Chapter 47

603 45 10
                                    

Wise' POV



"Kapit ng maayos, Vee." Sabi ko. Since andito pa naman kami sa bahay, mamayang hapon pa kami babalik sa bc eh nagkayayaan pa kaming mag rides. Wow haha, rides. Oo basta mag ro-road trip kami ngayon.

Nakita kasi ni Vee yung motor sa bahay kaya naalala nya yung sinabi kong iaangkas ko sya nung nag world of fun kami.

"Umayos ka Wais, nakakahiya sa mama mo." Mahinang sabi niya.


Oo nga at naka bantay pa si mama sa amin. Sorry naman.
Si papa kasi nag trabaho na. Nag leave lang sya kahapon kasi ng birthday ni mama, he woudn't missed it for the world <3. Tapos si Driana ay pumasok narin, may klase sya.

Napa buntong hininga nalang ako. Naka kapit naman sya kaso dun sa damit ko. Gusto ko sana sa baywang ko eh ^o^. Di bale, mamaya.


Kaming lima ang mag ro-road trip. Ako at Vee iisang motor tapos yung tatlo sa isang motor din. Si Hadji ang driver. Dito lang naman kami mag iikot sa lugar namin. Hwag na muna sa highway.

Road trip tapos dito lang sa lugar namin, wow galing haha.
Hayaan nyo na ><

"Mag-ingat kayo mga anak ha. Dong! Kukurutin kita kung may mga galos kayo pag uwi nyo." Pagbabanta naman ni mama.


Napakamot nalang tuloy ako. Kukurutin pa nga kahit may galos na, hays. Pero tumango nalang ako para kahit papaano ay mapanatag sya. Ang nerbyosa nyan eh.


At ayun nga, umalis na kami.

"Aaaaayy!" Sigaw ni Vee sabay napakapit sya sa baywang ko.

Bigla ko kasing binilisan yung pagpapatakbo.

"Wais, isa! Dahan-dahan lang." Sita nya saakin. Hindi nga nya siguro pansin na sa baywang ko na pala sya nakakapit haha.

"Haha, sorry. Ito na dadahan-dahanin na."

"Wooooow ang sarap sa pakiramdam." Manghang sabi nya

"Hindi naman masyadong mapuno dito sa inyo pero ang fresh ng hangin, Wais."

And ayun na nga, she spread her arms na parang fini-feel talaga yung hangin.

"Naku ha, baka mahulog ka." Medyo kinakabahang sabi ko.

"Hindi yan. Alam ko namang hindi mo tayo ipapahamak eh. Drive ka lang dyan. Ninanamnam ko pa yung moment eh."

"Hahaha, oks boss. Masusunod." Sabi ko pabalik.

Nag drive lang ako ng nag drive. Inilibot ko talaga sya dito sa lugar namin. Naka abot ata kami ng isang oras o mahigit sa paglilibot eh kasi mahina lang yung pagpapatakbo ko ng motor.


"Stop!" Biglang sigaw ni Vee. Napa break ako bigla. Kasi naman bakit sumigaw?... Napasubsob tuloy sya saakin.

"Aray!" Daing nya.

"Sorry. Bakit ka kasi sumigaw. Nagulat tuloy ako."

"No, it's okay and sorry. Nakakita kasi ako nun." Sabay turo nya sa nagtitinda ng mga kwek-kwek.

"Gusto mong kumain nyan?" Tanong ko at tumango lang bilang sagot.

"Ok tara. Pero sa susunod hwag kang sumigaw ha lalo na pag nagda-drive ako. Nakakagulat." Sabi ko habang bumababa na sa motor. Sya naman ay ngumiti at nag peace sign lang. ^.^v

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now