Chapter 35

6K 106 14
                                    

A/N: PLEAAAASE READ THIS NOTE. IMPORTANTE LANG.

Itong chapter na 'to ay mahaba at boring pero andito lahat ng kailangan nating malaman para makumpleto ang kuwento. Explanation 'to sa mga sikretong tinatago ng pamilya ni Arci kaya please basahin niyoooo. Okay lang mainip pero basahin niyooo. Hihi. Thankyou sa support!! Konting kembot na lang, matatapos naaa.

________

Arci's POV



Nakahinga rin kami sa wakas ng maluwag ni Kamille nung makaalis si Dad pero hanggang ngayon, wala pa rin kaming alam sa kung anong binabalak niya.



Higit kumulang isa't kalahating oras pa ang natitira bago niya kami ipasundo at dalhin sa conference room kaya naman gianawa namin ang bagay na dapat lang talagang ginagawa sa isang party: ang mag enjoy.



Lumipat kami sa table nila Kara at andun nga ang buong barkada. Sobrang dami nang nagbago sa bawat isa. Nakakatuwang isipin na after five years, lahat kami ngayon ay successful na sa kanya-kanyang profession.



"Ang tagal nating di nabuo ah." Sabi ni Kel.



"Yung isa kasi diyan, bigla nalang nawala parang bula..." Singit ni Remi sabay tingin sa akin na para bang pinapatay niya ako ng paulit-ulit.



"Ehh, sorry na kaseeee. Alam naman nating lahat na wala akong magawa para suwayin sila noon." Sabi ko na napakamot sa ulo. Totoo naman kase ehh. -__-



"Oo na.. Hmm, enjoyin nalang natin 'tong moment na 'to. Tutal andito naman na tayo lahat at mukha namang ngayon kaya na natin ang mga sarili natin." Sabi ni Kara.



"Okayy.. I would like to propose a toast for our Nicolai, the new president of Rivera and Associates and of course for us being complete. I missed you guys a lot." Sabi ni Kel raising her glass.



"To Nicolai and to being complete." We all raised our glasses and clinked them against each other.



Nang matapos ang mga formalities at awkwardness na medyo nabuo sa loob ng ilang taon, para kaming mga bumalik sa pagiging bata.



"Alam niyo, dapat i-celebrate pa rin natin 'yung anniversary natin kahit na lagpas na..." Sabi ni Ricci.



Lahat naman ay nag-agree. Nag se-set na nga ng date eh. Kung sigurado lang sana ako sa mga mangyayare ngayong gabi, siguro nagyaya na akong umalis. Haha. Sobra ko silang namiss eh.

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now