Chapter 1: Weird Stranger

28 5 0
                                    

Chapter 1: Weird Stranger

"Jerick?"

Tawag ko sa lalaking nakatalikod sakin na may kasamang malanding babae na kung makalingkis sa braso nya ay wagas.

Sabi na nga ba eh..

"Jhen? What are you doing here?" halos mamutla ang kanyang mukha nang humarap sya sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay. "huh? bakit? masama na ba pumunta ng mall?"

"ahh.. ehh.. hindi naman.. kasi.. ano--"

Hindi na nya ntapos ang sasabihin nya ng hinihila na sya ung malanding babae na kasama nya. "babe! tara na... dun tayo sa--- uhh-ohh"

Sinamaan ko silang dalawa ng tingin at tumalikod na para umalis. Ngunit bigla nyang hinila ang braso ko paharap.

"ohh.. let me explain.. mali ka ng iniisip Jh--"

*slap*

"explain mo your face! magsama kayong dalawa!"

Tumakbo na agad ako palabas ng mall dahil hindi ko na kaya ang atmosphere doon. At isa pa. ayokong dagdagan ang kahihiyan ko. Tama na yung kanina.

"Jen! wait, hindi kita niloloko.. makinig ka naman sakin ohh.. wait lang"

hindi ko na inintindi yung sinabi nya. Mas lalo ko na lang binilisan ang pagtakbo ko. Ayoko silang makita. Ayokong marinig ang paliwanag nila na puro kasinungalingan lang naman.

pumunta ako sa  park. naupo lang ako sa damuhan sa ilalim ng puno. doon ko iniyak lahat. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena pero umiiyak parin ako.

"*sniff*..... nakakainis. Nagpakatanga na naman ako... aaaaishh.. nakakainis .. nakakainis.. nakakainiss.!. *sniff*" umiyak lang ako doon. Okay lang kahit magmukha na akong baliw. Wala namang tao ehh.

"kawawa ka naman.... siguro niloko ka ng boyfriend mo no?"

Sa sobrang emo ko. Hindi ko napansin na may tumabi sakin.

Pshhh sino ba toh?? Chismoso..  bigla na lang tumabi sakin na di ko naman kilala -__-  di ko sya pinansin..... sumubsob na lang ako ulit sa tuhod ko...

"miss oh"  sabi nya sabay abot sakin ng panyo.

"Para saan toh?"

"Para kainin mo.. syempre pampunas ng luha mo umiiyak ka ehh. Pshhh -__-"

Hindi na ako sumagot humarap na lang ako sa kabilang side ng bench para di nya ako makita. Pilosopo ehh nakaka badtrip.

"Hayyy.... ano bang problema nyong mga babae?. Lagi na lang kayong ganyan pag broken hearted kayo."

"Hindi ako broken hearted" hindi nga ba?

Hindi na sya nagsalita pa.. mga ilang minuto din ng katahimikan. Akala ko nga umalis na.

Huminga sya ng malalim pagkatapos ay iniharap nya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Iniwan nya yung panyo nya sa kamay ko at tumakbo na palayo...

Anyare dun?.

Hahabulin ko pa sana sya.. pero biglang nagvibrate ang cellphone ko.

*1 new message receive*

From: Jerick lololoves

(Pshh ko pa pala napapalipan pangalan nya -__-)

Lets meet. We have to talk.

-end

********************

"Lets break up" he said without even looking.

"okay" I answered as I glance at him coldly. Then tumalikod na ako at naglakad palayo.

"so ganun na lang kadali yon?.. 'okay' lang ang isasagot mo sakin?"

"Ano gusto mong sabihin ko?. Mag makaawa ako sayo? Lumuhod ako sa harap mo at sabihin na wag makipagbreak ganun ba?" Sagot ko.

"Hindi yun ang pinopoint out ko. I was exp--"

"Expecting what? Nag maghahabol ako sayo? Wag ka ng magpaliwanag. Nakipagbreak ka na diba?. Wala ng balikan. Tapos ang usapan". Inirapan ko sya at tumalikod na ulit para umalis.

"Tskk. Fine!! Sige tapos kung tapos" he said with an angry tone. Aba. Sya na nga tong nakikipagbreak. Sya pa tong galit?.. ibang klase talaga.

"Yan naman ang gusto mo diba?.. sige lang.. its a free country you can do what you want. Marami namang iba jan. Hindi ka kawalan".

Bumalik na lang ako ulit dun sa favorite spot ko kanina. Andito pa din ako sa park.

Nakaupo ako sa damuhan katabi ng puno. Nakatingin lang ako sa kawalan habang yakap ko ang tuhod ko.

nakatingin ako sa malayo. Parang nagflashback lahat sa utak ko. Ewan. Di ko maprocess lahat ng nangyare kanina. Una nahuli ko syang may kasamang ibang babae. Tapos di ko lang hinayaang magpaliwanag nakipagbreak agad. Sya pa yung galit?.. pshh hayaan na nga.., sanay naman na ako..

Nanatili lang ako sa ganoong pwesto. Naramdaman ko din na may tumulo na namng luha sa mata ko. Pero wala akong pakialam. Iiyak muna ko ngayon. Last na talaga toh promise..

"Lagi ka na lang bang iiyak?"

Halos mapatalon ako ng may magsalita sa likuran ko. "Ano bang pakialam mo--- ikaw na naman?" pshh sya din kasi yung lalaki kanina na nagbigay ng panyo.

"Ohyeaah beybeeh.. gwapo ko talaga.. miss mo ko??" Sabi nya sabay taas baba ng kilay. Pshhhh anong konek..??. Wireless..

Tinignan ko na lang sya ng masama at dumukmo na ulit. Stalker ko yata toh ehh

"Oy oy.!! Di ako stalker ahh.. sa gwapo kong toh?. Nahiya naman ako. Tsk"

-___-

Mind reader ba sya,?..

"Hephep!.. hindi rin ako mind reader!.. nahiya ang kagwapuhan ko"

-__-

"Tssk pwede ba.. kung wala kang magawa sa buhay mo. Lumayas ka dito. Tsaka pwede ba?.. bwasbwasan mo naman syang hangin mo sa katawan. Kilabutan ka nga pshh"

-_________-

Hindi na sya nagsimula ulit. Hayyy salamat naman tahimik na buhay ko.

"Alam mo?. Ang stupid ng boyfriend mo. Lagi kang pinapaiyak eh."

"ano bang pake mo ha?"

"wala naman. ayoko lang makakita ng taong malungkot. kasi gusto kong makita nila kung gaano kasaya ang mundo. dapat hindi na umiiyak. dapat lagi na lang masaya kasi maikli lang ang buhay natin. sayang naman kung iiyak at malulungkot na lang tayo lagi diba? LIS nga diba? Life Is short. YOLO. You Only Live Once. kaya dapat ESB tayo. Enjoy sa buhay" he said.... then left

weird.... really.... 

weird stranger.

Just For A SecondWhere stories live. Discover now