Chapter 51

857 36 28
                                    


Third Person's POV

Nakaakbay si Wise kay Vee habang naglalalad sila sa tabing dagat.

Ilang oras lang ba ang tulog nilang dalawa nung gisingin ni Vee si Wise para masaksihan nila ang pagsikat ng araw.

Vee: Masaya ka ba Wais?

Biglang tanong ni Vee.

Wise: Tinatanong pa ba yan? Oo naman, syempre.

Vee: Ready ka na ba sa play offs?

Wise: Super!

Masiglang sagot naman ni Wise.

Vee: (chuckled) Naniniwala ka bang kaya nating mag champion?

Tanong ulit na Vee habang patuloy pa rin sila sa paglalakad. Lumapit pa sila ng bahagya sa dagat, yung kapag umaalon ay naaabot nito ang kanilang mga paa.

Wise: Oo naman. Tiwala ako sa atin eh.

Napa-ngiti si Vee dahil dun.

Wise: Pero alam mo Vee, kahit hindi naman tayo mag champion ay okay lang naman. Ang maging pro player at makarating hanggang play offs ay malaking achievements na para sa akin. Partida, baguhan pa lang tayo sa pro scene diba?.

Mas lalong napa-ngiti si Vee sa sinabi ng nobyo. Napaka down to earth nito. Kaya naman mas lalo lang syang nasasabik at nagkakaroon ng rason para ipanalo ang bawat matches sa darating na play offs.

Para sa mga bagets naman iyon at sa mga taong naniniwala sa kanila. Higit sa lahat, para sa kanyang Wais.

Vee: Gagawin natin ang ating best. We'll go all in para manalo tayo. Mananalo tayo.

Kumpyansang sambit ni Vee.

Wise just chuckled and messed Vee's hair.

Katahimikan ang namayani. Splashing waves and breeze is all they can hear.

Vee: Wais, may tanong ako.

Wise: Hmm? Ano yun?

Vee: Pa-paano kung b-bukas magh-hiwalay tayo. O 'di kaya ay m-ma...m-mamatay ako? Anung gagawin mo?

Tanong nya na nakapagpa-hinto kay Wise sa paglalakad.

Pumunta sa unahan ni Wise si Vee at pinakatitigan ito.

Nakakunot ang noo nito. Kaya natawa si Vee. Yung tawang may kasamang lungkot pero hindi nya iyon pinahalata.

Wise: Bakit naman ganyan ang tanong. Ayaw ko ng tanong mo. Iba na lang.

Vee: (nag-iwas ng tingin) Sagutin mo nalang Wais. Ikaw nga ang nagsabi kagabi diba? There are uncertainties in life. Hindi pa tayo sigurado na t-tayo talaga sa h-huli.

Wise: Hindi mo rin ba narinig na ikaw yung kasiguraduhan ko sa lahat ng wala pang kasiguraduhang mangyayari.?.

Nahugot naman ni Vee ang kanyang paghinga sa mga katagang binitawan ni Wise.

Wise: Kaya walang maghihiwalay. Hindi mangyayari yung sinasabi mo.

Binibigkas yun ni Wise habang humahakbang sya palapit kay Vee. Si Vee naman ay napapaatras.

Wise: At bakit mamamatay? Bakit kasali yun? Bawiin mo yun.

Vee: (tumatawa na umiiling)

Wise: Vee, isa. Bawiin mo na.

Tatakbo pa lang sana si Vee ng maagap syang napigilan ni Wise.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now