CHAPTER 5

138 10 19
                                    

Nakaramdam ako ng siko sa aking kanang tagiliran.

“Okay ka lang ba, Fuji?” Bulong ni Ohkusu na nakalapit na pala.

“Oo naman, may naalala lang ako.” Pinilit kong ngumiti kahit papaano matapos ko syang tugunin.

Para namang hindi convinced ang kanyang mukha pero kahit ganun hindi nya ako pinushed pa at nagpapasalamat ako dun.

“Yohei, how about we merge the two tables?” Subok na tanong ni Haruko sa kanya.

Nakatingin lang sya kay Haruko at nasa sampung segundo siguro bago nya ito sagutin.

“Sure, if that’s what you like.” maikling tugon nito.

“Great! Sakuragi, can you help them move the tables, please?” parang nahihiya pa nyang tanong kay Hanamichi.

“Sure, Haruko. Basta ikaw!” masayang tugon nya dito na sinamahan pa ng kindat at tawa.

Para hindi ko masyado maisip ang tagpong ‘yun ay ginawa ko ding busy ang sarili ko sa paglilipat ng mga upuan na gagamitin namin mamaya.

“Ako na dito, Fuji.” Alok ni Takamiya.

Nakayuko lang ako at nagpatuloy lang sa ginagawa ko nang hindi ko sila tinitignan man lang. Plano ko ng iwasan sila at sa mga susunod na araw kaya dapat umpisahan ko na ito ngayon.

“Ahmm… everyone, I know that I did something wrong yesterday. Will you please forgive me?” wika ni Haruko para makuha ang atensyon ng iba.

“Ano naman ‘yun Haruko? Ngayon pa lang napatawad ka na namin.” Wika ni Hanamichi.

Tinginan naman ang mga kaibigan nya sa kanya habang seryoso lang ang mga mukha. Tila hindi natutuwa sa sinabi nito.

“Kay Fuji ka nagkasala, sa kanya ka dapat mag-sorry.” Seryosong wika ni Yohei.

“Hah? Ano bang ginawa mo Haruko at ako na ang kakausap kay Fuji.” Sabat ni Hanamichi sabay lapit sa’kin.

“Pwede ba Hanamichi, huwag kang makialam. Dapat silang dalawa ang aayos nito.” Agap ni Takamiya dito.

Hindi ko na tuloy napigilang hindi magsalita para klaruhin sa kanila ang nangyari ngayong araw.

“Huwag kayong mag-alala, nag-sorry na sa’kin si Haruko at ganun din ako kaya okay na kami.” Mahina kong pahayag sa kanila.

“Totooba yan, Fuji?” tanong ni Noma.

Bago pa man ako makasagot ay naunahan na ako ni Haruko.

“Of course, I was the first one who said sorry, right Fuji?” Wika ni Haruko habang matiim ang titig sa’kin.

Ang mga titig nya ay tila direktang nagsasabi sa’kin ng salitang ‘just play along’.

“Ang bait mo talaga Haruko, ikaw pa ang unang nag-sorry.” Amazed na salita ni Hanamichi.

“Hindi naman sa ganun, Sakuragi. I wronged her so it’s just right for me to say sorry.” Nakayuko nitong wika sa huli habang tila nahihiya pa.

“I’m getting food.” Wika ko kay Matsui na nasa tabi ko lang.

“Let’s go. Hayaan muna natin sila.” Tugon nito sa’kin habang akay-akay ako papunta dun sa open counter kung saan naka-display na dun ‘yung mga dishes para sa araw na ‘to.

Kahit gaano kasarap ang mga pagkaing nasa harap ko ngayon ay tila wala akong ganang kumain.

Pero kahit ganun ay kumuha pa din ako ng pagkain at nilagay ko ito sa aking tray. This time, ‘yung pagkaing kaya ko na lang ubusin.

Agad na kaming nagtungo ni Matsui sa aming table matapos naming makakuha ng pagkain. Umupo ako sa bandang gilid ng mesa at sa tapat ko naman si Matsui.

Ang iba naman ay naka-line up na din para kumuha ng kani-kaniyang pagkain nila. Nahagip ko pang nakatingin ngayon sa’kin ‘yung apat pero nagbaba lang agad ako ng tingin.

Para abalahin ang sarili ko ay kinuha ko muna ang phone ko at nag-scroll sa aking social media account na kaunti lang ang friend lists.

Ang mga friends ko lang dito ay ang aking parents, sina Matsui at Haruko at pati na din si Rin.

Pathetic, right? Hindi man lang lumampas sa sampu.

“Anong user id mo, Fuji? Para makapagsend ako ng friend request sa’yo?” gulat kong dinig sa nagsalita.

Hindi ko namalayan ang pagdating nila dahil busy ako kakatingin sa aking newsfeed kahit wala namang interesanteng bagay dun. Basta may pagkaabalahan lang ako.

“Boring ang account ko, Hanamichi. Wala naman ako masyadong friends dun at posts.” Nahihiya kong tugon sa kanya.

“Edi paramihin natin kaya amin na ‘yung user id mo.” Wika nya habang nakangisi.

Tumalon naman ang puso ko doon. Paminsan-minsan nakakausap ko din naman talaga sya lalo na ‘pag wala ang babaeng gusto nya.

Ibibigay ko na sana ‘yung hinihingi nya nung nagsalita si Haruko.

“Sakuragi, paki-usod naman 'yung chair para makaupo ako.” Nakanguso pa nyang hiling kay Hanamichi.

“Sure, Haruko.” Tila nakadikit na ‘yung napakagandang ngiti nya ‘pag si Haruko na ang kausap nito.

Madali din syang makalimot sa mga bagay-bagay ‘pag sya na ang kaharap at kausap nito. Kaya naman hindi na ako umasang masusundan ang topic namin kanina.

Inumpisahan ko ng kumain habang nakayuko lang at sinadyang mag-focus sa pagkaing nasa aking harapan.

“Hey guys, this is too much for me. You can have this fried fish and tempura.” Masayang alok ni Haruko.

Loving The Tensai From Afar (COMPLETE)Where stories live. Discover now