66

61 5 3
                                    

"Si Jay?" I unconsciously asked Jiro the first thing after I arrived at the broadcasting room that morning. Kinakailangan pa kasi naming mag-attendance bago dumiretso sa events ng festival, for some reason.

"Wala man lang hi or hello, ah? Nagtanong agad." Biro niya na huli ko nang napagtanto. "Wala. Hindi pa dumadating 'yong kaklase mo." He answered, putting an emphasis on his last words.

"Oh, okay.." I nodded as I smiled a little.

I tried checking my phone to see if I got any text from the person I was looking for. Jay usually sends me morning texts no matter how early or late he wakes up. Surprisingly, wala pa rin. Medyo nagtaka tuloy ako doon habang tinatahak ang daan palabas sa broadcasting room. Inisip ko na lang na baka tulog pa rin siya hanggang ngayon, which is understandable naman since nakakapagod ang mga activities niya lately and he surely didn't get enough sleep.

I just decided to go to the gym since opening ng sports fest ngayon at halos lahat ng estudyante ay maagang nangagsipunta doon. My friends are already there as well and they saved me a seat on the bleachers. Hindi naman ako totally interested na manood ng opening pero wala rin naman akong mapupuntahan sa ngayon. From what I saw in our group chat, halos mapuno na nga ang gym kahit matagal pa bago mag-start ang program.

"Saan ka na?" Sunhee asked me over the phone.

"Papunta na rin ako. Dumaan lang muna ako saglit sa broadcasting." Sagot ko sa kanya. Aniya'y baka daw maagawan pa ako ng upuan, though I don't really mind if gano'n nga ang mangyari. But of course, I appreciate their concern.

Nahanap ko rin naman sila agad kahit sa karamihan ng tao. Mabuti na lang at hindi pa ganoon ka-crowded sa seat section na napili nila.

"Ano ba 'yan? Para na tayong manonood ng concert nito!" Hana said after taking a picture of the crowd and venue to post on her socials.

"Ang aga pa pero puno na agad, 'no?" Marahan kong komento at pinasadahan ulit ng tingin ang buong gym.

"Wala, eh. Alipin ng mga pogi." Natatawang sinabi ni Sunhee. "Pero ganito talaga kapag sports event. Tuned in lahat! Ang alam ko nga, they'll air some of the games live on television again. For try-out purposes siguro sa mga big universities pagdating ng college." Pahayag pa niya.

Tumango-tango lang ako doon at pasimpleng namangha. I didn't know that this can happen in real life. I mean, 'yong masasaksihan ko talaga. Kasi wala rin naman akong alam na sports, except chess. So wala rin akong ideya sa rules and regulations ng mga panonoorin naming game. However, I believe it's going to be fun.

"Nando'n nga pala sa bandang harapan 'yong mga kaklase natin. But I chose this spot so I can get wider view of the place. Alam mo na!" Mayamaya ay sinabi ni Hana habang natatawa.

Sinundan ko nang tingin ang itinuro niyang lugar. I immediately saw my classmates holding some balloons and banners, probably to support the representatives from our section. I smiled a bit because they seem really dedicated and having fun.

While I was looking at them, I suddenly saw a familiar face blending in the crowd. Hindi ko agad siya napansin kanina dahil nasa likuran siya at wala masyadong reaksyon sa mga nangyayari. He's just smiling there as he watch our classmates do questionable stuff.

"Hindi ba kasali si Jay sa badminton this year?" Tanong ni Sunhee kay Hana. Nasa gitna nila akong dalawa ngayon kaya halos nakaharap sila sa akin habang nag-uusap.

"Champion na siya last year, right? Baka hindi na muna. Alam mo naman 'yon.. trippings. Maisipan lang." Natatawang sagot ni Hana.

I couldn't pay attention to what they're talking about because I just keep on staring at him, smiling happily with our classmates down there. So he's here already? Nauna siya? Anong oras kaya siya pumasok at bakit hindi man lang niya 'yon pinaalam sa akin? Wala rin siyang kahit anong text ngayong umaga.

I gulped hard as I look away. It shouldn't be a big deal but I don't know why I suddenly feel so bothered about it. I mean, I never cared about situations like this before. Ngayon pa lang yata. And I didn't expect that I'm reacting this way over something that's so petty.

My god, Yerim! Wala ka lang natanggap na 'good morning', nagkakaganyan ka na? Girl?

Mayamaya ay nagsimula na rin ang opening ng sports fest. Mayroong torch lighting, cheerdance, players' runway, and etc. It was really fun, actually. The whole venue was filled with loud cheers from the students. At na-enjoy ko din naman 'yon nang sobra kahit na may mga gumugulo sa isipan ko paminsan.

"Punta lang muna ako sa broadcasting. I'll just help them with something." Paalam ko sa mga kaibigan ko pagkatapos ng program. Basketball ang first game ngayon dito sa gym at sa tanghali naman ay volleyball. Ang ibang sports ay may kanya-kanya ring lugar kung saan gaganapin at karamihan ay sa field.

"Hindi ka talaga mahilig sa pogi, Yerim!" Biro pa ng mga kaibigan ko na nakiki-cheer din para sa ibang section kung saan sila may matipuhan.

Natawa na lang ako doon at dumiretso na din sa exit ng gym.

Nabasa ko lang sa group chat ng broadcasting na may mga ilang pahabol na gagawin pero hindi naman 'yon gano'n kadami. But still, I decided to go there in case they need extra help. Also, I'm starting to feel anxious because of the loud crowd in the gym. Siguro ay dahil hindi ako sanay sa gano'n. I guess, that's just me.

I bought iced coffee sa isang booth before going to the broadcasting room. Si Jiro pa rin ang nadatnan ko doon kaya nagdire-diretso na ako sa long table. He was typing something on his laptop at saglit lang siyang nag-angat ng tingin nang pumasok ako sa pinto pagkatapos ay nagpatuloy lang sa ginagawa.

"Aren't you going to watch the games or visit some booths?" Tanong ko. As one of the leaders of our club, I always notice how he's always piled up with tasks and activities.

"Wala akong time masyado, eh. And okay lang naman. Sawa na rin siguro ako." Sagot niya at awkward na tumawa.

"Where are the others? Akala ko magkakasama kayo dito. I went here to help if there's anything I could do.." I said as I gulp on my drink.

"They went outside to visit the booths and 'yong iba yata manonood ng basketball. Ikaw pala? Hindi ka manonood do'n?" Sabi pa niya na agad ko lang inilingan. "Don't worry, patapos na rin naman 'tong mga ginagawa ko. I guess, I wouldn't need any help na. You can go and enjoy." He sounded like he was really convincing me to go.

"Okay lang. Dito na lang muna ako. Ang daming tao kasi.." I said matter-of-factly. He just smiled for some reason as he continue what he's doing.

Nag-try na lang ako na makatulong sa kanya sa kahit simpleng paraan lang. Inayos ko 'yong mga printouts niya and pinag-attach ko na lang din siya. Parang medyo nakaramdam pa nga ako ng awa sa kanya dahil hindi niya masyadong ma-enjoy 'yong school fest dahil kailangan niya pa ring i-monitor 'yong flow ng schedules in case magkaroon ng changes. Siya rin mostly sa paper works.

"Don't you wanna visit the booths outside?" Sa gitna nang katahimikan ay tanong ko.

"Uh.. not really. Pero mayro'n akong biniling ticket sa movie booth. May gusto lang kasi akong panoorin. Kaya lang pa-expire na kasi 'to kasi hindi ako naka-visit kahapon. Medyo madami lang ginawa." Sabi niya at alanganing tumawa.

"Expire?" I asked again.

"Yeah. Mae-expire 'yong ticket within one day. So itong ticket ko, wala na 'to by eleven o'clock." Paliwanag niya doon.

"Gusto mong panoorin ngayon? Samahan kita, maaga pa naman." Pag-alok ko.

Halata ang gulat sa mukha niya. Parang gusto pa niyang ipaulit sa akin ang sinabi ko dahil hindi siya makapaniwala.

"Hindi naman siguro magagalit si Jay, 'di ba?" Tipid niyang komento. Hindi agad ako nakapagsalita doon. Why would he be mad, though? I mean, what's something to be mad about? "Magpaalam ka muna." Mas lalo akong hindi nakapag-react dahil sa idinugtong niya.

"Weird." I just said as my brows furrowed.

Collide / [Park Jay]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon