XVI

80 17 0
                                    

Chapter 16//

Third Person's POV

"Finally! Gising ka na!" Wika ng binatang si Kearl matapos idilat ni Jona ang mata nito. Ngunit iba ang reaksyon ni Jona sa pagkakita sa binata.

"AAAAHHHH! Lumayo ka saken! Kuya tulong!" Sigaw ni Jona habang gumagapang palayo sa binata at nakapikit. Umurong siya ng umurong at natadyakan niya sa mukha ang binata.

"Aray!" Yun lang ang naidaing ng binata at tuluyan nang bumagsak ito ng padapa.

Napansin ni Jona na wala ng nagsasalita kaya't idinilat niya ang mata niya. Nakita niya ang nakasubsob na binata sa sahig. Natakot siya at tatakbo na sana pero napahinto siya ng mapansin kung nasaan siya. Nasa loob siya ng isa nanamang kwarto.

Napansin niyang hindi na gumagalaw ang binatang si Kearl kaya't sasamantalahin na niya ang pagtakas. Diri-diretso siya sa pinto. Hahawakan na niya sana ang doorknob. Isang daliri pa lang ang dumampi sa doorknob pero naramdaman na niya ang kuryente. Napasigaw siya sa gulat. Nagbalik nanaman yung kuryente sa pinto. P-pano ako ngayon makakalabas dito? Napatingin siya sa binatang nakasubsob. Hindi ako pwedeng makulong kasama ang isang to sa kwartong to. Kinalampag niya ng kinalampag ang pinto at inaasahang marinig siya ng kuya niya.

"Kuyaaaaaa!! Tulungaaan mo ako! Kuuyyaaaa!" Ngunit wala siyang magawa. Bwisit.

Napaupo ang dalaga at sumandal sa pader. Nakatitig lang siya sa binatang hindi na gumagalaw. Gusto ko ng makalabas dito.

Napakatahimik sa loob ng kwarto na iyon. Dahan-dahang iniangat ni Jona ang ulo niya. Napansin niya ang binatang si Kearl na hindi parin gumagalaw. Simula nang nasipa niya ito ay hindi na ito gumalaw pa. Kinabahan ang dalaga. H-hala? H-hindi na siya gumagalaw. B-baka patay na. Natatakot man ay nilapitan niya ang walang malay na si Kearl. At natatakot man sa binata, walang dalawang-isip niyang sinipa-sipa ito.

"Hooy! G-gising!"  wika ng dalaga ngunit wala paring reaksyon na ginawa si Kearl. Iginulong niya ang binata para mapahiga at napansin niyang puno ito ng sugat. Marahil ay dahil sa pagbuno nila bago mamatay ang ilaw. Hindi niya alam ang gagawin. Tinapik-tapik niya ito para dumilat ngunit wala pa rin. Sinubukan niyang ilagay ang kamay niya sa leeg para i-check ang paghinga nito. Positive. Iniyugyog niyang muli ang binata. "Gumising kana!" Sandali pa at napansin niyang gumagalaw na ang talukap nito sa mata.

"H-hhhhhiiindihh a-aakoohh m-makahhingaaahh!" Hirap na wika ng binata at nagsimulang hawakan ang dibdib at maghagilap sa hangin. Nataranta naman si Jona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"P-pano ang g-gagawin ko?" Natatarantang wika ng dalaga. Sumenyas naman ang binata na himasin ang dibdib niya at nakuha naman ito ng dalaga kaya't hinimas niya ito. "G-ganto b-ba?" Tanong nito. Habang hinihimas ng dalaga ang dibdib ni Kearl ay pinatong naman ng binata ang kamay niya sa kamay nito na pinanghihimas. Sandali pa ay napansin ng dalaga na lalong nahirapan sa paghinga ang binata kaya't lalo siyang nataranta.

"Hhhiiihhh!" Sabi ni Kearl na hirap huminga.

"P-pano ba 'to?" Natataranta na ang dalaga at hindi na niya alam ang gagawin. Napansin niyang may gustong sabihin si Kearl kahit hirap na magsalita.

"Y-yaaahhhkhhaap!" Ma-H na wika nito dahil sa hirap magsalita.

"A-ano?" Hindi narinig ng dalaga ang sinabi dahil mahina ito.

"Y-yaaahhhkhhaap!" Pag-ulit ng binata at ibinuka ang dalawang braso. Na-gets naman ng dalaga ito kaya't tinulungan niya itong umupo atsaka niyakap. Yumakap din ang binata at napakahigpit nito. Nagtataka ang dalaga na paanong makakatulong ang pagyakap sa sitwasyon nila. Ilang segundo din sila sa ganung pwesto. At nararamdaman ni Jona ang hirap na paghinga ng binata. Sandali pa ay lalo itong nahirapan sa paghinga. Lalong humigpit ang yakap nito sa dalaga. P-pano ba 'to? A-ano bang nangyayari? Naguguluhan na ang dalaga kaya't hinimas na lang niya ang likod ni Kearl. Maya-maya pa ay may ibinulong ang hirap na binata kay Jona.

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon