Special Chapter I

2.1K 94 146
                                    

Aizen Dabria Avila-Vermilion POV

(Flashbacks)

"Ugh! Damn this stupid car!" Inis kong sinipa ang gulong ng kotse ko dahil na flattan ako.

At talagang dito pa ako sa gitna ng init at sa mabahong lugar nahinto. Gosh!

"Miss, kailangan mo ba ng tulong?" I turn my gaze when someone asked me.

Tumaas ang kilay ko ng makitang may limang lalaking ang lalaki ng tyan tapos walang suot na damit. Ang hahaba pa ng buhok, hindi ba uso sa kanila magpagupit?

Hindi ko sila binigyan ng pansin at kinuha nalang ang cellphone ko. I sent a message to one of my guards para tulungan ako rito but nireplyan lang ako na nasa hospital siya dahil nahospital ang anak niya.

"Miss, tulungan ka na namin. Sayang naman ang ganda ng kutis mo kung magbibilad ka sa araw jan." Napaikot ako ng mata ng marinig na naman ang lalaking 'yon.

Napahinga ako ng malalim bago sila tinignan.

"I don't need your help. Leave me alone." Malamig na usal ko dahilan para magkatinginan silang lima.

"Englishera pala 'to mga pre! Tol, ikaw na rito dudugo ilong ko jan." Nagtulakan sila kung sino ang ihaharap sa'kin, for the third time ay napaikot ang mata ko.

Napatingin ako sa paligid, maraming tao ang nakatingin sa direksyon ko ngayon. Maybe ngayon lang sila nakakita ng isang diyosa.

"Ate, payong po oh." Napayuko ako ng makitang may batang may hawak hawak ng payong at iniabot sa'kin.

Is she selling this?

She's so cute.

Kinuha ko ang wallet ko sa shoulder bag ko at kumuha ng 1k, this is the only cash na meron ako ngayon. Mga cards lang ang dala ko.

If alam ko lang na mafa-flattan ako ngayon ay sana bumili ako ng extra na ipapalit sa gulong ko.

I handed her the money pero tinignan niya lang ako.

"Aanhin ko po 'yan?" Inosenteng tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Tinda mo 'to, right?" Tanong ko na ikinailing niya naman.

Oh... Then bakit niya binibigay sa'kin 'to?

"Hindi po. Mainit po kasi. Gusto po sana kita dalhin sa bahay pero po ayaw ni Dada sa babae. Baka po pagalitan ako." Oh..

Ngumiti ako sa kanya bago lumuhod para pumantay sa kanya. Kinuha ko ang payong na hawak niya at binuksan para mapayungan kaming dalawa.

"Thank you, baby girl. Hindi mo kailangang dalhin ako sa bahay niyo. Ano pangalan mo?" Tanong ko na ikinangiti niya.

"Ako po si Kean-" hindi natapos ang sasabihin niya ng may biglang humila sa kanya.

"Kanina pa kita hinahanap, bakit ka lumabas? Paano kung mapahamak ka? Paano kung may kumuha sa'yo? 'Di ba sabi ko naman sa'yo wag kang lalabas ng bahay pag hindi nagpapaalam sa... sa'kin..." Nautal siya sa huli niyang sasabihin ng umayos ako ng tayo at hinarap siya.

When our eyes met, iba ibang bultahe at kung ano pa ang naramdaman ko sa dibdib ko sa mga oras na 'to. Her eyes... I like her eyes. Her perfect nose, her... Her lips. Mariin akong napalunok bago nag iwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Did I just check her out?

I don't know what's with me right now, pakiramdam ko lang ay gusto kong angkinin ang babaeng nasa harapan ko.

So fast.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Haunted Where stories live. Discover now