Chapter 9

710 32 4
                                    

- There's some bad words that might be disturbing sa mga good ferson😺

A/N: sorry everyone! ngayon lang! but enjoy! babawi ang otor nyo, pramis!!












-------

Ano nga ulit kelangan kong gawin?

Lutang akong lumabas ng Kwartong yun. Totoo ba yun?!

Hindi ko lubusang maisip na totoo yun kasi walang nakalagay o na mention man lang na umeexist ang bl dito! Huhu!

Kinikilig ako...

Napakamot nalang ako sa ulo ko kasi kung ano-ano yung iniisip ko. Nag focus nalang ako sa dinadaanan ko. Buti nalang at hindi nila ako napansin kanina at nagawa kong makapagtago ng maayos, may light awra na ako para hindi nila maramdaman masyado. Trained na ang katawang 'to kaya okay na. Nakarating ako ng mapayapa at tahimik sa kwarto o punish room ng member sa pamilya ng Campbellton.

Binuksan ko yung doorknob kaso napahinto ako ng naka lock yun. Punyetang animalas naman oh! Hindi ako na inform na nilolock-kan pala to.

San ko hahanapin ang susi neto!? Bwesit!

Pwede ko namang sipain nalang ang pinto eh kaso mag lilikha yun nang malakas na ingay! At baka makita pako ng mga guards o mga nag papatrol! Jusmeyo naman! Nag kalat kaya sila!

Wala na to. Wala ng pag-asa.

Napag desisyonan kong tumalikod na at bumalik na sa kwarto ni Ziarkia—na kwarto ko na ngayon. Bat ba ang palpak ko today?!

Para akong binagsakan ng langit at ng lupa na nag lakad palayo sa punish room.

Kung sana alam ko kung asan nakalagay ang susi edi sana happy happy na ako ngayon? Ang sarap mag dabog! Gusto kong suntukin kung sino o ano man ang makita kong bagay!

Bad trip ako.

Patuloy lang akong naglalakad nang maispatan kong may paparating mas mabilis pa kay flash na dumikit ako sa pader at nag tago sa kadiliman.

Please sana hindi to parehas kay Guard  2!

Hindi nag tagal nakita ko ang isang lalake na nag lalakad. Mukhang tatanga tanga naman sya eh. Nang malampasan nya ako ay agad akong tumakbo papuntang pintuan ng tahimik.

Pwew!

Dumeretso nako sa kwarto ko nang ma i clear kong walang tao. Nang makapasok ako ay nag hanap ako ng pwedeng e tapon kaso vase lang ang nakita ko kaya agad kong sinipa iyon

*KRRKKKBBORSHHKK!*

Nanlaki ang mga mata ko nang makalikha iyon ng malakas na ingay dahil nabasag, na tampal ko ang bibig ko at mariin na pumikit. Shit! Tarantado ka talaga James!

Sinide-eye-yan ko yung pintuan at nag antay ng ilang sigundo kaso walang pumasok. Nakahinga ako ng maluwag. Promise diko intensyong mabasag yun!

Agad akong humiga sa kama. Bad trip ako sa totoo lang pero sige nalang..Ipinikit ko ang mga mata ko at nag palamon sa antok. Itutulog ko nalang tong inis ko. Bukas ko nalang lilinisin ang kalat.






*NAG BROWN OUT*



-----



*knock! Knock!*

"Hmmm!"-ungol ko at unti-unting binuka ang mga mata.

Imbis na tumayo ako ay tumagilid lang ako at kinuha ang ibang unan na nasa higaan ko at tinakip sa mukha ko. Nagplano akong matulog ulit. Malapit nakong lamunin ng antok ng may kumatok ulit.

Reincarnated as the Hated Daughter of Mafia BossWhere stories live. Discover now