Chapter 3

9 1 0
                                    

Warning: Rated SPG.


Linggo, at mag-isa na naman ako sa bahay. Sa kagustuhan kong uminom ay naligo ako at nag-ayos. Nagsuot ako ng leather short na itim, tube na white, leather jacket na pa-croptop at heels na itim. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko at nag-apply ng light make up. Binitbit ko na din ang channel handbag kong kulay puti at lumabas.

Sana kahit sa pag-inom manlang ng alak maibsan yung nararamdaman ko at ang pag-iisip ko dahil kahit anong gawin ko, ayaw talagang tumigil ng utak ko sa kaiisip. Kahit pa ayoko nang isipin yung nangyari... bumabalik talaga.

“Pahatid sa Luv'A,” sabi ko at sumakay na. Pumasok na din ang driver ko sa kotse namin at halata ang pagkagulat sa kaniya.

“Pero Ma'am, magagalit po ang Papa ninyo kapag nalaman 'to.” Napairap ako at napakamot sa noo ko sa irita.

“Magsusumbong ka ba?”

“E, Ma'am...”

“Sige na, Kuya. Paandarin mo na. Hindi naman ako maglalasing ng sobra tsaka who knows kung anong oras uuwi si Papa 'di ba?” Wala na siyang nagawa pa. Napangiti ako ro'n at hinatid na niya 'ko.

Pagpasok ko pa lang ay naamoy ko na ang usok at amoy ng alak. Hindi naman na ako tinanong ng guard at kaibigan ko rin naman ang may-ari nito. Kilala na ako dito dahil madalas ako noon. Dito lang atang bar ang pinapapasok ang 17 pataas.

“Jenine!” Napalingon ako sa gilid at nasa bandang dulo siya. Masaya ko siyang sinalubong ng yakap. “Miss na kita, gurl! Tagal na nating hindi nagkikita!” Niyakap niya ako nang mahigpit.

“Ang busy mo na kaya!” Sinigawan ko rin siya para marinig niya. Naupo kami sa pang-apatang table. May isang tower na pala siya ng alak na inorder. “Ang aga mo namang mag-order! Hindi mo manlang muna ako hinintay, napaka-aga!” Inirapan niya ako habang tumatawa.

“Inom na inom na 'ko 'te! Marami pa akong chika sa'yo!” sinasabi niya iyon habang nilalagyan ng alak ang isang baso at binigay sa'kin. “Kumain ka na ba?” Tumango ako at daliang ininom 'yon. Pumalakpak naman siya at parang tipsy na siya. Tiningnan ko ang tower at halos makalahati na niya pala 'yon. Kaya pala mukhang may tama na.

“Teka mag-order muna tayo ng pulutan, Shan!”

“Nag-order na 'ko, ikaw na ang mag-bayad!” Napahagikgik siya sa turang iyon. Napairap ako at tiningnan siya. Naka-dress siya ng kulay itim at rubber shoes na itim. Naka-straight lang ang mahaba niyang buhok. Morena siya at maganda siya pero mas maganda pa rin ako sa kaniya.

“Spill mo na 'yang chika mo 'te!” Siniko ko siya, humagalpak naman siya ng tawa.

“Excited yarn?! So... eto na nga!” Nilapit ko ang upuan sa kaniya para magkarinigan kami ng maayos. Saktong dumating na din ang inorder niya. May nachos, sisig, at nachos ulit tapos fries tapos may juice pa! Ano ba naman 'to, foodtrip ata.

Binayaran ko na at binaling ulit ang atensyon sa kaniya.

“Hiniwalayan na niya 'ko, beh!” Sigaw niya at sumubo ng nachos habang mangiyak-ngiyak. Nilagyan ko ng alak ang baso niya at binigay sa kaniya.

“Oh, i-shot puno mo 'yan.” Mabilis niyang inubos 'yon at masayang ngumiti sa'kin. “Baliw ka ba?” tanong ko sa kaniya at uminom na din. Iniba na niya ang topic at puro walang kwenta ang mga kinukwento niya. Ako naman panay ang inom, siya panay kuwento. Hindi ko na nga namalayang naubos ang isang tower kaya nag-order ulit kami.

Nahihilo na 'ko. Siya naman nakasandal na sa balikat ko. Nanahimik na kakadaldal. Nilalantakan ko na lang tuloy muna ang mga pagkain na inorder niya. Aaminin kong malakas talaga ako sa pulutan. Syempre, ako bumili nito, e.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between Your LiesWhere stories live. Discover now