Chapter Three

3.7K 78 10
                                    


With a horrified gasp, kumalas si Janis sa pagkakayakap ni Dave sa kanya at nilingon ang pinanggalingan ng tinig. Its insolent arrogance immediately recognizable.

"R-Rolf..." Halos hindi lumabas sa lalamunan niya ang tinig. Sa entryway ng kusina at pantry room ay nakahilig si Rolf, ang isang kamay ay nasa loob ng pantalong maong.

"My lovely wife... and my father's managing director. What a sight to behold," sarkastikong sabi nito.

"Matagal kang nawala, Rolf. Hindi na sa iyo si Janis," Dave declared boldly, wala kahit na kaunting remorse sa tinig.

"Really?" wika nito na umangat ang mga kilay at pagkatapos ay pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Natulos sa kinatatayuan si Janis. Magkahalong emosyon ang sabay-sabay na umahon sa dibdib niya. Pero hindi kabilang doon ang guilt dahil wala siyang ginagawang masama at hindi niya kagagawan ang hindi magandang tagpong inabutan ni Rolf.

Sa halip ang sama-samang pumupuno sa dibdib niya'y pagkabigla sa walang-abisong pagdating ng asawa; kalituhan sa sinabi lang ni Dave dito; at takot. Takot na unti-unting namumuo sa dibdib niya.

Hinawakan siya ni Dave sa braso. "Tayo na sa labas, Janis," utos nito.

"Don't push your luck, Dave," Rolf warned dangerously. "Hindi ko gustong magkaroon ng eskandalo sa anniversary party ng mga magulang ko. Iyon lang ang dahilan kung bakit nakatayo ka pa."

Napasinghap si Janis. Gumapang ang takot sa katawan niya. Siya na mismo ang nagpakawala sa sariling braso mula sa pagkakahawak ni Dave. Nakikita niya ang namumuong galit sa mga mata ng asawa na tinatakpan lang ng mahinahong tinig. She believed Rolf was capable of physical harm.

Inihakbang niya ang mga paang tila may nakakadenang bakal palapit kay Rolf. Pagkatapos ng dalawang hakbang ay napahinto siya. Hindi niya matiyak ang susunod na ikikilos. Sa halip ay hinagod niya ng tingin ang mukha nito. Hinahanapan niya iyon ng pagbabago sa nakalipas na tatlong taon at kalahating nawala ito sa paningin niya.

He was darker. Tila isa na itong Arabiano sa kulay ng balat. And his face was leaner and more uncompromising than before. At nangingitim ang paligid niyon sa ilang araw na stubble.

Sa tig-isang sulok ng naniningkit nitong mga mata ay ang mga pinong linya. He must be thirty-four now and handsomer than ever, with the more rugged overtones.

"Puwede ka nang lumabas, Sandoval," utos ni Rolf, ang malumanay na tinig ay mapanlinlang. His eyes were like daggers. At nanatili ang mga iyong nakatuon sa namumutlang mukha ni Janis.

Tumiim ang mga bagang ni Dave at nilinga siya. "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong matakot, Janis. Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa iyo. You don't need a long-distance husband. Lalong hindi kailangan ng anak mo ang isang amang sa loob ng mahigit tatlong taon ay ngayon lang makikita."

Pagkasabi niyo'y tumalikod na ito at nilampasan si Rolf.

Hindi pa ito gaanong nakalalayo nang humakbang palapit sa kanya si Rolf. Marahas siya nitong hinawakan sa mga balikat. "You bitch!" he muttered savagely. Ang mga daliri nito'y halos bumaon sa laman niya. "Hindi iyan ang inaasahan kong pagsalubong sa akin mula sa iyo! At sa mismong pamamahay ko pa!"

Before any protest could form her mouth, Rolf pulled her against him. Brutally, he covered her mouth with his. Gusto niyang manlaban dahil sinasaktan siya nito. Ngunit magiging walang silbi ang lakas niya sa lakas nito. It would only give him the satisfaction as he continued his sadistic pleasure with her lips.

Pagkatapos ay mabilis din siyang pinakawalan. "So, what's the verdict?" pangungutya nito. "Mas masarap bang humalik si Sandoval kaysa sa akin?"

"You pig!" Iniangat niya ang isang kamay at akmang sasampalin ito. Subalit maagap nitong nasalag ang palad niya at hinawakan iyon nang mahigpit habang ang isang kamay naman nito ay nasa buhok niya.

All-Time Favorite: Mananatili Kang AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon