CHAPTER EIGHT

2.8K 56 13
                                    


NaSA Enchanted Kingdom sila at nakangiting pinanonood ni Janis ang pagpapasakay ni Rolf kina RJ at sa classmate nitong si Mark sa ferris wheel. Nang magsimula nang tumaas ang ferris wheel ay lumakad pabalik si Rolf sa kinaroroonan niya.

"Napakaraming tanong ni Mark," wika nito nang makalapit. Naupo ito sa tabi niya sa sementong upuan.

She grinned. "Siya ang nangangantiyaw kay RJ na daddy-pretend lang mayroon ang anak mo. Kaya labis-labis ang katuwaan ni RJ nang umuwi ka. Nakita mo at ang unang ginawa ay ang ipakilala ka kay Mark at sa ibang classmates niya."

Rolf's eyes travelled lightly over her face. "Ikaw, natutuwa ka bang umuwi ako?"

"May mga sitwasyon na kailangan ang presensiya mo," paiwas niyang sagot. "Tulad na lang ng nabanggit ko. Kailangan ka ni RJ."

"Oh, yeah? It's nice to be useful."

The sarcasm that laced his voice didn't miss her. Pero hindi niya pinansin iyon. Ibinaling niya ang tingin sa kanan at noon lang niya napunang nakatingin kay Rolf ang dalawang teenager na babae at kinikilig na nagbubulungan at nagsisikuhan.

"Para saan iyang mga ngiting iyan?" tanong ni Rolf nang mapunang nakangiti siya.

Lumapad ang ngiti niya at ibinalik ang pansin dito. "Oh, iyong dalawang teenager sa kanan, mga nagpapapansin sa iyo kanina pa. They must have thought you are so handsome."

"Ano ang palagay mo?"

Kunwa'y sinuri niya ng titig ang mukha nito. "Siguro. Though you're a bit too arrogant to be truly handsome."

Rolf laughed. Kasabay niyon ay ikinawit sa baywang niya ang kamay nito. "Janis Jarlego, you're flirting with me," he accused.

"Hindi, ah."

Rolf smiled at her knowingly. "Supposing I fell in love with you, ano ang gagawin mo?" he asked out of the blue. Ikinagulat ni Janis ang tanong. "Huwag kang matakot," he mocked. "I didn't say I was, ipinapalagay ko lang na na-in love ako sa iyo."

Agad niyang ibinaling sa iba ang mga mata. Her heart palpitated at the overpowering thought. "Hindi ko naiisip ang bagay na iyan, kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko," anas niya.

"Bakit hindi? Hindi ka mahirap mahalin. Maayos ang pagsasama natin nitong nakalipas na ilang linggo. Alam ko rin na isa kang mahusay na ina. You have a decidedly old-fashioned outlook on things which I admire and respect. At nakikita kong taglay mo ang mga katangiang gusto ko sa isang asawa. A real wife, I'm talking about."

"Now you're the one who's flirting with me," she teased, subalit may palagay siyang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya sa kabang nararamdaman.

"Yeah," Rolf agreed, smiling. "Alam mo bang pinal na ang desisyon kong huwag nang bumalik sa Bahrain? Sinabi ko na sa Papa na nakahanda na akong pamahalaan ang kompanya. Sa opisina nitong mga huling araw ay gusto kong umuwi nang maaga dahil may maganda akong asawa na sasalubong sa akin. Kanina habang pinapanood ko si RJ, naisip kong mabuti marahil kung magkakaroon siya ng kapatid na lalaki... o kaya ay babae." His breath was stirring her hair with a devastating effect on her senses.

"H-hindi ko gustong pakinggan ang mga sinasabi mo, Rolf," she said weakly, bahagyang inilayo ang sarili rito.

"Why, Janis? Mahirap pa rin ba sa iyong pag-aralang mahalin ako sa kabila ng mahusay nating relasyon?"

"No... I mean, yes..."

"Make up your mind, sweetheart," natatawang sabi nito, then he pulled her closer against him.

"Rolf, we're in public. Hindi ako makapag-isip sa ginagawa mo." Huminga siya nang malalim bago muling magsalita. "I like you..." God, that was the understatement of the year. "Isa kang mabuting ama kay RJ. You're very attractive as well. Pero ayokong maging komplikado ang buhay ko dahil lang nahuhulog ang loob ko sa iyo."

Bahagyang kumunot ang noo ni Rolf sa sinabi niya. "How would falling in love with your husband complicate your life?"

"Hindi mo naiintindihan," protesta ni Janis.

"Make me," he encouraged.

"No." She shook her head. You 'll hate me in the end. At mawawala sa akin si RJ dahil wala naman akong karapatan sa kanya. Gumagapang ang takot sa kalamnan niya na tila kamandag.

May ilang sandaling pinalipas si Rolf bago muling nagsalita. "Nitong mga nakalipas na araw ay nagawa na nating kalimutan ang nakaraan, Janis. Don't try to hang on to that old bitterness of the past. It will only sour the future."

"I know." She looked away. "May mga bagay na hindi kaagad nalilimutan ng isa, kahit pa anong gawin niya."

"You have to," he said grimly. "Kung hindi'y magiging walang kabuluhan lang ang lahat."

Nailigtas niya ang sarili sa mahabang pakikipag-argumento sa biglang pagsulpot ng dalawang batang agad na nagyayang kumain.  

JANIS was humming a tune happily while watering her orchids. Sa mga nagdaang araw ay wala siyang mahihiling pa sa relasyon nila ni Rolf. Ipinakikita nito sa kanya ang lahat ng atensiyon na maaaring hilingin ng isang babae. Mga mumunting bagay na wala naman talagang halaga subalit kung pagsasama-samahin ay itinuturing niyang pinakamahalaga sa buhay niya.

Tulad ng pumipitas ito ng bulaklak sa garden at iiipit sa likod ng tainga niya; o di kaya'y mag-uuwi ito ng isang supot ng nilagang saging na hinog at sabi'y na-traffic ito at hindi matanggihan ang nag-alok na street vendor; or he would call from the office in the middle of the day and say he missed her.

Hindi niya lubusang mapaniwalaan na mamahalin siya ni Rolf bilang siya at hindi bilang ina ng anak nito. Kung may kinatatakutan man siya'y ang kawalan niya ng kakayahang tanggihan ang mga halik nito sa tuwing nagkakalapit sila.

Though he was always gentle and controlled, never demanding more than what she was willing to give, natatakot siyang isa sa mga araw na ito'y lumabis pa sila roon. The rapport between them was a bittersweet agony. Na lalong pinasakit at pinapait ng lihim na taglay niya. She knew, deep down in her heart that their chance of a happy future was an illusion.

Natigilan siya sa ginagawa nang pumarada ang isang pulang Honda Accord sa dulo ng driveway. Bumaba ang sakay nito. Si Avery.

Lumakad ito patungo sa kinaroroonan niya.

"Hi," masayang bati nito. "Nariyan ba si Rolf?"

"Nasa opisina pa marahil." Instantly she was on guard at Avery's familiar tone.

Napasimangot ito. "Ang sabi niya ay uuwi siya nang maaga. I need to talk to him."

"Kung importante ay maaari mong sabihin sa akin at ipararating ko sa kanya..."

Tumingin ito sa relo sa braso.' "Gusto kong tawagan na lang sa cell phone niya pero baka naman nagtuloy pa sa prep school. Ayoko namang apurahin siya..."

Hindi ibinigay ni Janis ang impormasyon na ang biyenan niyang babae ang sumundo kay RJ.

"Pakisabi na lang na magkita kami sa Club Filipino sa Friday ng alas-dos ng hapon." Tumalikod na ito upang bumalik sa kotse.

"Sure," Janis nodded grimly. Unti-unting tumataas ang temperatura riiya.

"Thanks," ani Avery, napahinto sa paghakbang at muling humarap sa kanya. "Oh, tatawagan ko nga pala siya mamaya. Nakita ko na nga pala iyong property na gusto niyang bilhin. Tell him that it just won't do at all. Sasabihin ko na lang sa Biyernes ang buong detalye. Maybe then we'll have time to go look at the property together."

Janis was too angry to trust herself to speak. Hindi kailanman nabanggit sa kanya ni Rolf ang tungkol sa property na sinasabi nito. Had these last months together been a trick intended to lull her into believing Rolf cared while he continued to carry on his affair with Avery?

Ang hindi inaasahang pagsulpot ni Avery sa mansiyon ang sumagot sa tanong niyang iyon.

Avery smiled at her too sweetly. "Sabihin ko na lang kay Dave na kinukumusta mo siya."


                                                                       **********

All-Time Favorite: Mananatili Kang AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon