Chapter 11

2.1K 138 25
                                    

LEO STILLED and turned his head to the other side. Hindi na nagsalita. Tamad na sumandal si Rayos sa upuan at kinuha ang cellphone niya. Saka lang niya naalala na may usapan pala sila ng kambal na sabay silang uuwi.

Vyrlle wanted to visit their Café to buy a cake. Mukhang na-miss nito ang cake na binibigay ni Leo sa kanya.

Vraiose Cay: Ion, I'm sorry! May emergency group meeting lang kami. Nagpaalam na ako kay Kuya (:

Ionvyr: Samahan mo na lang ako bukas. I'm salivating, Cay!

Vraiose Cay: Bili na lang kita? Do you want?

Ionvyr: Sure.

The next thing she did was to text their brother.

To: Kuya

I'm going to Leo's house. He's sick. Ako muna ang magbabantay habang wala pa si Ate Pisces, ikaw na ang bahala kay Daddy? I love you!

Pinatay na niya ang cellphone at itinago 'yon sa bag. She cannot afford to have an argument with her brother, lalo na at kasama niya ngayon ang magkapatid na Zodiac signs.

"Leo…" Nagulat si Rayos nang bigla na lang magsalita sa harap si Pisces. Rayos caught her looking and smiled a little. "Nitong nakaraan, sobrang tigas ng ulo niyang kapatid ko na 'yan."

Rayos cleared her throat and asked, "Bakit po ate?"

"Hindi siya lumalabas ng kwarto niya. Palaging nakaharap sa computer at nagtatrabaho and after that, mag-aaral naman. He overworked himself and that made him sick. Hindi lang 'yon, napapabayaan na rin niya ang pagkain." Pisces sighed heavily. Bagsak ang balikat nito dahil sa pag-aalala para sa kapatid.

Rayos immediately felt guilty. Maybe, kung hindi siya naging mababaw at hindi niya tinuring si Leo na karibal sa top list, siguro ay hindi nito mapapabayaan ang sarili. He won't get sick.

She wanted to say sorry again to Leo. Lumingon siya kay at nakita ito na tulog. Nakasandal ang ulo nito sa upuan pero dumudulas naman 'yon kaya nagigising ito. He massaged his nape and tried to sleep again. His head hang low, hindi rin ito makasandal sa bintana dahil possible na masaktan ito.

Umusog siya papalapit. Rayos guided his head to rest on her shoulder, it was much better than let his head hang low. Hindi niya rin tinanggal ang kamay niya sa ulo nito. Rayos was enjoying herself caressing his jaw and patting his cheek.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang makita na mas lalo pa itong sumiksik sa kanya. He even crossed his arms cutely.

"Vraiose?" Kuha ng kapatid ni Leo sa atensyon niya. Bumaling siya kay Pieces, nagtatanong ang mga mata. "If… If ever na manligaw ang kapatid ko sayo… may chance ba si Leo?"

Rayos stilled at that question. Mayroon ba? It's just a simple question but that made her shut her mouth. Bumaba ang tingin niya kay Leo na nakasandal ang ulo sa balikat niya. He's an adorable guy. He has the face and he also excelled in academic. Leo was a good catch.

"I'm sorry. I know how strict your brother is but I still asked you. Did my question make you feel uncomfortable? I am really sorry, Vraiose." Bawi agad nito. Bakas ang pagsisisi sa boses.

Mabilis siyang umiling at ngumiti.

"No, it's okay Ate. I was just thinking…" Mahinang sagot niya at lumingon ulit kay Leo.

Maybe, kung 18 na kami… I'll entertain that idea.

Her lips parted with that thought. Well, madali lang naman para sa kanya ang magustuhan si Leo. Her mind was filled of memories how gentle and caring he was towards her. Sa kanya lang.

Cay's Zodiac (Completed)Where stories live. Discover now