chapter 39

2.3K 61 2
                                    

Colets pov...

Tumulo Ang luha niya habang naka tingin sa nakaratay na kaibigan.. Dalawang buwan na itong nasa hospital dahil gumagrabi na Ang sakit nito. Hirap na Kasi itong tumayo nang hindi nahihilo. At nahihimatay. Dapat nasa hospital na ito noon kaso gusto nitong taposin Ang college. Gusto din nito makita si mikha kahit sa malayo lang. Pero pagkatapos ng graduation nila ni di na Sila nakapag  celebrate dahil bigla itong nawalan ng Malay pag sakay nila sa sasakyan.  Tiniis nito na wag mawalan ng balance habang nasa loob pa Sila ng gymnasium. Kahit nahihirapan na ito kaya naka dikit Siya Dito hanggang makasakay Sila. Ayaw nito na malaman ng mga tao Lalo na ni mikha at sa mga kaibigan nila Ang sakit nito dahil ayaw nitong mahirapan at mag alala Ang mga kaibigan Dito. Kahit nasasaktan Siya at nag aalala sa kalagayan nito ay pilit niyang itinatago at ipinapakita na andito lang siya palagi para Dito na di Niya ito susukuan kahit na Anong mangyari . Pinunasan niya Ang mga luha niya dahil baka ma rinig at Makita Siya ng kaibigan. Subrang payat na talaga nito. Biniro Niya pa ito last week na di na need nitong mag diet dahil subrang sexy na nito. Tumawa lang ito sa biro Niya. Kahit hirap itong mag salita ay pinipilit parin nito Ang sarili. Subrang Ganda pa rin nito kahit  subrang putla at payat.  Alam Niya na gustong gusto na nitong Makita si mikha pero tinitiis lang nito . Nakakahinga na ito ng maluwag sa tuwing nakikita nito Ang mga pinapadalang picture ni maloi sa kaniya at alam nitong nasa mabuting kalagayan si mikha at Masaya. Alam niyang nasasaktan parin si mikha at nahihirapan . Pero para di mag alala at sisihin ni aiah Ang sarili palagi niyang sinasabi na Masaya na si mikha.

Tumingin Siya sa kaibigan at hinawakan Ang malamig na kamay na subrang putla. Nangilid uli Ang mga luha niya pero agad niyang pinigilan dahil ayaw na ayaw nito na nakikita siyang umiiyak dahil Dito. Seguro Kong andito si mikha di Siya ganitong mahihirapan dahil alam niyang may mag aalaga sa kaibigan niya. At mas Masaya sana ito kapag si mikha Ang Kasama Dito. Pero masyadong mahal ni aiah si mikha. Kaya mas pipiliin nalang nito na mag suffer mag Isa Kaisa mag suffer ito Kasama si mikha. Masyadong mabait si aiah. Kahit Siya na kaibigan nito. Kung di Niya nalaman dati Ang sakit nito baka pati Siya iniiwasan din nito. Ganun ito ayaw nitong mag suffer Ang mga mahal nito . Bata palang silang dalawa alam Niya na Ang tinatago nitong karamdaman. Kaya subrang protective Niya dito.

" Aiah gumising ka na please kahit wag ka lang mag salita Basta gising ka okay lang sa akin." Pag mamakaawa niya Dito.

" Sabi mo gusto mong Makita na grumaduate si mikha diba? Papanoodin mo pa Siya umakyat sa stage para tanggapin Ang diploma Niya at awards ... Gumising ka na Dyan aiahkins... Pa punta na si mikha Sayo .. ayaw mo siyang Makita na nasasaktan at na aawa Sayo Diba? Kaya gising na Bago pa Makita ni mikha na para Kang bangkay na nakahinga Dyan!". Tumawa pa Siya ng pagak.  " Ang swerte mo naman aiahkins pa tulog tulog ka lang Dyan.. Ako Dito walang tulog ilang araw na di ka ba na aawa sa akin?". Sumingot pa siya kahit alam niyang di Siya nakikita at naririnig nito. Ganitong eksina din ang nangyari dati noong unang beses niya itong Nakita na tulog ng ilang araw . At Ang unang beses niya itong makita.

Grade six lang sila pareho ni aiah noon ng mag kita Sila sa hospital kung saan Siya na confine dahil sa dengue .

Flashback.....

Habang makahiga Siya sa private room niya sa hospital at binabasahan Siya ng  story ng mommy Niya ay biglang na pahinto Sila ng may Nakita silang naka silip sa pinto ng kwarto niya.  Nginitian ng mommy niya si aiah. Gusto niyang ngumiti Kay aiah that time kaso nahihiya Siya Dito dahil subrang Ganda nito.

" Hi pretty!". Bati ni mommy Kay aiah . Nahihiyang tumugon Naman si aiah

" Ahm hi po ma'am sorry Po sa esturbo... Nakita ko Po kasing naka bukas Po Ang pinto at narinig ko Po Ang Boses mo Po kaya na curious Po Ako." Anito na napakamot pa sa batok nito. Pinigilan Niya Ang sarili na huwag ngumiti. Ang cute Kasi nito.

my secret Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora