VIII

120 35 7
                                    

Chapter 8//

LEONA

Nagising ako sa sahig na katapat ng pinto. Napakasakit ng buong katawan ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang panginginig ng buto ko dahil sa nangyari kanina. Natakot ako kanina pagkatapos kong mabasa ang iniwan niyang mensahe sa aken at ng malaman kong nakuha na niya ako at ikinulong dito sa kwartong 'to. Dali-dali akong tumakbo kanina sa pintuan para buksan ito at subukang tumakas pero nagulat ako at nataranta ng sa paghawak ko sa doorknob ay malakas na boltahe ang una kong naramdaman at sa lakas nun ay bumagsak ako at halos himatayin. May kuryente ang pinto.

Nasaktan man ay sinubukan kong tumayo at inilinga-linga ko ang paningin ko pero mukhang walang bagay na makakatulong sa akin para makalabas sa kwartong ito. Kung sino man ang kumuha sa akin dito ay siguradong pinag-isipan niyang mabuti ang pagkakagawa sa kulungang ito.

Di ko maiwasang mapaluha pag naiisip kong nakuha na niya ako. Ano kayang mangyayari sa akin dito? Dito na ba ako mamamatay tulad ng naunang inimbitahan? Kumusta kaya sila Jessa at Paul pati na rin si Mama? Siguradong nag aalala na sila saken at naghahanap... Mama.

Naisip ko si Mama at kahit paano'y nagkaroon ako ng pag-asa. Pumikit ako at huminga ng malalim. Pinilit kong tanggalin ang takot ko. Naisip kong dapat ay maging matatag ako. Dapat ay maging matapang ako dahil sigurado akong sandali lang ay mahahanap din nila ako... Paul. Dapat ay maging positibo ako. Malaki ang tiwala ko sa salita niya. Mahahanap niya ako, at dapat ay buhay ako oras na mangyari yun. Tumayo ako at nilibot ang buong kwarto. Halos sampung minuto na akong nag-iikot at naghahanap ng ppweedeng magamet pero nabigo ako. Nag-isip akong mabuti kung paano makakalabas dito. Pero nagulat ako at nawala ang mga iniisip ko ng may sumigaw sa kabila ng pader na kinalalagyan ko.

"TUUULOOOONG!! Palabasin niyo ako dito!! Tulooong! Nagmamakaawa ako sa inyo. Pakawalan niyo akooo!!!!" Sigaw ng isang babae habang umiiyak at kinakalampag ang pader. Sa pag-aalala ko ay dali-dali ako at lumapit sa pader atsaka kumatok din at nagsalita.

"Jusko miss! Miss may tao dito!! Anong nangyayari diyan?! Miss!" Pasigaw kong tanong.

"Juskoo salamat! Kung sino ka man tulungan mo kong makalabas dito nakikiusapp ako sayo palabasin mo akko dito. Wala akong kasalanan sa inyo. Palayain niyo na ako dito" pasigaw niyang pagmamakaawa.

"Miss, huminahon ka. Nakakulong din ako dito! Pareho lang tayong ikinulong dito. Isa ka rin ba sa inimbitahan niya? Huminahon ka lang" pagpapahinahon ko sa kanya.

"I-big sabihin ay hindi lang ako ang nakakulong dito? Jusko pano tayo makakalabas dito?" Natataranta niyang tanong.

"Huminahon ka lang. Makakaisip din tayo ng paraan para makalabas dito. Humihon ka lang. Sabihin mo, inimbitahan ka rin ba niya? Paano ka napunta dito?" Tanong ko habang pinapakalma siya.

"I-inimbitahan? Anong ibig mong sabihin? Wala akong alam sa sinasabi mong imbitasyon. Ang huli ko lang na natatandaan ay nasa party ako ng school namin. Tapos namatay ang ilaw. T-tapos may putok ng baril. Nagtakbuhan kami ng ilan sa mga kasama ko pero may humila saken t-tapos.. t-tapos.." bigla siyang humagulgol habang nagkekwento. "M-may humila sa akin at bigla na lang tinakpan ang ilong ko at ilang sandali pa ay nakatulog na ko. P-pagkagising ko nandito na ko" umiiyak niyang paliwanag. Teka, hindi niya alam ang tungkol sa imbitasyon?

"Nandun ka rin sa grand ball? A-anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"K-kathy po. K-kathy Kebekeng" pautal niyang sagot.

"O-okay Kathy, humimahon ka muna. Ako ito, si Leona, ang President ng student council. Sabi mo ay hindi mo alam ang tungkol sa imbitasyon? Panong nangyaring nandito ka? Wala bang nagpadala sayo ng mensahe o kahit na anong pag imbita sayo?" Nagtatakang tanong ko.

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon