Wakas

487 10 13
                                    

Wakas



"Adonis, halika. May sasabihin ako sayo. "


Nilingon ko si Kuya Abraham na siyang tumawag sa akin, panandalian din akong tumigil sa pagsisibak ng kahoy.


Nilapitan ko si Kuya na mayroong malaking ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kung saan.



Napataas ang kilay ko dahil sa ngiti niyang iyon.



"Bakit, Kuya? May kailangan ka ba? " tanong ko sa nakakatanda kong kapatid.



Saglit akong tinignan ni Kuya at sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya, na siyang ginawa ko. Inakbayan niya ako at may tinuro na siyang sinundan ko naman ng tingin.



"Nakikita mo 'yong babae? " panimula ni Kuya habang nakatingin sa tinitignan niya.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung sino sa dalawa ang tinutukoy ni Kuya, pero doon ako sa babaeng maiksi ang buhok na hanggang balikat lang ang haba na may bangs napatingin.

Malaki ang ngiti sa labi niya at dahil sa ngiti niya ay lumulobo ang pisngi niya. At parang tumigil ang mundo ko habang pinagmamasdan ang babae na masayang nakikipaglaro sa mga bata at sa tabi niya ay may babae na mahaba naman ang buhok.

"Sino sa kanilang dalawa, Kuya? " mahinang tanong ko, natameme sa ganda niya.

"Yung isa, yung malapit sa ilog... " sagot ni Kuya.

Tinignan ko yung babaeng malapit sa ilog na malayo ng kaonti sa babaeng masayang nakikipaglaro sa mga bata.

Bahagyang nangunot ang noo ko. "Bakit, Kuya? Anong meron sa kaniya? " tanong ko sa nakakatanda kong kapatid na nakangiti pa rin hanggang ngayon ng malaki.

Tinitignan ko ang nakakatanda kong kapatid. Bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba nang makita ang kinang sa mga mata niya habang nakatingin doon sa babae.

"Siya si Faith, magiging girlfriend ko iyan balang araw! " puno ng kumpiyansa sa sarili niyang sambit.

"Kuya, kahit pa man na maging girlfriend mo ang babaeng iyan ay hindi rin magiging kayo sa huli. Dahil isa siyang Bilarmino, hindi kaba natatakot kay Don Remus at sa anak niyang si Senyora Maureen Solicia? " tanong ko bigla sa kapatid ko at muling ibinalik ang tingin sa babaeng hanggang balikat lang ang haba ng buhok.

Tumatawa ito habang hinahabol pa rin ang mga bata. Parang bumabagal ang ikot ng mundo ko habang pinagmamasdan ko siya. At hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin.

Sino kaya siya? Ano kaya ang pangalan niya? Isa rin kaya siyang Bilarmino?

Natigilan ako. Kung isa siyang Bilarmino ay hindi maaring ligawan ang isang katulad niya ng isang mahirap na katulad ko.

Natigilan akong muli. Teka, bakit ko naman naisip iyon?

"Alam mo, Adonis. Kapag nag mahal ka, huwag kang matakot. Dahil kung mararamdaman mo ang takot, ang ibig sabihin lang no'n ay mahina ka, duwag ka. " sabi ni Kuya at sumandal sa puno habang hindi pa din iniiwas ang tingin dun sa babaeng nag ngangalang Faith.

"Bakit, Kuya. Nagmahal kana ba? " tanong ko na ikinatigil nito.

Maya maya ay bigla niya akong tinignan at maliit na nginitian.

"Magmamahal palang, kapatid, " natatawang litaniya nito bago ako iniwan.

Hindi ko masiyadong pinagtuonan ng pansin ang mga katagang binitawan ng kapatid ko.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon