SAD #23

11.4K 162 15
                                    

|Note: You can motivate me by writing some comments. HAHA. Follow my twitter account @artverneilwp :)|

SAD #23

Zaña's POV

"You're gonna join this tour with me?"

It was more like a statement rather than a question the moment I saw him walking towards me. He was pushing his Rimowa customized luggage that I designed. It's in a blue sunset color palette.

Kapag pinagtabi mo ang luggage naming dalawa ay makakabuo ka ng ocean sunset scenery, the exact scene he captured when we were in the cruise ship. I drew it and sent it to the company. We only used it thrice because he fucking cheated on me—I believe that's still cheating no matter what reason he has.

"Zahara..."

Sumilay ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa luggage ko. Umirap naman ako dahil mukhang nang-aasar siya. Masyadong mahal ang luggage para itapon ko, siya dapat ang hindi na gumagamit ng bigay ko. Marami naman siyang pera para bumili ng bago.

"Why are you still using that luggage? Hindi ba nagtataka si Zoe—"

"I appreciate if we won't talk about your little sister," putol niya sa sasabihin ko. Seryoso niya akong tiningnan. "You know why I married her, Zahara."

"I know why you married her," sagot ko sa kanya habang seryoso rin ang tingin. "So, please...don't forget that you married her..." I emphasized the last three words.

Hinihintay ko na isumbat niya sa akin. Na sisihin niya ako kung bakit nakulong siya sa kasal na yan para lang hindi masira ang career ko. Wala akong narinig na kahit na ano sa kanya kaya mas lalo akong naguilty.

Ngunit mali pa rin na lagi niyang nakakalimutan na kasal siya dahil lang sa ako pa rin ang mahal niya hanggang ngayon. Kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo ay kasal pa rin silang dalawa.

"I will file for an annulment," dugtong niya.

"We both know Zoe will not agree with you."

Tumalikod na ako papunta sa ibang direksyon dahil ayoko na siyang makausap. Sa dami ba naman kasi ng pupuntahan niya ay sa Sagada pa. Bakit hindi na lang siya magpunta sa ibang bansa? Ngayon na nga lang ulit ako gagala tapos nandyan pa siya.

I went to Sagada to heal my broken heart...to search for my soul, but how could I do that when the reason why I was here...is also here? Sana pala sinama ko na lang si Mateen tutal alam naman na ngayon ng buong mundo na siya ang boyfriend ko.

I planned on making that real after this trip. I just need more time to heal. Ayokong masira kung anuman ang meron kami ni Mateen dahil sa padalos-dalos ako. But shit...hindi pa yata matutuloy dahil dito kay Heron. Why can't he just let me go?

"If it's granted, will you marry me?"

Tumigil ako at humarap sa kanya. "I am going to marry Mateen. We're clear about that—"

"He's not even your boyfriend," he reasoned out.

I scoffed. "You're not even my boyfriend."

"I'm sorry."

Sabay kaming napatigil sa sinabi niya. Hindi ko makuha ang tamang salita para sabihin sa kanya. Gusto ko siyang sigawan ngunit para saan pa kung tapos naman na ang lahat sa aming dalawa? Sana noon pa niya sinabi sa akin para nagawan ko ng paraan.

Pero ano nga ba ang paraan na magagawa ko? Going back, pipiliin ko pa rin ang career ko at alam niya 'yon.

"Heron, please..." Nagmamakaawa na sabi ko sa kanya. "I am your sister-in-law now."

Silhouette at Dusk (Bar Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora