Chapter 6: Mount Aldayon

123 7 0
                                    

Syphere's POV

"asan na yung toothbrush ko Hazel!!"

"tangina mo, anong toothbrush pinag sasabi mo, may mission tayo hindi mag ka camping gagung to"

"eh syempre pag nasa mission tayo kailangan din nating magpahinga, matulog at kumain, so kapag kumain tayo nagiging madumi yung ngipin natin, tapos kapag madumi yung ngipin masisira yun, tas pag nasira bubunutin tapos pag nabunot edi mabubungi ako! Kaya kailangan talaga natin ng toothbrush!"

Napabuntong hininga ako habang pinapanuod ang myembro ng callisto na nag hahanda sa pag punta sa bundok ng Aldayon. Nandito ako sa tinatawag nilang Room of weapons. Dito naman ay kung San sila nag hahanda sa tuwing may labang nagaganap o Di kaya may mission silang gaganapin.

"ah syphere nga pala habang wala kami maiiwan si Xylo para sanayin ka.. Makakatulong ito sayo para pabagalin ang pag kalat ng lason sa katawan mo" Napatingin ako kay Xylo na kanina pa nakasimangot at wala sa modo, kaya pala ehl

"gusto Kong sumama!! Kausapin niyo si Liezure ayaw kong maiwan dito, gusto Kong sumama sa Misyon, tiyaka mag papahinga nga si Syphere diba!?" Para siyang batang hindi pinayagang sumali sa laro ng Callisto.

"sasabihin ko to kay sir Zorous, makikita niyo!!"

Nagsitawanan naman ang myembro ng Callisto. "gusto mo samahan kita?? Eh si guro nga ang nag sabi na ikaw yung maiiwan eh"

Kumibot-kibot ang gilid ng labi ni Xylo na para bang may gustong sabihin ngunit hindi niya masabi. Tumayo nalang ito at padabog na lumabas sa silid.
Napailing nalang ang iba sa kanyang inasta.

"asan na si Liezure kanina pa yung mokong na yun ah"

Nag tatakang tanong ni Darrel na ngayun ay abala sa pag lagay ng safety gear sa kanyang katawan, akala ko nga hindi na sila gumagamit ng ganyan dahil may mga panloob na silang kapangyarihan

"we are still human, dude"

Napatingin ako sa paligid, I'm pretty sure na boses ni Xylo ang narinig, nasan na kayo ang lalaking yun.

"Syphere!!"

Nagulat ako ng kinalabit ako ni Dalia, may bulaklak sa kamay nito, pink tulip.. Hindi ito ordinaryong bulaklak dahil kumikinang ito at may nakapalibot na mga alitaptap

"charaannns this one is not a poisonous flower, ahm ano kasi ahhmm bigay ko kasi wala pala akong welcome gift para sayo noong unang linggo mo dito "

Hindi ko Alam kong kukunin ko ba ito oh tatanggihan , bigla nalang namula ang pisnge niya. Nakita ko ang ibang myembro ng Callisto na napatigil sa pag hahanda at ang iba naman ay napailing nalang

" t-thanks—"

"let's go everyone"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Liezure habang magkasalubong na naman ang kilay. Masama nito akong pinagmasdan bago si Dalia na ngayun ay pinalaho ang bulak-lak sa kanyang kamay.

Mabilis na gumalaw ang iba para hindi maiwan ni Liezure, si Dalia naman ay nag iba ang ekspresyon. Mukha itong malungkot, ibinaling nito ang kanyang tingin sa akin bago ako binigyan ng maliit na ngiti sa labi.

Phrygia Academy (BL) Where stories live. Discover now