chapter 41

2.3K 81 5
                                    

Mikha's

" Colet nakakainis ka kanina alam mo ba yon? Sarap mo sabunutan eh! gusto din kitang makausap mikha lim!". Seryusong Sabi ni aiah at pinagalitan si Colet. Tama yan aiah pagalitan mo yang unggoy na Yan. Kung ano Ano nalang Ang lumalabas sa bibig. Nahawa na yata ito Kay ate maloi sa ka daldalan.

" At Ikaw mikha lim Anong pinagsasabi mo Kina daddy? Nakalimutan mo na yata na may girlfriend ka!".  Sa akin naman ito bumaling. Akala ko makakalimutan na nito Ang mga sinabi Niya. Shit nakalimutan ko may girlfriend Pala Ako!  Pero the words she said it just came naturally in her mouth. At Wala siyang maramdamang na pag sisi at pag aalinlangan sa mga sinabi Niya sa mga magulang ni aiah. But now she mentioned it bigla niyang na realize Ang mga pinaggagawa Niya. She forgot about her girlfriend na nag hihintay lang sa kaniya lagi. Conscience eating her right now." Jazz sorry?". Aniya sa isip . And then she remember the date now. It's our first monthsary as a couple. Oh my god bakit ngayon pa?. Kinuha niya Ang bag Niya tapos ay nag paalam Kay aiah at colet.

" Ahm I need to go....may importante Pala akong gagawin!". Aniya sa dalawa.

" Mikha lim !". Tawag ni aiah sa kaniya.

" I'll see you tomorrow aiah!".. aniya Dito tsaka binuksan Ang pinto.

" Mikha pano si aiah?   Aalis Ako Ngayon Wala siyang Kasama!". Tawag ni colet sa kaniya. Napahinto siya at napatingin Kay aiah. Nakayuko lang ito. But how about jazz her girlfriend?nag tatalo Ang isip at puso Niya Ngayon. Sa isip Niya kailangan niyang bumawi sa girlfriend but in her heart she wants to spend her time with aiah and to be with her to take care of her.  Na kokunsinsya na nga Siya dahil kahit magkasama silang dalawa ng girlfriend Niya ay laging si aiah Ang nasa puso at isip Niya. Minsan kinukumpara Niya pa Ang dalawa . She feel bad kapag ginagawa Niya yon but she can't helped it. She is Happy with jazz napapasaya Siya nito lagi kapag magkasama sila.  But aiah need her.
Kahit di nito sabihin alam niyang kailangan Siya nito and I also need her. kahit na na pressure lang Siya Nung time na sinagot Niya si jazz dahil sa mga kaibigan nito ay aaminin niyang may crush din naman Siya Dito. Ito din Ang dahilan Kong bakit kinaya Niya Ang lahat..

" Sorry but jaz needs me right now". Aniya tapos ay tumalikod na ng tuluyan.

Huminga Siya ng malalim. Sumasakit na Ang ulo Niya . Huminto Siya at lumingon sa pinto ng kwarto ni aiah.

" Wait for me baby". Bulong niya. She needs to decide kung sino Ang pipiliin niya.. alam ng puso Niya na si aiah Ang gusto niyang makasama..pero Ang isip Niya ay andon Kay jaz.  Umupo Siya sa waiting area malapit sa lobby ng hospital kinuha Niya Ang phone niya tapos ay pumunta sa contact.

" Babe!". Masiglang bati ng girlfriend niya. napapikit Siya ng mariin. Pano Niya Sasabihin dito na gusto niyang makipag hiwalay kung lagi itong ganito sa tuwing kausap niya ito. Masayahin ito bubbly at subrang bait din. Ngayon palang ay parang subrang bigat na sa dibdib. Di Niya yata kayang saktan ito. Ayaw niyang mawala Ang sigla at ngiti nito. Pero di niya din kayang umiwas Kay aiah at di ito makita ... feeling niya nag cheat siya sa girlfriend Niya.

" Pwede ba tayong magkita Ngayon?". Aniya Dito.

" Ofcourse... But before that.... happy monthsary babe!". Masayang bati nito sa kaniya. Oh shoot di Niya ito ma bati.

" Ah same here jaz!". Pilit niyang pinapasigla Ang Boses. Pero sa tingin niya ay di Niya nagawa. Halata sa Boses Niya na Wala siyang ka sigla sigla. Natahimik Naman ito bigla sa kabilang linya.

" Jaz andiyan ka pa ba?"..

" A-ahm.yeah !". Sagot nito. Huminga Siya nang malalim.

" So can we meet?".

" I don't think I can meet you Right now". Napakunot noo Siya ng mag iba Ang sagot nito sa kaniya.

" Pumayag ka na kanina na makipag kita sa akin... Bakit nag iba na Naman Ang sagot mo?".

my secret Where stories live. Discover now