Akihiro Santos is the Son of Mayor Tony Santos., Maliban don tinagurian din siyang The Block Ship Child nang Santos Family. Nang dumating si SPO1 Willy Perez sa buhay ni Akihiro, Biglang nabago ang lahat ,Pero papaano kung matuklasan ni akihiro ang...
Mga isang oras nang nakababad sa tubig si allen. Tiningnan ko ang orasan ko Mag a alas tres na nang hapon. Medyo dumilim pa yung kalangitan at kumikidlat kidlat pa. Hinde pwede na ma abutan kami ng ulan dito sa Dahil napakahirap bumaba ng gubat kung saan naroon ang kotse ni allen.
"Allen, Umahon kana dyan..Makulimlim na baka abutan tayo ng ulan dito" Sabi ko sa kanya
Pero hinde nagpatinag itong si allen
"Ayos lang yan, Ang sarap nga maligo pag umuulan eh " sabi lang niya, Hinde ko man lang maramdaman yung pagkabahala nito
"Hinde pede, Baka hinde tayo makababa,Ang hirap makababa ng gubat pag basa ang lupa,Umahon kana dyan !" Pamimilit ko
Isa isa kung kinuha sa lupa yung mga hinubad niya sa katawan.
"Magbihis kana, Bilisan mo" mariin kung sabi
"Haist ang kill jay naman nito " inis niyang sabi sakin
Agad akong tumalikod pagka ahon niya sa tubig. Kahit parehas kaming lalake, Ako ang nahihiya para sa kanya na naka expose ang hubad niyang katawan
Ilang saglit lang, Biglang lumakas yung buhos ng ulan na my kasamang malakas na hangin.
"Yari my bagyo ata.. " sabi ko sa sarile ko .
Agad kung binalingan si allen, Na abutan ko syang sinusuot na niya yung sapatos na puno ng dumi dahil sa putik.
"Halika na,Bilisan mo Mukhang my bagyong paparating " tarantang kung sabi sa kanya
"Heto na nga o.. " sabi niya.. Dali dali kaming naglakad ni allen palayo na sa water falls
Mga thirty minutes pa naman ang kailangan naming lakarin bago kami makalabas dito sa gubat at makababa na sa borol
Habang tinatahak na namin ang daan palabas. Mas lalong lumalakas yung hangin at buhos ng ulan.
"Naku hinde tayo makaka baba na nito, Masyadong dilikado ang pababa ng borol"
Sabi ko nang makita ko yung daanan pababa , masyado nang malambot yung lupa at delikado nang daanan.
Tumingin sakin si allen " Hinde ba tayo pwedeng bumaba parin ,Kahit magdahan dahan lang tayo?"