KABANATA 9: Changes

20 6 0
                                    

"What are you doing?"

Halos mapatalon ako dahil sa sobrang gulat ko. "Ahh. Ano, nag practice akong magluto. Dyaran!"

Nakangiti kong tinuro ang Mesa na may mga pagkain na nakahain.

"Binasa ko yung Cooking book. Hindi ako sure kung masarap yan para sayo pero pinaghirapan ko yan."

Pinaghila ko siya ng Upuan at hindi ko pinansin ang pagkunot ng Noo niya at ang iritasyon na bakas sa mukha niya.


"Why are you doing this?" aniya at seryosong nakatitig sakin.

"Wala. Diba sabi mo Ipagluto kita at Gawin ko ang mga gawain dito sa bahay mo habang dito ako nakikituloy?"

Hindi na niya ako sinagot at agad siyang naupo. Nilagyan ko ang plato niya at napabaling naman siya sakin.


"Ako na," matigas niyang sabi.

Nilapag ko ang plato at hinayaan siya katulad ng gusto niya. Pinagmasdan ko na lamang siya habang tahimik siyang kumakain.

"Masarap ba?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

Hinarap niya ako at wala parin reaksyon ang mukha."Maalat yung Omelette. Matabang naman yung Soup. Yung Adobo sakto lang," aniya.

Napawi ang ngiti ko at agad naman siyang umiwas ng tingin sakin.

"O-Okay! Wag kang mag alala. Mag pa-practice pa ako."

Bumalik ako sa sink at nilinis ang mga gamit na nagamit ko sa pagluluto. Hinintay ko na ayain niya ako na sabayan siya sa pagkain. Natapos na lang ako sa ginagawa ko pero wala parin. Nang matapos na siya ay agad din siyang tumayo at naglakad paalis. Napapikit ako ng mariin at agad iniligpit ang pinagkainan niya.

Ano ba ang problema niya sakin?

Matapos kong maghugas ng Plato ay Agad naman akong naglinis ng Sala. Pinunasan ko ang mga picture na nakadisplay at ganun na din ang ibang mga gamit na medyo maalikabok na.

"Bakit mo pinapakialaman yan?"

Inagaw niya sa kamay ko ang isang Picture Frame na may larawan ng isang Babae.

"Nililinis ko lang. Maalikabok na kas-"

"Wag mong papakialaman ang mga ito. Kapag hindi ko sinabi wag mong gagawin!" singhal niya sakin.

Kinuha niya ang basahan sa kamay ko at ibinato yun sa basurahan.



"Hindi ka nakakatulong. Hindi nakakatuwa ang mga ginagawa mo I just get more and more angry with you."



Napayuko ako at napakuyom ang kamay ko dahil sa sobrang pagpipigil. Gusto kong maiyak, Gusto ko siyang sagutin, Gusto kong itanong kung bakit ba siya nagagalit sakin. Pero hindi ko magawa dahil Natatakot akong malaman.


"P-Pasensya na-"


Agad niya akong tinalikuran at umalis sa harapan ko. Kusang tumulo ang Luha ko at pinagmasdan ang kamay kong puro paso dahil sa pagluluto ko kanina.

Bakit ko ba sinusubukan gawin ang mga gusto niya kahit alam ko na hindi naman niya napapansin ang paghihirap ko? Agad akong naglakad palabas ng bahay at naglakad-lakad sa dalampasigan habang lumulubog ang paa ko sa pino at puting buhangin. Kinuha ko ang Sanga ng kahoy na nakakalat at naupo ako sa Buhangin. Dinama ko ang hangin na humahaplos sa buhok ko at pumikit ako.


I hope the wind can ease the pain in everyone's heart. I hope the waves can wash away the sadness.


Dumilat ako at Sinulat ko sa Buhangin ang Pangalan ko.


PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon