Chapter 3: Start of the party

30 5 9
                                    

Natapos rin ang nakaka-pagod na araw na iyon at bagong simula naman ang bubungad sa akin kinabukasan.


brrring!’ ‘brrring!’ ‘brrring!’


argh, damn ang ingay!” inis na saad ko bago ko inabot ang kamay ko sa gilid ng higaan para patayin ang orasan.


“umaga na agad?! Parang ilang minuto lang tulog ko ahh” patuloy na pagrereklamo ko sa aking sarili, hayst.


Nevertheless, nag-ayos na ako ng aking sarili bago lumabas ng Harlem Apartment.


‘ring!’  ‘ring!’


“hey Rae! Asan ka na? Nandito na ako sa labas ng apartment ko.” bating bungad ko sa kaniya nang sagutin ko ang tawag.


“Wow! It's a miracle Shay!” sigaw niya sa kabilang linya, naguluhan naman ako about that miracle na pinag-sasabi niya.


“huh? What miracle na naman yang pinag-sasabi mo?” tanong ko sa kaniya.


“You know Shay, for me, ahmm it's kinda miracle na maaga ka ngayon hehe improvement yarn babe!” tawang sagot niya sa akin while speechless naman ako sa loka-lokang to....


‘well hindi ko naman siya masisisi ’cuz since lumipat ako sa apartment ko ay lagi nalang niya ako naaabutan na nasa higaan pa...’


tumigil ka nga riyan Rae! Akala ko ba may pupuntahan tayo?” inis na sabi ko sa kaniya nang hindi ako maka-rebutt sa pang-aasar niya.


“Kaya nga paalis na ako your Highness, wait for me there.” Saad niya na natatawa pa, rinig ko naman ang pagsarado niya ng pinto.


“Alright, ingat ka sa biyahe.” saad ko na lamang bago patayin ang tawag.


Hinintay ko na lamang sa isang lilim si Raeny dahil alam ko na maya-maya ay nandito na rin iyon.


‘ding!’


Habang hinihintay ko naman si Rae ay tumunog ang cellphone ko, indikasyon na may nag-chat sa akin, kaya binuksan ko ang notification para malaman kung sino ang nag-chat sa akin.


“Sis, don't forget to attend the party later. 9:30 pm ang start, aasahan ko na dadalo ka. Me and Luther want you to give your blessings before kami ikasal.”  tsk chat lang pala ni Lacy.....


What? Talagang in-emphasize pa niya talaga name nilang dalawa ha! Is she afraid that I'll not attend it because of fear? No way Or is she afraid that she can't show it off  in my face? Hypocrite.... Hindi pa ba sapat na siya ang pinili ni Luther? Gusto niya pa talaga ng blessings ko ah?! Fine then pero sana she can cope up sa blessings ko! But I can't deny that it still hurts me though....


Dahil sa abala ko kakatingin sa aking cellphone ay hindi ko namalayan na nandito na pala si Raeny at nakatayo na siya sa gilid ko.


“Shay! Ano ba yang nasa phone mo at nakatuon ang buong pansin mo Jan?! Ni hindi ka man lang lumingon kahit ilang beses Kong tinawag name mo!” reklamo sa akin ni Raeny habang naka simangot sa akin.


The Night You Told MeWhere stories live. Discover now