CHAPTER 13

125 10 21
                                    

Hindi ko alam na ganito pala ‘yung feeling kapag ‘yung actual na laro na nila sa tournament ang pinapanood mo. Dati kasi during practice game lang ako nakakanood.

Sobrang intense ng galawan ng bawat manlalaro sa magkabilang kuponan. Si Hanamichi ay nagpakita agad ng kakaibang husay nya sa pag-rebound ng bola.

Sobrang taas nitong tumalon kumpara sa mga ka-team nya at ng katunggali nila. Napasinghap din ako nung una syang nakapuntos sa kalaban.

Tumingin pa nga ito sa aming gawi pagkatapos nitong pumuntos at nagbigay ng isang thumb up signal.

Nahihiya akong mag-cheer katulad nila Yohei at ng iba kaya naman binigyan ko na lang sya ng dalawang thumbs up bilang suporta dito. Pakiramdam ko ay natuwa naman sya dahil agad itong ngumiti.

Halos mag-unahan sa karera ang tibok ng puso ko ngayon habang pinapanood syang maglaro. Nito lang sya nag-umpisang maglaro pero ang dami na nyang alam sa larong ito.

Kayang-kaya na nyang makipag-sabayan sa mga ibang players na batikan na sa larong ito.

Hindi ko din nakakalimutan na ang dahilan kung bakit sya sumali sa larong ito ay para mapalapit kay Haruko.

It serves as another reminder for myself na iba ang gusto nito. That whatever we had was purely a platonic friendship. I sighed after realizing it.

That hurt me big time, but then again, we can’t push ourselves to the people we like as it’s also their own freewill to choose who they wanted to be with.

Napakaswerte ni Haruko dahil dito. Minsan may mga bagay talaga tayong gusto pero mahirap o hindi talaga para sa’tin. Sa ngayon, kuntento naman ako dahil nakakasama at nakakausap ko sya bilang isang kaibigan.

Umusad ang laro at panaka-naka kong naririnig sila Haruko na nag-chicheer din para kay Rukawa at Hanamichi. Napapansin kong napapatingin din sa gawi nila si Hanamichi ‘pag ito na ang nag-chicheer.

Tahimik lang akong nanonood sa upuan ko. Paminsan-minsan kinakausap ako nila Ohkusu ‘pag natitigil ‘yung laro, pagkatapos may ma-foul dito.

“Hindi ko gusto ang hilatsa ng number thirteen na yan. Kanina pa nya hinahamon si Hanamichi,” seryosong wika ni Noma.

“At kanina pa din banas si Hanamichi dyan dahil karamihan ng puntos ay galing sa kanya,” wika ni Takamiya.

“Sinong hindi mababanas, sya lang naman ang bantay ng number thirteen na yan at nakakalusot bawat shoot nito. Magiinit talaga si Hanamichi dyan,” si Ohkusu.

“Mahina pa ang defensive skills ni Hanamichi kumpara sa mga kasama nya,” si Yohei.

“Para sa’kin matututunan nya din yan. Look at his progress. He’s come a long way as he already acquired most of the important skills of a basketball player, and I have no doubt that one of these days, he would kick some asses with his ability to defend his ball,” mahaba kong pahayag sa kanila.

Ramdam kong nagtinginan silang lahat sa’kin kaya naman tinignan ko din sila.

“W-What? I-Is there something wrong,” naguguluhan kong tanong sa kanila.

“Wala naman, napakatindi ng pag-aanalisa mo kay Hanamichi sa kakayahan nya kahit hindi mo naman sya madalas makitang maglaro,” nagdududang salita ni Noma.

“Don’t forget that I also watched him play during their practice games,” mahina kong wika sa kanilang lahat.

“Oo, pero hindi palagi,” wika naman ngayon ni Ohkusu.

“Wala ba kayong tiwala kay Hanamichi,” ‘di ko napigilang itanong.

“Sa kagunggongan meron naman,” natatawang wika ni Takamiya.

“Hindi naman sya palaging ganun ah,” defensive kong tugon dito.

“Ah, ipinagtatanggol nya talaga,” patuloy na nagdududang salita ni Noma.

“Tumigil na kayo. Normal lang yan kay Fuji dahil syempre kaibigan din nya si Hanamichi. Hindi ba’t tama ako Fuji,” singit ni Yohei na sinamahan pa nya ng patagong kindat sa’kin sa huli.

Mukhang kilalang-kilala at basang-basa din ata ni Yohei ang mga ikinikilos ko.

“Go, Sakuragi! Kaya mo yan Tensai,” dinig naming cheer ni Haruko.

Manghang-mangha ako kay Haruko dahil wala syang kahit anong inhibisyon sa katawan pagdating sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Something that I don’t. Kailan ko kaya magagawa ito sa taong gusto ko. I don’t think it will ever happen.

Tumingin ako sa gawi ni Hanamichi at nakita kong pinamulahan ito sa mukha dahil sa ‘di inaasahang cheer ni Haruko dito.

Tinukso din sya ng mga manonood sa bench dahil dito. Sumakto namang gumanda din ang laro niya dahil dun. Mukhang inspired at motivated.

Pabor sa kanilang team dahil nakaka-score na sya ulit at humihigpit na ang kanyang depensa sa kalaban.

Ang ganda na sana ng takbo ng laro hanggang sa matapos ang first half kung hindi lang sana ito aksidenteng na-injured

Tinangka nyang pigilan ang alley-oop ni Fukuda, manlalaro sa Ryonan team na may number thirteen sa jersey pero bigo itong pigilan ito.

Hindi nito nabalanse ang kanyang paa at dumulas ito hanggang sa tumapon ang katawan nya sa mga upuan sa gilid ng court.

Halatang gulat ang lahat dahil dito, maging kami ay napatayo sa aming mga upuan para matignan ang lagay nya sa baba.

Nahintakutan ako nung may nakita akong napakaraming dugong umaagos mula sa kanyang noo.

I felt dizzy all of a sudden.

Naging estatwa din ako sa kinatatayuan ko samantalang sila Yohei at ang iba ay dali-daling bumaba para saklolohan ito kahit pa alam nilang nandun ang manager ng team para gumamot dito.

Maging ang pagbangga nila Haruko sa’kin habang nagmamadaling makapunta doon ay hindi ko na din napansin.

Pakiramdam ko nadagdagan ulit ng pasa ang braso ko dahil dun pero hindi naman ito ang mahalaga ngayon.

Si Hanamichi ay duguan ngayon at kasalukuyang inihihiga nila Ayako upang malampatan sya ng paunang lunas. Nandoon din sila Yohei at Haruko para matignan sya.

Ang sama ko ba dahil nandito lang ako sa taas at nakatingin lang sa kanya habang ginagamot sya?

For the past years, I still can’t stand the sight of blood. It was the worst trauma a kid could have during its childhood.

Hindi ko na naiisip ang mga bagay na ganito until I saw the severe amount of blood gushing out of his forehead.
I really shouldn’t be like this at this time.

Lumipas pa ang mga minuto at nagdecide silang ilipat si Hanamichi sa locker room na nakalaan para sa Shohoku upang kanila itong matutukan.

My legs were trembling and getting numb at the same time. Ilang minuto na din kasi akong nakatayo dito. I attempted to sit this time and looked at my lap.

I could see my hands trembling and while I was at that state the guys came back.

“Okay ka lang ba Fuji,” takang tanong ni Yohei nung naabutan nya ako sa ganong akto.

Pinilit kong ngumiti dito.

“Yeah. How’s Hanamichi,” casual kong tanong dito habang halata kong nakatitig sya ngayon sa mukha ko. Tila tinitignan kung ano ang mali dito.

“Iniwan na namin sila dun. Hindi naman masyadong grabe ‘yung tama ni Hanamichi. Madami ngang dugong lumabas pero maliit lang ‘yung sugat. Sila Ayako na bahala sa kanya,” wika ni Ohkusu.

“Mabuti naman kung ganun,” tugon ko sabay baba ng tingin ko sa aking mga kamay na nasa aking mga hita.

Nagumpisa silang umupo sa kani-kanilang pwesto. Nararamdaman ko pa din ang isang pares ng mga mata na sadyang nakatitig pa din sa’kin.

“You might want to take a breath outside. I know you don’t feel okay right now. Do you want me to accompany you,” bulong ni Yohei sa’kin.

Hindi na ako nagtaka na may ideya na sya sa nangyayari sa’kin. Napaka-observant din nito katulad ni Hanamichi.

“It’s okay. I’ll go by myself,” tugon ko dito bago tumayo at lumabas mula sa loob.

Parang nakahinga ako ng maluwag nung nakalabas ako. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa paghahanap ng comfort room.

Para sana makapaghilamos man lang ako pero iba ata ang una kong nahanap.

Nasa harapan ako ngayon ng locker room na nakatalaga para sa Shohoku. Nalaman kong ito nga iyon dahil nabasa ko ang pangalan ng school namin sa gilid ng pintuan nito.

The door was left ajar and I could hear two voices inside. Hindi ko hilig ang makinig sa usapan ng iba pero what made me curious were the two familiar voices inside the room.

Panaka-naka ko din silang nariringgan ng mga tawa. It was so obvious that they enjoyed talking to one another.

Unti-unti akong lumapit sa pintuan at tinangka kong silipin ang loob nito. Pinagpapawisan ang mga kamay ko and at the same time may kaunting kaba sa dibdib ko kung anuman ang maari kong makita sa loob.

I saw the back of Hanamichi sitting on a chair while Haruko was just in front of him. She was trying to fix the bandage on his head when she accidentally saw me looking at them.

I don’t know but I think I just saw her snickered at me. Mas lalo din syang lumapit kay Hanamichi pagkatapos nun.

“Okay na ba talaga ang pakiramdam mo Sakuragi,” malumanay at banayad nitong tanong dito.

I could see him being startled to his seat and scratched the back of his head. Maybe he wasn’t even expecting that from the woman he likes.

“O-O n-naman H-Haruko,” nauutal pa nitong sagot dito.

“Please do me a favor and take care of yourself next time okay,” wika nito sa kaparehas na boses nya kanina.

Ang kaibahan lang ngayon ay hawak na nya ngayon ang mga pisngi ni Hanamichi habang sinasabi ang mga ito.

“G-Gagawin k-ko yan, h-huwag kang magalala,” agad namn nitong tugon dito. Halata mo ang hiya at pagkagulat sa boses nito.

Sobrang nasaktan ako kahit alam kong wala naman akong karapatan para makaramdam nito.

I felt like I could no longer stand this scene right before my eyes. I lowered my head and left immediately.

Wala ako sa sarili ko habang naglalakad sa hallway. Pero kahit pa ganun ay nahanap ko pa din kung nasan ang comfort room.

Sana dito na lang ako dinala ng mga paa ko kanina para hindi ko nakita ang tagpong ‘yun. It’s a good thing there’s no one with me in it.

I slowly faced the mirror and saw my reflection. While my face was already pale, my eyes were now starting to get red from extremely trying to stop my tears from falling down.

Nakikita ko ngayon sa salamin ang isang Fuji na talunan mula pa nung bata pa sya. Walang kaibigan o ninuman na gustong manatili sa tabi nito.

Isang ordinaryong bulaklak na ang tanging pakinabang lang ay pangdekorasyon sa isang tabi habang ang mga ibang naggagandahang mga bulaklak ay syang nasa gitna at sentro ng atensyon ng lahat ng makakakita nito.

It took minutes before I was able to compose myself. I didn’t cry as I refused to cry. Part of me was urging me to continue hanging on and see the end of it.

Naghilamos ako sa mukha para maginhawahan ang pakiramdam ko. Somehow, it worked! Nakatulong ‘yung malamig na tubig to calm my nerves.

Now, I can totally go outside as if nothing happened. Nasa isip ko pa din naman ang tagpong ‘yun kanina at tao lang din naman ako.

Kahit papaano may sakit pa din pero hindi na ito katulad kanina, mas kaya ko ng i-handle ang nararamdaman ko.

With that, I felt like giving myself a pat on the back.

I decided to go to a vending machine to get a drink. Parang nauhaw ako sa lahat ng pinagdaanan ko kanina.

Nasa harapan na ako ng vending mahine nung tinangka kong hanapin ‘yung purse ko.

Shoot! I left my bag on the bench.

“What’s your choice. I’ll pay,” wika ng isang hindi pamilyar na tinig sa tabi ko.

Tumingin ako sa side ko at kinaillangan ko pang iangat ang ulo ko para lang makita ang mukha nya.

Pansin kong nakasuot sya ngayon ng jersey ng Ryonan, ang katunggali ng Shohoku para sa finals.

Pansin ko din ang tirik na tirik at tayong-tayong buhok nito. Feeling ko kung may mahuhulog man na butiki dito ay dead on the spot ang aabutin.

“Diet Soda,” maikli kong tugon dito.

He offered, so I think I should accept it, otherwise he may get offended.
Inabot nya sa’kin ang drinks na napili ko tsaka naman sya bumili ng kanya.

“You’re new here, aren’t you,” he asked while opening his can.

“Yeah.”

“Akira! What the hell,” sigaw ng isang babaeng hingal na hingal habang papalapit sa'min.

Parang galing ito sa pagtakbo.

I looked at her and was surprised to meet her again. It’s Teresa, yung nakabungguan ko kanina.

“Inubusan ako ni Koshino ng drinks, so I was just buying one,” balewala nitong tugon dito.

“Matatapos na ang break para sa first half and coach Taoka was already looking for you,” inis nitong wika dito.

Ni hindi nga siguro nito alam na nandito lang ako sa harap nya dahil sa sobrang inis nito dito sa lalaking tirik na tirik ang buhok.

“How did you know? Pumasok ka na naman ba sa locker room namin kahit bawal ka dun,” naniningkit ang matang tanong nito.

“Of course not! What do you think of me,” nakahalukipkip nitong tugon pero ni hindi makatingin ng diretso sa lalaking nagngangalang Akira.

Halatang nagsisinungaling si Teresa. I made a sigh because of that and that was also her queue to finally notice me.

“Fuji,” tawag nito sa pangalan ko sa hindi makapaniwalang boses.

“Hi,” bati ko dito.

“I was just buying some drinks. I didn’t realize I forgot my purse when this fellow helped me buy my drink,” dagdag ko pa.

“Then why don’t you buy me a drink too, hmmm, Akira,” wika nya kay Akira while she bats her eyelashes.

She looks so cute the way she did it and I also saw Akira trying to hide his smile from it.

“Stop it! Let’s go,” galit-galitan nitong salita kay Teresa bago ito ayaing umalis na.

I smiled at that, halatang may gusto itong si Teresa kay Akira at parang ganun din naman ‘yung Akira dito.

————————————————————————————————————
Thanks for supporting my story. Please don't forget to VOTE and COMMENT what you think of this chapter. It would greatly help and motivate me more than a million times. 🤗

Loving The Tensai From Afar (COMPLETE)Where stories live. Discover now