KABANATA 4: Cold

28 8 0
                                    

"Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" salubong sakin ni Grandma.

"Nag overnight po ako sa Unit ni Maren-"

"Talaga? But She called me at hinahanap ka niya," nakakunot noo niyang sabi.

Napapikit ako ng mariin at hinilot ang sintido ko. Damn it! Sana pala tinawagan ko muna si Maren.

"Kailangan ko na po mag pahinga masakit pa ang ulo ko."

Mabilis akong nag lakad paakyat sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Pagod na pagod ang katawan ko at dama ko parin ang hapdi sa Pagitan ng hita ko. I did that last night and fuck! I can't believe I would do that to a stranger. Matapos namin yun gawin ng paulit ulit sa buong gabi na magkasama kami ay iniwan na lang niya akong mag isa na natutulog sa kwartong yun. Ayokong masaktan pero hindi ko alam kung deserve ko bang maabandona matapos kong ibigay ang Virginity ko.

I carried the weight on my chest until I returned home. Napakasama ng lalakeng yun para iwan lang ako ng ganun lang matapos niya kong pagsawaan!

Bumangon ako sa kama ko at nag tungo sa Bathroom, binabad ko ang katawan ko sa Bathtub at tumulala. Matapos kong mag muni-muni ay lumabas na ako ng bathroom at nag bihis. Nang matapos ko ay nahiga na ako ulit pero agad din akong napatianod ng mag Ring ang Cellphone ko, agad ko itong kinuha sa ibabaw ng Table at sinagot.


"Hey Abel.."

"How's your day? Pwede ka ba ngayon kain tayo sa labas," aniya.

Napabuntong hininga ako. Ayaw ko man na iintertain si Abel sa ngayon ay mukhang mapipilitan ako. Pagod pa ang katawan ko pero di parin naman ako makakapag pahinga dito sa bahay dahil sa kakaisip sa lalakeng naka one night stand ko.

"Pwede naman," maikli kong tugon.

"Thank you Val, I'll pick you up later."

I ended the call and immediately went to the walk in closet to find something to wear. Nang makapili ako ay hinanda ko na ito at muling nahiga sa kama ko.

This is how boring the life of a Valeria Anastasia Monteverde is. Nakakasawa na sa totoo lang pero wala naman akong magagawa. Wala akong nagugustuhang lalake at wala din akong maisip na pwedeng gawin sa buhay. Other people think that I'm living their dream life pero nagkakamali sila, because this life of mine is filled with sadness and longing for something I don't know.


"Napakaganda mo Val," puri ni Abel sakin ng salubungin niya ako sa Gate ng bahay namin.

"Di mo ako mauuto Abel."

Ngumisi siya sakin and i rolled my eyes at him at kaagad akong pumasok sa kotse niya. I'm wearing a fitted Maroon dress na backless at silver stilletos. Nakalugay din ang Wavey at mahaba kong buhok and I also put on a little makeup.

"Let's just go to Batangas, magugustuhan mo dun yung Hotel ng pinsan ko. Masarap din ang mga pagkain nila."

"Ikaw ang bahala Abel," sagot ko habang abala siya sa pagmamaneho.

Ilang minuto pa lang ang biyahe namin ay nakaidlip na agad ako dahil sa sobrang pagod ko. Ginising na lamang niya ako nang makarating na kami sa Hotel.

"Nakatingin sila sayo Val, Masyado ka kasing maganda ngayon," ngumiti siya sakin at hinawakan ako sa bewang ko.

Nag patuloy kami sa paglalakad sa lobby kahit pa nakakailang ang mga tingin ng nasa paligid namin. I can't deny that Abel is also handsome and rich, Pormal siya manamit at Neat tignan, Moreno at Very manly pero kahit marami ang nag hahabol sa kaniyang babae ay hindi ko pa nabalitaan na nag ka Girlfriend siya. Pihikan siya at masyadong Workaholic.

PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon