KA LANG BINIBINING DAISY!"

" TAWAGIN NYO ANG HEAD BUTLER AT SI PERLA!" Sigaw nang mga nagkakagulo na tao sa baba.

Nakaupo kasi ako sa bubungan ng mansyon. Hanggang 4th floor kasi yung bahay nila Daisy. At naisip kong gayahin yung nababasa ko na manhwa na nagmomoment sa bubungan ng malaki nilang bahay. At katangahan ko lang ginawa ay sinarado ko yung bintana at sa tuktok ako puwesto para magmoment.

Hindi ko talaga alam kung anong sumapi sa akin para gawin ko to hehehe~

" MALAMIG NA DITO!" Sigaw ko sa kanila na naging dahilan para mas magpanic sila.

Oopss~ My bad!

" Sorry~" bulong ko nalang sabay peace sign.

Wala naman kasing magandang gawin dito sa mundong ito. Nakakulong lang ako sa mansyon tapos sa garden lang ako nakakapag-ikot at wala pa akong makausap. Yes, May nakakausap naman ako pero ang tatanda. Si perla naman busy sa pag-aalaga sa akin. Sa tingin ko ang tingin na nya sa akin ay isa sa mga kapatid nya.

Alam ko naman kung bakit ako nahihirapan sa mundong ito. Dahil dala-dala ko pa rin yung gawi at pag-iisip ko sa totoo kong mundo. Kaya gusto ko na talaga makabalik. Sobrang haba naman nitong bakasyon.

Isang malalim na buntong hininga ang nilabas ko bago ako tumayo. Sa pagkatayo ko nakita ko ang malawak at berdeng tanawin sa bandang dako paroon. At natanaw ko rin ang bayan at mga gusali na hindi ko pa napupuntahan.

" Hindi na ako magtataka kung bakit naging ganoon si Daisy, Dahil kahit ako. Eh, mababaliw kung nasa loob lang ng mansyon at pare-parehas lang ng mukha ng tao ang makikita at makakausap mo. Wala man lang kasing edad na nakikita. Atsyaka sobrang boring. Imagine nang nag 2 years old si Daisy tinuruan na sya agad magbasa at magsulat.

" MUNTING BINIBINI!" Agad akong napatingin sa tumawag sa akin si Draco yung butler namin.

" Halika na at lumalamig na sa labas" mahinahong saad nito sabay labas ng kamay sa bintana. Napanguso nalang ako at pumunta sa kanya mabilis ako nitong hinila at sa isang iglap nasa loob na ako ng kwarto.

" Munting binibini. Pinag-alala mo kami!" Mahinahon ngunit natatakot na saad nito.

" Naiinip na ako" sagot ko lamang dito.

" Pwede ka namang pumunta sa hardin"

" Ayoko, kabisado ko na yon!"

" Makipaglaro kay Perla"

" Ayoko, iba yung laro nya" nakangusong sagot ko sabay pagkrus ng braso ko.

" Munting binibini, Bakit hindi ka na lamang mag-aral magbasa at magsulat sa libre mong oras upang hindi ka mainip?" Concern saad nito.

" Aishhh..... Iba naman yon eh! Dapat hiwalay yung pag-aaral sa paglalaro. Bata palang ako!" Reklamo ko dito na syang nagpailing na lamang kay Draco.

" Sige munting binibini, Pag-usapan na lamang natin iyan mamaya. Ngunit sa ngayon ay dapat ka nang mag-ayos at darating na ang iyong maestra. Hindi ka nya pwedeng makita na ganyan ang itsura mo" Malumanay na saad nito bago ako nito buhatin.

" Bakit ko kailan ulit mag-aral?" Tanong ko dito habang naglalakad kami paalis sa kwarto.

" Dahil isa kang maharlikang babae. At lahat ng mga batang maharlika ay dapat matutong magbasa at magsulat mula sa edad na dalawa hanggang sa lima" paliwanag nito sa akin na syang ikinaismid ko.

" After ko matuto magbasa at magsulat ano na mangyayari?" Dugtong ko sa tanong ko.

" Pagkatapos mo matuto magsulat at magbasa. Sa ika-anim mong kaarawan ay ipapasok ka sa isang eskwelahan na espesyal para sa mga maharlika. Tuturuan ka roon kung paano gumamit ng mahika o di kaya ay espada" napakunot-noo ako sa sinabi ni Draco.

I don't have any powers sabi ni Dumbledore. And hell no! Na hahawak ako ng espada.

" Paano kapag hindi ako nakapasok sa ekswelahan na iyon? Ano na mangyayari sa akin?" Diretsahang tanong ko dito na syang nagpahinto rito sa paglalakad.

" Malabong mangyari iyon munting binibini, Isa kang Lavarin kung kaya't makakapasok ka" kumpyansang sagot nito na syang nagpairap sa akin ng palihim.

Hindi talaga makakapasok si Daisy sa kahit anong eskwelahan kahit isa syang Lavarin dahil wala syang kapangyarihan. At magiging isa syang kahihiyan sa pamilya nya.

" Kung hindi ako makakapasok sa eskwelahan na sinasabi mo. Gusto ko lamang magliwaliw sa bayan at pumunta sa bundok" seryosong saad ko na lamang dito na syang nagpatawa kay Draco ng malakas.

" Munting binibini, Kahit kailan talaga ay palabiro ka. Imposibleng hindi ka makakapasok. Titiyakin kong makakapasok ka roon. Dahil isa kang espesyal na bata" Nakangiting saad nito na nagpangiti sa akin nang hindi ko namamalayan.

Para talaga syang Tatay.

" Thank you Baba" Saad ko dito bago ko ito yakapin ng mahigpit.

" Na-naku, Mu-munting Binibini, Hindi maaari iyan. Hindi ako ang iyong ama" Natatarantang saad nito na syang nagpatawa sa akin ng mahina.

Ayoko pa rin pumasok~

FOLLOW THE VILLAINWhere stories live. Discover now