Chapter 4: Why?

14 1 0
                                    

Chapter 4: Why?


*incoming call Mom*


"hello ma-"


[Oh my. Thanks God at sinagot mo na ang phone mo. Alam mo bang kanina pa kita tinatawagan?. Nag aalala na ako sayo. Gabi na hindi ka pa umuuwi! Teka? Bakit ang ingay jan?. asan k aba? JEN!]


"mom. Calm down." Shit patay. Nakalimutan kong lumabas ng bar . "ahm ah-ano.. nandito po ako sa bahay ng classmate ko mi. may party sa kanila. Sorry hindi po ako nakapagtext kaagad. N-nalowbat po kasi yung phone ko eh" liar. Liar. Liar Jen


[oh okay. Sino mga kasama mo dyan?. Nagdinner ka na ba? Anong oras ka uuwi?. Paano ka uuwi? Ipapasundo ba- ]


"mom." I called to cut her off "Mom. I said calm down. Ang OA nyo na naman eh."


[*sigh* Im just worried. Atleast tell me kung sino yung kasama mo. At kung anong oras ka uuwi.]


Lumingon lingon ako sa paligid para tignan kung may kakilala man ako dito. Pero shit.. "ahm ano. Mommy. Kasama ko po si........ Mariano".

Natanaw ko kasi sya sa may stage nung bar. Anong ginagawa nya dito?


[okay okay. Buti naman at sya ang kasama mo. Take care baby. Uwi ng maaga huh. Love you bye.] she said then hang up.


Pumasok na ulit ako sa acoustic bar na pinanggalingan ko bago tumawag si mommy. Umupo na ako ulit sa table ko kanina at agad na ininom ang cocktail na inorder ko. minor pa ako at hindi pa ako pwedeng uminom ng alcohol. Open to all ages ang acoustic bar na to. Hindi nga lang sila nagseserve ng alcoholic beverage sa mga minors kasi nga bawal. Hindi din naman kasi ako alcoholic na tao. Sadyang depress lang talaga ako ngayon. Maraming nakakakilala sakin dito sa bar pero wala na akong pakialam.


Simula nung nangyari kanina sa school sigurado akong iba na ang tingin sakin ng mga studyante. At wala na din akong pakialam kung magugustuhan pa nila ako o hindi. Dahil simula ngayon magpapakatotoo na ako sa kanila. Wala na yung Jen na perfect sa paningin nila. Nakakapagod na din.

"last song na to. At ito ay para sa mga umiiyak na naman."

Napatingin agad ako sa stage. Halos mapatalon ako nung nakita ko syang tumingin din sakin pabalik. Nagtititigan lang kami hanggang sa magstrum na sya ng gitara nya.

Umiiyak ka na naman


Pagkasabi nya ng unang line nung kanta agad akong napayuko at automatic naman yung kamay ko sa pagpunas ng pisngi ko. umiiyak pala ako.


Langya talaga wala ka bang ibang alam

Namumugtong mga mata

Hanggang kailan kaya ikaw magsasawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just For A SecondWhere stories live. Discover now